Help
After the game napagpasiyahan namin umuwi agad, wala rin naman kaming plano after, dahil nga marami pa kaming pendings hindi pa kami pwedeng magwalwal kahit inaaya kami ni Park sumama sa party nila. Mabilis namang tumanggi, nanood lang naman ako dahil sinabi ko kay Zee na manonood ako at hinatak ko lang ang mga kaibigan ko kahit pare-parehas lang kaming may tinatapos.
Pagkatapos ko sa Model-making project ko ay nag-shower lang ako saglit at nagskin care. Nagpasya akong matulog na dahil twelve na din at may pasok pa ako ng 10 AM mamaya.
Habang nagpapaantok nagawi ako sa instagram at nagtingin-tingin ng mga feeds puno ito ng mga reels about sa game baka dahil these past few days iyon lang din ang pinapanood ko, gusto ko kasi mapanood kung paano maglaro si Zee, naging routine ko na bago matulog.
Napansin ko ang DM's kaya chineck ko kung may bago ba, naka-DND kasi ako at ayoko ng istorbo kapag nag-aaral.
Namilog ang mata ko ng makita ko ang unread message ni Zee, it was delivered 30 minutes ago.
zeepruk:
You weren't at the after-party?
Nagtipa ako ng reply. Akala niya ba talaga ganoon ako ka-party goer? Lahat ng party nandoon ako? I pouted.
nuneww_addy:
I declined, busy sa project eh. Anyway, enjoy kayo at congrats ulit!
I continued to scroll through Instagram reels when he didn't reply after reading my last message.
Minutes later, another message from him pops up on my screen.
zeepruk:
Thank you for screaming my jersey number. It gave me the extra boost I needed out there.
Uminit ang pisngi ko ng maalala ko kung paano ko isinigaw ko ang jersey number niya. I could still remember how he played earlier, wearing a grin every time he scored. He wiped sweat from his brow as he walked over to the stands, reaching up to high-five his teammates, who were still buzzing with excitement.
zeepruk:
I realized you weren't at the party, so I went home.
Napabangon ako sa kama ng mabasa iyon? Anong ibig sabihin nito? Na kung nasa party pa ako, magi-stay siya? I can be a reason for him staying? Halos mahigit ko ang hininga ko, mali, hindi pala ako makahinga...
zeepruk:
That creep might come back to pester you again, I just want to help. Mamaya kung sino pa ang mahila mo at magpakilala ka ulit sa kung paanong paraan ka nagpakilala sa'kin. Single.
Ah, matulungin lang pala. Kung assumero ako panigurado namisinterpret ko na ang sinabi niya. Pero teka, anong mali sa pagpapakilalang single? Kung single naman talaga ako?
I reacted to his message with a crying laughing emoji pero hindi na ako nagreply. Ipinatong ko ang phone sa magsafe charger at nagsimula na bumalik sa pag-aaral.
Monday morning nagstart agad ang klase parang katutulog ko lang tapos kailangan ko agad magising. Why does the alarm always go off just when I've finally fallen asleep? I have to drag myself out of bed, it feels like moving a mountain, but I can't afford to miss my 8 AM lecture on Architectural History.