Chapter 26

433 13 17
                                    

The Transferee

Khyssa

May pasok ngayon kaya nagmamadali akong lumabas na ng condo para makapag book ng taxi kasi malapit na akong malate. Nakalimutan ko kasing mag pa alarm clock at tsaka hindi pa ako umuuwi sa bahay at hindi ko rin dala ang kotse ko dahil nasa bahay lahat kaya mag ta-taxi nalang ako.

Pagkalabas ko sa labas ng condominium ay may nakita kaagad akong taxi na may binabang pasahero kaya kaagad ko naman itong tinawag.

"Kuya hintay!" napalingon naman saakin ang driver at binuksan ang pintuan para sa akin.

"Oh gosh! you're a life saver kuya thank you." pagpapasalamat ko at ngumiti naman saakin ang driver.

"Walang anuman po ma'am." sabi niya at pinaandar na ang taxi at kasabay iyon ng pagpapaandar nito sa radio ng sasakyan.

[ Balita sa RTBC news, isang giniling na karne ng tao ang nakita sa kalye malapit sa isang five star bar dito sa Cavite, Manila na nilalapa ng mga aso sa kalye ngayon. Di umano'y napapadalas ang pangyayaring iyon kaya nagkahinala ang mga tao na napapadaan doon dahil sa nangangamoy na pagkain na pinapakain sa mga aso na karne na pala ng tao. Ayon sa mga pulisya, malinis ang pagkakagawa ng krimen at hinalang malaki ang galit ng taong gumawa nito sakaniya. Sa ngayon, ay pinaghahanap pa ang gumawa nito at kung sino ang taong ito. ]

Damn, giniling na karne ng tao? Nakakadiring isipin at ang masama pa ay ipinakain pa sa mga walang muwang na mga asong nagugutom lang. Napaka sama naman ng taong 'yon. Sana ay mahuli na siya at mabigyan ng hustiya ang gumawa no'n sakaniya.

"Ma'am mag ingat po kayo dahil napapadalas na po ang mga pangyayaring ganyan ngayon dito sa maynila."

"Really? wala na kasi akong balita sa mga balita ngayon dahil hindi ako mahilig makinig."

"Opo, simula po noong isang buwan ay may mga namamatay na kalalakihan na nawawala at may hinala akong may koneksyon itong mga ginigiling na tao at ang mga nawawalang kalalakihan. Kung kaya't mag iingat po kayo kung maaari."

"Salamat po, kayo rin po."

"Hindi ako ang kailangang mag ingat ija, matanda na ako at walang kaaway kaya ikaw ang mag ingat."

"Salamat po sa pag papa-alala."

"Nga pala saan ka nag aaral ija? pamilyar ka kasi saakin."

"Sa Vurtizé po."

"Transferee ka ba diyan ija?"

Tumango ako, "Opo"

"Teka parang naaalala kita. Ikaw yung babaeng tumulong saakin dalawang taon na ang nakakalipas." kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"Ano po?"

"Tama ija, ikaw nga iyon si Keso---kyzza ba ang pangalan mo?" natawa naman ako sa sinabi at nagtatakang si manong driver.

"Khyssa po."

"Tama ikaw nga! naku ija matagal na rin simula noong huli ta'yong nagkita. Kamusta ang kalagayan mo ngayon?"

"Maayos naman po pero paano ta'yo nagkakilala? wala naman po akong natatandaan tungkol sa'yo."

Kumunot naman ang ulo ng matanda sa rear mirror ng sasakyan. "Papaano? sumakay ka rito sa taxi ko dalawang taon na ang nakakalipas at estudyante ka pa lamang noon sa Calistar tama ba?"

The Gap Between UsWhere stories live. Discover now