Chapter 2

272 24 3
                                    

Single

"Saan ka ba galing?" James asked, then sip his mochaccino.




"I went to Mrs. Santos I asked about my paper, gusto ko lang makasigurado." Nagkibit balikat ako, hinihintay tumunog ang alarm para sa order ko, dahil huli akong dumating lahat sila may drinks and snacks na.





"Alam mo NuNew, napaka-seryoso mo sa buhay, hindi ka naman binibigyan ng reason nila Tito to strive harder." Si Yim, humalikipkip siya at tiningnan ako.





"Hindi nga pero it's my own choice na magseryoso isang beses lang ako dadaan sa phase na to at ayoko naman may pagsisihan."




"Choice mo yan at kaibigan ka namin kaya sige kahit mukha kaming bad influence, go. Pahiram nalang ng notes." Pabirong sagot ni Yim, dahilan para matawa ako.




"Simulan niyo na kasi para naman wala na tayong iisipin at kapag nagyaya kayo ng party wala na tayong alalahanin." Udyok ko sa kanila.




"Sabi mo yan ha, pag 'to natapos namin at di ka sumama sa mga party, FO." Umirap si Nat sa akin, may pagbabanta ang boses niya. Sumang-ayon pa ang dalawa, nailing na lamang ako.




I opened my Facebook and went straight to search engine, I search for Zee's name...




Zee Pruk Panich.




Even the name of that handsome nonchalant guy sounds interesting.




"Uy, si Zee iniistalk niya!" Anunsyo ni James, ini-off ko kaagad ang phone ko at tinago sa dibdib ko.




"Ano nang nangyari sa "Wait until they stalked you." mantra mo?" Pangaasar ni Yim, inirapan ko lang siya.




"Ibahin niyo si Zee, hindi 'yon mang iistalk eh wala nga yun pakialam sa mundo. Kaya, NuNew, tama yan magfirst move ka kasi diyan nagsisimula yan."




"Ewan ko sayo, James, huwag mo ngang itulad si NuNew sayo palibhasa ikaw si first move, eh."




"Pag ako nagsalita Nat, iiyak ka." James taunted back, making Yim step up and stopped the both of them.




"Hep, manahimik na kayong dalawa. Hayaan niyo na si NuNew sa diskarte niya, isa pa malaki na yan. Alam niya ang pinapasok niya." I smirked at Yim, minsan may sense ang sinasabi niya minsan wala.





Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa table namin, nagpasya akong buksan ang MacBook ko at ituloy ang paper.





"I'm breaking up with Raph." Nat announces lahat kami ay napatigil, bakas ang gulat sa mukha naming lahat lalo na si James dahil kung may pinakagalit kay Raph siya iyon.





"Tangina, huwag mo kaming pinaglalaruan handa akong magpa-party pag 'yan totoo." James seriously said, ang mga mata niya ay nagba-baka sakaling totoo ang sinabi ni Nat. Lahat kami ay iyon ang hiling dahil namimiss na namin siyang makasama.





"Seryoso, I'm breaking up with him. Actually, natawagan ko na siya... Sabi ko, ayoko na at wala na kami." I saw his eyes glistened, mahirap na desisyon to para sa kaniya pero sobrang masaya ako na nakatakas na siya kay Raph.





Dinaluhan ni James si Nat at inakbayan, "Kahit very Nick Jonas ka phone call break up mo, proud na proud ako sayo Nat! Finally!"





"Masaya ako, Nat pero what made you decide to break up with him?" Yim asked meaningfully.





Tumingin si Nat sa kaniya at bumuntong hininga, "I just realized this is not the relationship I want to stay with, he's not the man I should settle with." Tumango ako sa kaniya.







Capturing Zee's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon