Kiss
Lumipas ang mga araw palagi parin si Zee na pumupunta sa library at kung minsan ay nagsasabay kaming mag-lunch. At kung gaano katagal ko na siyang nagiging library buddy ganon din katagal ko ng pinipigilan ang sarili ko sa attraction ko sa kaniya. It's hard but I'm doing good sa pagpapanggap, mabuti na lamang at nabusy ako sa duties as an officer sa SBO, at ganun din siya sa trainings at klase niya.
"See you on Saturday, NuNew!" Aliyah waved at me after niyang ipaalala ang ganap para sa volunteering and community service na sinalihan ko last year.
"Got it, sa group chat na lang!" Sagot ko ng makalayo na siya ng mabilis madami pa atang aasikasuhin para sa ganap sa Saturday.
May mga forms na ako na nasa kamay ko at tatlo agad ang mababawas dito dahil hindi pwedeng hindi sasama sila James, wala silang choice kundi magvolunteer—ay mali voluntold pala to. Agad kong hinanap sa bulsa ang phone ko para i-chat na sila.
NuNew:
Saan kayo?
Nat:
Court, tara here. Hanap ka ni Zee.
James:
Uy kilig yan.
Umirap ako dahil alam kong pinagtitripan na naman nila ako. As if namang totoo yun.
NuNew:
Dala ko na yung forms. Papunta na ako diyan fill out niyo na to, para mapasa ko na ngayon to kila Aliyah.
Hindi ko sila pinatulan, dahil mas mangaasar lang sila, panigurado.
Yim:
Hindi ka talaga titigil diyan sa voluntold agenda mo ha? Pero sige na nga plus point din yan sa taas.
James:
Uyyy, kunwari deadma sa paghahanap ni Zee sa kaniya.
Yim:
Kunwari nonchalant pero ang totoo yanig ang buong sistema.
Naiiling na binulsa ko ang cellphone ko dahil ayoko na lang makipag ubusan ng energy sa kanila alam ko namang saming apat madalas ako lagi ang asar talo. Tanginang circle of friends to sarap isangla sa pawnshop at hindi na tubusin.
Pagkadating ko sa loob agad kong nakitang kumaway sila Nat, nasa bleachers sila nakaupo kasama ang varsity team, mukhang katatapos lang din nila ng training napasulyap ako sa smart watch ko, 7PM na pala. Katatapos ko lang sa meeting with Student Body Org.
Ngumiti ako sa kanila, habang patakbong lumapit sa direksiyon nila Nat.
"NuNew!" Sigaw nila Freya na nakaupo sa bleachers katabi niya sila Sam at Heather, kumaway ako pabalik ng nakangisi.
"Hi, NuNew!" Vin stood up to greet me. When he smiled, his eyes crinkled at the corners, it's lighting up his whole face. Parang may sariling ring light ang isang 'to. Natatawa talaga ako lagi sa kaniya tuwing magkakasalubong kami lagi siya bumabati in a cute way kaya mukha siyang bata kahit mas matanda siya sakin.
"Ang galing mo tama ako doon sa assignment namin yung sa PDE? Next time ulit huh!" Magiliw niyang sabi, naalala kong ini-story niya iyon sa IG familiar yung problem at dahil bored ako sinagot ko.