Nasa dulo ng ikaapat na palapag ang silid na hinahanap ko. Iba ang aura rito sa taas kumpara sa mga palapag na nadaanan ko kanina. Bukod sa berdeng pader na ibang-iba sa kulay puting dingding sa ibaba, mas malawak ang pagitan ng bawat silid. Mukhang pang-mayaman lang 'to. May mga berdeng halamang nasa malalaking paso ang nakalagay din sa bawat kanto at gilid ng mga pintuan.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, iniiwasang makagawa ng anumang ingay. Nakabukas naman ang ilaw kaya malinaw kong nakikita kung gaano kalinis at kalaki ang loob ng silid. Sa gitnang bahagi ang malaking kama kung saan nakahiga si Tita at sa gilid nito ang mga aparato na nakakabit sa katawan niya.
"Cree."
Marahang tawag ko sa kanya na tila gigil na gigil sa kung anumang ginagawa niya sa sariling telepono. Ni hindi niya napansing may pumasok sa silid. Narinig ko pa siyang nagmura, na unang beses kong marinig sa loob ng limang taong pagkakaibigan namin.
"K-Kia?!" Gulat siyang napalingon at napaayos ng upo sa mahabang sofa nang makita ako. "Andito ka na p-pala. Make yourself comfortable na lang." May nginig sa boses niya na pinagtataka ko pero hindi ko na pinansin pa.
Baka lover's quarrel lang nila ni Linen.
"Kumusta na si Tita?" Tanong ko agad pagkaupo sa tabi niya. Ito naman talaga ang sadya ko.
"Sabi ni Doc, kailangan lang muna ni Mama ng rest. As in full-time rest. Maraming bawal gawin at kainin. More importantly, bawal siyang ma-stress."
Hinawakan ko ang mga kamay niya at tiningnan siya sa mata. "Eh ikaw, kumusta ka na?"
"I'm fine, Kia." Tinaasan ko siya ng kilay sa sagot niya.
"Well, most of the time as I should be. But, sometimes it's hard to suppress those feelings, alam mo 'yon? 'Di ba technically, ako na yung panganay na anak sa bahay. Kasi si ate Aria, busy sa medical camp niya while continuing her delayed studies. Si kuya Illo, ewan kung anong pinagkakaabalahan sa Europe. The twins naman are still in highschool and the youngest is only in third grade. Dapat graduate na rin ako last year but I shifted para sa dream career ko. That's why Papa's still angry at me for that "small rebellion" and his wrath affected the whole company. All eyes were on me. But is it wrong to be me? Tapos another issue again ngayon kay ate Aria, hindi ko na makilala si papa sa galit niya and I almost lost Mama. Who said the rich doesn't have problems? Parang pinapatay na ako ng pressure, Kia. Kaya ko pa ba?"
Hindi ko kinaya ang mga huling sinabi niya kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Kahit hindi niya i-kwento, nakikita ko sa mga mata niya na pagod na siya.
"Kaya mo at kakayanin mo. We're just behind you, waiting for our future purser to soar high and go to places away from this island. Away from pain and pressure. Then come back healed by new people and experiences."
"Nag-iiyakan na naman kayo habang wala ako?!"
Napatingin kami sa may pinto at sabay na hinila paupo ang eskandalosang bisita. Mabuti na lang hindi nagising si Tita.
"Kahit kailan talaga 'yang bibig mo, Soft!" Mahinang saway ni Cree sa kanya.
"Sabi ni Sev, may slumber party tayo. Bakit parang somber party yata?" Sophee, being Sophee, is as oblivious as a newborn baby.
"Sleepover not slumber party. Nagkakagulo na ang mundo, magpaparty pa tayo? Linisan mo nga tenga ng jowa mo, Sophee. Saka bukas pa, ang early bird mo naman ngayon."
"Ay talagang! Mali mali naman mag-inform ang kapreng 'yon." Halukipkip niya.
Natawa na lang kami sa miscommunication nila Sophee at Seventeen. Isa ang lalaking ito sa mga maiingay noong inatake ako ng hyperventilation, nakilala ko kasi ang chismosong boses nito. Bagay talaga ang dalawa.
YOU ARE READING
Eluding His Purple Scent (Rossio Hall #1)
Romance"Ang nursing ay para sa engineering." Kia Montfort had always thought this trending post in Facebook was ridiculous, not until she got caught up in it. The problem was, she never had a real, proper relationship in her whole twenty-three years of exi...