Chapter 8

577 15 0
                                    

Her Secret Place

Khyssa

Nandito ako ngayon sa school library para mag advance study. Maliit lang ang tao rito at sobrang tahimik. Kapag may gagawa ng ingay ay agad sasawayin nitong poging librarian.

Chinichika chika ko pa siya kanina bago pa ako kumuha ng libro tapos nalaman ko na Jaydon pala ang pangalan niya and he's kind and friendly kaya madali kaming naging close.

I found out din na he's 30 years old kaya nagulat ako nung una na siyang ikinatawa niya naman and he said na totoo daw at kakabirthday niya nga lang daw last month and may asawa't dalawang anak na pala siya.

Hindi ako makapaniwala kasi ang pogi niya‚ mukha lang siyang 20 years old and maganda din yung fashion sense niya. Mukha siyang professor na malakas yung appeal rito at hindi halata na librarian lang siya dito sa pamamaraan ng pananamit niya.

Sana pala sinabi agad ni Tita na may poging librarian dito para araw araw na akong tumambay dito.

Kasama ko ngayon si Ezra na seryosong nagbabasa ng libro dahil kagaya ko ay nag aadvance study siya pero paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap saakin which is I found normal lang kasi palagi niya namang ginagawa iyon.

Kung nakakatunaw lang talaga yung pagtitig saakin ng mga tao matagal na akong tunaw. Favorite kasi nilang pagmasdan itong kagandahan ko but Ezra's stares are different kasi malalaman mo talagang in love siya sa pamamaraan ng pagtitig niya that's why hindi ko talaga siya tinititigan paminsan minsan dahil nakokonsensya ako.

Nakokonsensya ako dahil hindi ko rin siya magawang mahalin siya pabalik o magustuhan man lang dahil straight ako at baka isipin niyang may chance siya sa mga pinag gagawa ko kaya nilalagyan ko talaga ng boundaries yung kabaitan ko sakaniya.

Baka kasi mag assume mahirap na.

Mabait kasi siya saakin‚ she buys me gifts and she even introduced me to her parents and to her siblings last time noong inaya niya akong mag study sakanila. Her mom told me that Ezra really likes me and tuwang tuwa daw ito nang malaman niyang same school kami at palagi niya raw akong kinekwento sa mommy niya.

"Hey Khyss‚ are you alright?" Tanong ni Ezra habang may bahid ng pag aalala yung tono ng boses niya. She really cares for me and siya lang yung pinakamabait saakin sa kanilang tatlo and that's what I like about her.

"Yeah" Tipid na tugon ko sakaniya.

"You sure? You don't look okay."

"Ano ka ba okay lang ako‚ don't worry." Nginitian ko nalang siya ng tipid para tigil tigilan na niya ako and umeffect nga kasi nag iwas agad siya ng tingin. I bet she's hiding her face from me because she's blushing.

I checked our gc muna kung anong bagong chika ng mga 'to dahil kanina pa nag v-vibrate. Kanina pa nag rarant si Sheena na ang strict daw ng professor nilang kalbo tas halos ipahiya raw siya sa buong klase nung dinefend niya yung sarili niya.

Sheena sinabi mo
I don't want to study here
anymore.

I don't like that bald bitch!

Jajaball
Sabing dito ka nalang
kasi.

Sheena sinabi mo
Ayoko nga pwede beng
sheye neleng eke?

Jajaball
Landi beh

Baklang kabayo
Sino yang prof na yan
para magripuhan ko?

The Gap Between UsWhere stories live. Discover now