Sultry
Lahat sila ay nilingon kami ng makapasok sa loob ng resort, since owned ito ng parents ni Max buong resort ay amin lang para sa celebration na 'to. Few minutes walk ay mararating mo na ang Laiya beach. The resort looks cozy, hindi siya sobrang laki, ang sabi din naman ni Nat na according to Max ito ay ginawa na lang nilang family rest house when they bought it, kaya siguro homey ang vibes ng paligid may dalawang villas ito at tatlong pools.
Namimilog ang mga mata ni Nat ng magawi ang mata niya sakin hindi pa niya ako kaagad nilapitan siguro iniisip niya kung aparisyon lang ba ako o ano? Natawa ako ng sa wakas ay makalapit siya, marahas kong hinimas ang braso kong hinampas niya.
"NuNew!!" He sneered.
Dumalo na rin sa pwesto ko sila James at Yim.
"Anong nangyari? Sumabay ka kay Zee? Bakit?" Bulong ni Yim, nang banggitin niya ang pangalang iyon ay agad ko siyang hinanap, natagpuan ko si Zee na kinakausap ng mga kaibigan niya, nakasandal siya sa billiard board habang nakahalukipkip, he was half smiling habang nakikinig sa mga kaibigan niya. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya kaya ito lumingon, ng magtama ang paningin namin ay agad ko iyon binawi.
I heaved a deep breath.
"He offered." I answered simply. Ayokong asarin nila ako, hindi ito ang tamang lugar. Mostly ng invited ay kilala ko din kaya naisip kong hindi magiging mahirap makihalubilo sa circle nila.
"He offered? Ano yun, nagkaka-chat kayo?? Adi, magkwento ka nga!" Pabulong na sigaw ni James, seryoso na siya dahil tinawag na niya ako sa second name ko. I rolled my eyes, gets kong gusto nila ng kwento pero pwede bang hayaan muna nila akong ibaba ang gamit ko?
TUMANGO TANGO lang sila ng ikwento ko ang mga nangyari, they looked so betrayed. Nakaupo kami sa kama, katatapos lang namin ayusin ang mga gamit, may apat na bunk bed sa kuwarto. Bale walong tao ang pwede matulog dito, tho this is giving like those university apartments in Chinese drama na napapanood ko.
"So you mean, siya ang nag-follow sayo?" Sa dami-dami kong ikinuwento ayan lang ata ang naprocess ni Yim.
Tumango ako at pinasadahan ng suklay ang buhok gamit ang mga daliri ko. Nat smirked and leaned on the bed's ladder.
"So, your charm is still working huh." James taunted. Natatawang binato ko siya ng unan.
I made a serious face. "Guys you have to stop teasing me about Zee, sure, I have a crush on him, but I won't push it, specially when I know he doesn't swing that way. Goods na akong friends lang kami. Kaya kayo, tigilan niyo okay?"
A playful smile playing on Yim's lips, nag-scroll lang siya sa phone niya pero alam kong nakikinig ito.
"Why are you sure he's not into swinging?"
I rolled my eyes, "Basta, shut your mouth na lang, lalo kana, James."
"Ako na naman nakita mo, grabe." James crossed his arms tightly, lips pursed in irritation as he stared out the window.
The door creaked open agad kaming napalingon doon, it was Zee. Tumikhim ito at akmang babalik na lang.
"Zee, pasok ka, nagka-catch up lang kami." Nat stopped him in his tracks.