Chapter 3

862 26 14
                                    

Garden

Khyssa

Halos mag fi-fiteen minutes na kami rito sa loob ng sasakyan ni tita pero heto kami, panay pa rin ang chika niya saakin na kesyo yung mga issue ng mga celebrities‚ issue ng isang prof doon‚ tapos yung kapitbahay nilang bungangera at kung ano ano pa. Yung 15 minutes na ’yan ang sisira sa utak ko sa sobrang ganda ng chinichika ni tita ay gusto ko nalang mag laho.

Chinika niya pa nga saakin yung pagjujugjugan no’ng mag asawa sa kabilang room ng hotel na pinag stay-an nila ng asawa niya‚ grabe diba?! Ganyan ba ang matandang nagchichika sa pamangkin niya?

"Tapos beh‚ yung lalaki raw nag uwi ng babae sakanila tas ayun nahuli ng asawa."

"Grabe ’yan tita‚ mga lalaki nga naman. But we can't blame the guy since kasalanan naman ng asawa at the first place kasi una rin siyang nag cheat so what you give is what you get talaga. Deserve naman nila ’yon kaso ang tanga lang ng lalaki kasi nag cheat din siya edi silang dalawa na ang nag cheat sa isa’t isa. Pwede nga niyang kasuhan yung babae for cheating pero heto sila, pwede nilang kasuhan ang isa’t isa."

Tumango ang kasama ko, "Yes, may point ka naman. But boys are always boys, kaya kung ako sa’yo babae nalang ang patulan mo. Hindi ka pa mabubuntis at mapupunta ka pa sa healthy relationship. Hindi ka matutulad sa mga mag asawang ang hina ng kapit sa isa’t isa kaya walang magawa kundi mag cheat nang mag cheat. Napaka toxic ng relasyon, kawawa ang mga bata."

"Straight ako tita‚ never ako papatol sa babae. Tsaka hindi naman lahat ng lalaki ay ganyan. Sadyang hindi lang talaga tamang tao ang napili nilang makasama. Kaya ako? Pipili ako ng lalaking aabot ng standard ko." straight to the point na sabi ko.

"Di mo sure. Alam mo kasi mas maganda mag alaga ang babae. Kita mo ngayon, swerteng swerte ako sa asawa ko."

"Ikaw kasi ’yan tita, nakahanap ka ng babaeng architect na mabait. Pero ako maghahanap ako ng pogi, kahit ano ang trabaho basta mabubuhay ako at maaabot ang standards ko."

"Well, kung ’yan ang gusto mo edi go. Pero recommend ko babae talaga bakz." hindi nalang ako tumugon at hinayaan nalang siyang nagsalita hanggang kailan niya gusto.

...

Sa wakas‚ makalipas ang ilang bagyo at ilang tsunami ay narating na namin ang mall at dito kami gagala ni Tita today.

Nandito kami ngayon sa sikat na malls sa buong pilipinas at pagmamay-ari ito ng mommy ni Sheena. May ilang malls sila na pinatayo dito at pati si Sheena ay hindi na nga mabilang kung ilan lahat. Akala ko ay papasok na kami sa loob pero nag park lang pala siya rito.

"Pamangkins kain muna ta’yo gutom na ako." bago pa ako makatango ay hinila na niya agad ako sa kung saang lupalok ng mundong ’to. Dinala niya ako sa restaurant na ang pangalan ay Mi Solace‚ ito yung kinainan namin kahapon.

Umupo kami sa may bakanteng table at
si Tita na rin ang nag order ng kakainin namin.

Nagpasalamat ang Tita ko sa waiter at sinabi niyang may chika nanaman daw siya.

"Alam mo na pamangkins‚ may chika ako tungkol sa restaurant na ’to." excited pa siya no’ng sinabi niya parang matagal na niyang gustong pinaghandaan na sabihin ’to saakin e.

"Spill the tea tita." dahil na curious din ako sa restaurant na ’to ay makikinig nalang ako sa ichichika niya.

"Yung may-ari nito pinagawa niya ’tong restaurant na ’to dahil sa babaeng gusto niya tapos yung babae hindi siya maalala."

Kawawa naman yung may-ari nito ang bait pa naman niya. Naalala ko pa na pinabigyan niya ako ng payong kasi baka maulanan ako. Pero hindi siya maalala ng babaeng mahal niya ang malas niya naman‚ kung ako sa’yo kuya iiyak mo lang ’yan at mag p-pray ako na sana biyayaan ka ng madaming tissue wag na babae para maging single ta’yong lahat.

The Gap Between UsWhere stories live. Discover now