Chapter 11

467 16 3
                                    

Rainy Night

Khyssa

Straight ako straight ako straight ako! 'yan yung mga salita na lumalabas sa utak ko ngayon na halos masakop na yung utak ko, mala china kung makanakop. Pero kailangan ko bang uminom ng holy water? mag dasal sa mga santo? mag twerk sa harap ng bading para lang mapasok ko sa utak ko na straight ako?

Nandito ako sa living room at nakaupo sa harap ng flat screen tv na nasa wall. Yan lang yung pwede kong tignan kasi lowbat yung cellphone ko, dapat nag s-scroll lang ako sa ig reels ng ganitong oras pero heto ako ngayon. Pinapapasok sa kokote ko na straight ako hinayupak na yan.

Naiwan ako rito sa loob dahil lumabas yung kasamaa ko at may tumatawag daw sakaniya at kailangan niyang sagutin kaya dahil wala naman akong magawa rito edi nag decide akong maupo nalang at pumasok nanaman sa utak ko yung pinagsasabi ko sa utak ko kanina habang kasama ko siyang nakaupo kaya pilit kong pinapasok sa utak ko na straight ako.

"Hey." may tumapik sa balikat ko kaya naman bigla akong napaayos ng upo sa couch at tumingin sakaniya. "U-uy ikaw pala." Hindi ko namalayan na tapos na pala siyang makipag-usap sa kung sino man yon.

"Thank God you're already back from the earth. How's your flight from the other dimension?" Biro niya.

"Grabe naman 'to may iniisip lang. Mag luluto ka na ba?"

"Yes? I'll prepare for our dinner na. Wait for me here." Tumango naman ako at hinintay siya hanggang sa makapasok na siya sa kitchen at nakahinga ng maluwag.

Himala ata hindi na niya ako tinanong sa kung ano ang gusto kong kainin. Baka nag sawa na siya sa adobo.

Umiling iling nalang ako sa naiisip ko ngayon at kinuha ang remote ng tv at ini-on ito. Agad ko namang inopen ang Netflix at sinearch ang comfort cartoon ko.

Hello kitty time!

Imbes na mag overthink ako sa kabaklaan o sakit kong 'to or kung ano man ang tawag ko rito, i-hehello kitty ko nalang. Mas mawawala pa yung stress ko at sasaya pa ako pak na pak!

Pinili kong panoorin ang hello kitty's summer camp adventure at tumambad saakin ang napaka cute na intro nila, cutieee.

Buti pa sila nakapag camp na, ako ngayong taon hindi pa. Yung last na nag camp kami kasama ko pa yung mga tarantado kong kaibigan tas muntik pa kaming mag gulong gulong sa burol dahil sa kalampahan ko. Actually hindi ko kasalanan dahil kasalanan yon nung bato na naapakan ko at kaya nadulas ako dahil maputik din ang daan doon buti nalang nandiyan sila dahil kung hindi kaming dalawa ni Sheena ang gugulong at baka nahila pa namin yung dalawa. Nung naapakan ko kasi yung bato ay katabi ko si Sheena kaya dahil sa gulat napahila agad ako sa suot niyang shirt at pati siya nahila buti nalang nandon sila Deon para pigilan ang nakahandang sakuna.

Konting sugat lang nakuha ko doon at magaling na ngayon pero okay lang malayo lang naman sa buto 'yon.

Binaling ko ulit yung atensyon ko sa pinapanood at nakita ko yung mga kaibigan ni keroppi na sad kasi hindi siya makakapag spend ng time sa dalawang kaibigan niya and pati siya nalungkot.

Napaka soft ko sa mga ganto naiiyak na ata ako.

Pansin ko lang hindi naeenjoy ni keroppi yung mga activities na nandoon sa camp kasi naaalala niya yung mga friends niya.

Nanood pa ako nang nanood hanggang sa tinawag na ako ni Dria sa hapag para kumain dahil ready na raw ang dinner.

Pagpasok ko sa living area ay may nakahandang chicken & veggie stir fry at baked mostaccioli.

The Gap Between UsWhere stories live. Discover now