05

7 1 0
                                    

Kyle's POV

Magkasama kami ngayon ni Felix naglalakad papuntang canteen busy kasi 'yung tatlo kaya kami lang ang magkasama. Naupo na ako isang bakanteng upuan at si Felix naman ang mag-oorder.

Halos ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito bumabalik kaya hinanap na ito ng mata ko dahil wala na s'ya sa counter.

At ang loko ay nakikipagchismisan pala sa ibang table, nakiupo pa talaga s'ya rito. Napailing na lang ako at nagcellphone.

"Kyle!! May nasagap ako!" Muntik ko pang maibato ang cellphone ko sa gulat sa biglang pagdating ni Felix at ang lakas pa ng boses.

"Ang lakas ng boses mo." Reklamo ko rito pero hindi nito pinansin ang sinabi ko.

"May jowa na raw yata si Vergara." Dire-diretsong saad nito na nakapagpakunot ng noo ko.

"Ha? Kanino mo nalaman?" Tanong ko rito kaya umayos pa s'ya ng upo.

"Du'n kina Renz, ka-department 'yon ni Vergara! At ito pa ang mas nakakagulat! Lalaki raw ang shota!" Talang gulat na gulat din ang muka nito. Siraulo talaga, invested na invested na naman s'ya sa nasagap n'ya.

Na-curious tuloy ako kung totoo bang may bf si Vegara.

"Bakit nakita ba nila?" Usisa ko rito sabay kuha ng binili n'yang coke at uminom.

"Oo, nung sabado raw magde-date raw si Renz at 'yung shota n'ya sa isang restaurant tapos nakita n'ya raw si Vergara roon may ka-date e 'yung restaurant daw na 'yon pang-family or pang magshota lagi nakain!" Iniisip kong mabuti, hindi ba at halos buong araw kaming magkasama ni Rowan nung Sabado?

Imposible naman na kumain muna sila nung shota n'ya sa labas bago kami kasi mukang hindi naman s'ya busog?

"At ito pa ulit! Nagpunta pa raw sila sa pet store!"

Naibuga ko kay Felix ang iniinom kong coke sa gulat.

What the fuck!?

"Gago ang dugyot mo, Kyle!" Inis nitong sabi habang nagpupunas ng tissue sa kanyang damit.

Anong jowa ni Rowan na pinagsasabi nila na nagdate sa isang restaurant at pumunta sa pet store nung Sabado e ako ang kasama n'ya buong araw at ginawa namin 'yon!?

Grabe talaga ang chismis!

"Sorry, Felix. Nagulat lang kasi ako, malay mo kasi kaibigan n'ya lang kasama n'ya noon. Malisyoso lang kayo." Hingi ko ng tawad dito at tinulungan ko na rin s'yang magpunas sa damit n'ya.

Sa totoo lang pwede ko namang sabihing ako 'yun pero kilala ko na 'tong si Felix, uusisain ako bakit kami magkasama ni Rowan e hindi naman kami close at kahit mag-explain pa ako alam kong hindi rin naman siya maniniwala kaya 'wag ko na lang sabihin tutal hindi naman yata ako nakilala nung mga nakakita.

"Kaibigan? Kyle, si Jay at Joaquin lang kaibigan noon."

"Sure ka ba roon malay mo friends n'ya sa dating school?" Depensa ko rito.

"Hindi ganoong tao si Veraga, Kyle. At saka magkaibigan na sina Jay simula pa nung elementary!" Balik na katwiran nito sa akin.

"Pero hindi ka sure kasi oh sige kung hindi kaibigan malay mo kapatid n'ya?" Sagot ko naman dito.

"Si Vergara ang bunso sa kanila at 'yung nag-iisa n'yang kuya nasa America."

"Edi pinsan n'ya?"

"Matatangkad sina Vergara, maliit daw 'yung kasama n'ya 'gang shoulders n'ya lang."

Tila napantig ang tenga ko sa narinig kay Felix.

"Grabe ka naman! Hindi 'yon maliit, matangkad lang talaga si Rowan kaya nagmuka ak- 'yung kasama ni Rowan na maliit." May kasamang hinanakit kong saad dito kaya saglit itong napatitig sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can You CATch Me When I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon