Nabasa ko na naman sa Facebook yung trending na post na marami rin nagshe-sharedpost this week. Literal na sumasabog na talaga ang notification bar ko dahil majority sa mga Fb friends ko ay nakikisabay din sa uso. Akala mo naman mga may jowa. Gusto ko lang naman magscroll-scroll habang break time sa gitna ng hectic schedule, bakit nang-iinggit sila? As if, naiinggit ako. Never!
"Ang nursing ay para sa engineering."
And to make my day worst, ni-voice out pa ng bruhong umupo sa tabi ko ang mga salitang iyon. Sinamaan ko siya ng tingin sabay kagat sa cheeseburger na binili ko sa cafeteria kanina.
"Maraming free time, ah?"
"Ang nonchalant mo na, KJ pa. Kaya ka tumatandang dalaga, eh." Inunat pa niya ang noo ko na sa tingin ko'y nakakunot na naman dahil sa pang-iinis niya.
Tangina talaga ng lalaking 'to!
Ininom ko muna ang mango juice na nasa tabi at tinapos ang pagkain bago bumaling sa kanya. Baka kasi mabilaukan ako ng wala sa oras. Nakatingin na pala siya sa akin at nakaabang lang sa sasabihin ko. Like a good dog waiting for his owner's tender loving care.
Natawa ako sa naisip.
He really looks like one. Even his ruffled black hair and innocent looking brown orbs scream a puppy's aura. Pogi sana kaso ganon din ang type niya.
"I'm just 23!" I blurted out, erasing the nonsense thoughts on my mind. "Saka wala pa sa plano ko 'yan. Panira ang jowa sa focus era ko."
Sasagot pa sana siya nang may tumawag ng pangalan niya mula sa kabilang dulo ng Rossio Hallway, ang bulwagan malapit sa gate. Nasa gitnang parte kase ng may kahabaan na hallway ang canteen at sa kabilang dulo naman ang hagdan pataas sa library.
"Denzo!"
Ano na naman kaya ang ganap ng babaeng 'to? She's always busy like a politician. Binabati muna niya lahat ng nakakasalubong bago makarating sa destinasyon, gaya na lang ngayon. Daig pa ang beauty queen.
"Saan ka galing, Mari? Kanina pa kita hinahanap." Bungad sa kanya ni Peter Denz, na mas sanay kaming tawagin sa palayaw na Denzo. "May ipapasa na portfolio kay Madam Jessamint, alam mo naman na ayaw nu'n na pinapapasa sa iba. Yung sayo lang ang naiwan sa table."
"Ano ba naman si ma'am, dapat pinilit niyo na mga ate ko!" Maktol ni Mari na parang bata at sinabayan pa ng pagpadyak ng paa sa sahig.
Nagpatuloy na ako sa pagscroll-scroll at hinayaan na ang dalawa. Buti nga sila sa Business Ad, portfolio lang ang requirement this sem. Kami na tinambakan ng plates at video reports pa. Like how are we supposed to finish everything in two weeks?!!
"Nandito ka pala, Kia!" Overacting na pagbati ni Mari sa akin, matapos ang pagmamaktol niya sa harap ni Denzo. Naka-move on na siguro 'to sa portfolio na 'di tinanggap ni Prof Jessa.
"Oo, kanina pa. Bago ka mag hysterical sa tapat ng canteen." Walang gana kong sagot sa kanya. "Saan ka ba galing?" Mukhang inulit ko yung tanong ni Denzo kanina.
"Saan pa? Edi roon sa new cafe sa tapat ng DMU. Punta tayo later mga ate ko, libre ko!"
"Mapapa-sanaol na lang talaga ko sayo. Pahingi nga ng timeline mo? Idagdag ko lang sa akin, nauubusan na ako ng oras eh." Nabigla ako nang may nag-unat ng pisngi ko, yung parteng malapit sa ilong at labi. Paglingon ko, nakita ko na naman ang maamong mukha ni Denzo.
"Ayan ka na naman. Smile lang." Marahang saad niya bago ngumiti na tila pinapagaya sa akin. Subconsciously, I slowly did what he said. I smiled.
Kung hindi ko lang kilala ang likaw ng bituka ng lalaking 'to, iisipin kong may something siya sa'kin. Alam ko naman na inaasar niya lang ako. May kasunod 'yan in 3, 2, 1-
YOU ARE READING
Eluding His Purple Scent (Rossio Hall #1)
Romance"Ang nursing ay para sa engineering." Kia Montfort had always thought this trending post in Facebook was ridiculous, not until she got caught up in it. The problem was, she never had a real, proper relationship in her whole twenty-three years of exi...