Chapter 21

373 12 14
                                    

Magkunwari

Khyssa

Napakalaki ng resort ni ma'am Ramirez at maganda rin sa mata, marami ring mga tao rito at kadalasan ay mga magkakaibigan, pamilya, at magshota yung andito tas anlalandi pa na nagsusubuan don sa kainan na nadaanan namin kanina. Sa resort ni ma'am Ramirez ay may five star hotel din na binabalik-balikan ng mga tao, nalaman ko yon kasi sinearch ko sa google nacurious ako eh and dito rin kami mag s-stay sa three days field trip namin dahil hindi kami pwedeng mag tagal dito ng ilang araw dahil sa susunod na araw ay gaganapin yung foundation day at panigurado marami nanamang mga taga ibang schools na dadayo sa university namin dahil may mga famous singer na dadalo sa gabing iyon pero hindi ko alam kung sino dahil hindi pa sinasabi saamin.

"Good morning ma'am and sir, how can we help you?" tanong ng receptionist saamin.

"Room for students from Vurtizé University, please." sabi ni Deon.

Sinabi kasi saami ni ma'am Ramirez na sabihin nalang daw namin na estudyante kami ng vurtizé university kapag tatanungin kami ng receptionist dahil may nakaready na raw na mga room para saamin.

Ibinigay naman saamin ng receptionist ang key card namin isa-isa at inilagay ko na ito sa bag ko at sinabi ng receptionist kung saang floor at ano ang number ng door namin kaya pinasalamatan naman namin ito. Magkakahiwalay pala kami ng room ngayon at mabuti ng hindi kami magkatabi sa kama nitong tatlong 'to dahil malilikot pa naman sila kung matulog kaya ayaw ko talaga silang katabi kapag may sleepover kami kapag nag aaya silang mag sleepover.

"Sayang naman hindi ta'yo magkakatabi" nanghihinayang na sabi ni Deon.

"Buti nga hindi ta'yo magkatabi eh kasi halos solong solo mo yung kumot kapag ikaw na yung katabi namin halos agawin mo na saamin yung karapatan na magkumot eh." tugon ko sakaniya kaya nagsitawanan naman sila.

"Ang lilikot kasi matulog hahahaha!"

"Lalo kana Sheena, mas grabe ka pa matulog kasi kapag nagkaka nightmares ka sinisipa mo kaming hayop ka." sabi ko naman sakaniya.

"Nambubulgar bebe ha,"

"Totoo naman ah, halos si Jamaica lang ata ang matino ng konti sainyong dalawa kung matulog."

"Bat halos lang?" tanong ni Jamaica.

"Remember the time when you talk alone when you're asleep and you said that you like Sh-" hindi na natuloy ang sinabi ko ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko at nagsitawanan naman sila Sheena at Deon.

"Hoy! matagal na 'yon!" namumulang sabi niya.

"And then when you woke up, umalis ka agad sa bahay nila Khyssa the time na nalaman mo 'yon hahahaha" dugtong ni Deon kaya sinamaan naman siya ni Jamaica ng tingin.

Nagchikahan pa sila at nakitawa nalang din ako dahil sa mga kagaguhan na mga pinagsasabi nila. Halos lahat ng makakasalamuha naming mga tao at nadadaanan namin ay napapatingin talaga saamin at yung iba ay napapapicture pa kaya hinahayaan ko nalang.

But the weird thing is nararamdaman ko nanaman yung mga matang nakatingin saakin na matagal tagal ko na ring hindi naramdaman at ngayon ko lang ulit naramdaman kaya nilibot ko ang tingin ko then I saw the professor's who is looking so fine right now, especially Dria. Kanina ay f4 lang sila pero ngayon ay nadagdagan na ng isa at kasama na nila ngayon si Ana na nakatingin din pala saakin at nginitian ko ito kaya sinuklian ko rin naman ito ng ngiti at nilipat ko kaagad ang tingin ko sa propesora kong nakatingin saakin na nakataas ang kilay at parang sinalo na lahat ng galit ni satanas.

I waved at her but inirapan niya lang ako kaya ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa mga kaibigan ko dahil papasok naman na kami ng elevator at sakto namang bumukas na ito kaya pumasok na kami sa loob at ng sumulyap ako sakaniya ay nakita ko siyang sinasamaan na ng tingin yung ate niya at yung ate niya naman ay nakikipag usap lang sa ibang mga propesora na kasama nito.

The Gap Between UsWhere stories live. Discover now