Sa isang magarang restaurant kami nagkaroon ng munting salo-salo. Mga 5-course French and Mediterranean meal ang ni-order ni ate Seq na agad niyang binayaran gamit ang black card niya kaya 'di na kami nakaangal. As usual, wala pa si Linen na hinatid muna si Cree sa train station. Sa DMU Hospital pala kasi dinala si Tita at siya na ang nagpresintang umuwi para kumuha ng mga kailangang gamit. Si ate Isia naman saktong kararating pa lang nang nilalapag na ng waiter ang mga pagkain.
"Saan ka galing, Sai?" Bungad ni ate Seq sa kanya.
"Candelaria. Sinundo ko si Aria." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nangangati na ko sa chismis. Anong ganap na ba? "Nasa ER pa rin si Tita Carilla at magulo sa mansion nila. Si Aria naman, wala sa sarili ngayon."
Hindi na ako nagulat nang magkwento ng kaunti si ate Isia. Sa pagkakaalam ko, paternal cousin ni ate Seq ang maternal cousin nila Creane na si Jacob Montevero, na fiancé naman ni Clarisse Elijah na maternal cousin ni ate Seq. Medyo magulo ang family tree nila pero ganon. Nagpatuloy na lang akong makinig sa kwentuhan nila.
"What happened ba?" Ate Sequia's face was filled with worry. "Last week lang nakita ko pa si Aix sa Cafe de Lux, ang saya pa niya nu'n. Bakit biglang nagkagulo sa kanila? Should I call Tita Nara?" Akmang may tatawagan na sana siya nang pinigilan siya ni ate Isia.
"No. Involving Jacob's mother would just complicate things. Immediate family matter na yun. Let them work things out and heal on their own." Paliwanag ng concerned na bestie ni ate Aria.
"Okay, I understand. But I'll see the end of this." Saad ni ate Seq na hindi ko naintindihan ang gusto niyang sabihin. "Anyway, let's eat na before the food gets cold."
"Si Linen po, hindi natin hihintayin?"
Saka ko lang naalala na katabi ko pala si Raiko at wala pa ang frenemy ko. Saang lupalok na kaya niya dinala si Cree? Baka diniretso na niyang ihatid sa Candelaria, tatlong oras pa naman ang biyahe papunta roon.
"Huwag na. Past seven thirty na."
"Yeah, kain na tayo. Nagutom ako sa bagal nung train."
Pagbaling ko sa lamesa, hindi ko akalain na hindi lamang simpleng five-course meal ang pagkain namin. Yung iba, tanging mga pinagpala lang ang kayang maka-afford nito. Kaya kahit gusto kong basahin muli ang mga sosyal na pangalan sa menu, pinigilan ko ang sariling braso. Skeri.
Napitlag ako nang may tumapik sa balikat ko. "Okay ka lang, ate Kia?" Hinawakan ni Raiko ang pisngi at noo ko. "Pinagpapawisan ka ng malamig. May lagnat ka ba?"
"W-wala naman." Pero mukhang nakakalagnat talaga yata ang presyuhan sa lugar na 'to, bukod sa nakakalula sa gara.
Salungat sa mga tipikal na kainan sa mga lungsod, ang lugar ay may mga halaman at maliliit na puno sa loob. Hindi rin ito sarado nang buo dahil malayang nakakapasok ang preskong ihip ng hangin sa tatlong gilid ng dalawang palapag na gusali. Sliding doors kasi ang nagsisilbing dingding nito na madalas nakabukas lang para maarawan ang lugar. Malaking bawas na rin ito sa gastos sa kuryente.
Narinig ko pa ang pagtunog ng phone ni ate Seq, hudyat na may tumatawag, matapos akong magpaalam para pumunta muna ng banyo. It was a good thing that the restroom was not crowded. May iilang babae lang ang nasa loob, nakahilera sa may salamin at nag-aayos ng mga sarili. Wala ring gumagamit ng mga cubicle dahil lahat ay nakabukas kaya dumiretso na ko sa may unang pinto.
Paglabas ko, isang babae na lang ang naroon. Halos kasingtangkad ko lang ito at literal na maganda. Kulay bughaw ang ilang hibla ng mahabang buhok niyang abot hanggang bewang. Berde naman ang mga mata niya. Tila nahalata niya ang pagtitig ko sa kanya kaya nag-iwas na ako ng tingin. Pero sa isang salita, elegante siya.
YOU ARE READING
Eluding His Purple Scent (Rossio Hall #1)
Romance"Ang nursing ay para sa engineering." Kia Montfort had always thought this trending post in Facebook was ridiculous, not until she got caught up in it. The problem was, she never had a real, proper relationship in her whole twenty-three years of exi...