Chapter 1: The First Talk

8 1 0
                                    

"Maria Kiarra Min Geronimo Montfort!"

Napabalikwas ako ng bangon nang dumagundong sa apat na sulok ng tahanan namin ang boses ni mama. Special mention na naman ako. Bahagya kong kinusot ang mga mata bago lumingon sa kanyang gawi. She still wears the apron I made back in elementary. Akala mo naman branded. Napansin ko ang hawak niyang sandok sa kanang kamay at takip ng kaldero sa kaliwa.

Daig pa ang bagong taon dito sa amin tuwing umaga at may pasok. Literal na matataboy pati kaluluwa mo.

"Mama naman! Nandoon na ko sa exciting part ng panaginip ko, eh! Sayang, hindi ko nakita yung mukha niya— ah!" Isang hampas ang napala ko matapos magreklamo.

"Tigilan mo 'ko sa exciting part na 'yan at baka maging exciting din ang linggo mo. Alas syete na, may pasok ka ba o maglalakwatsa ka na naman?"

Ngumuso na lang ako pero agad ding napatakbo papasok ng banyo nang maalala ang petsa ngayon. Lintik! May interschool competition pala ang Faculty of Architecture and Engineering. Kasama pa naman ako sa panlaban ng section namin sa quiz bee.

Nagsesepilyo na ako nang tumunog ang phone ko. Mukhang hindi lang ako ang male-late ngayon.

"Creane?" Hinintay kong may sumagot sa kabilang linya. "Huy, bakit ka tumawag? Saka bakit maingay jan? Nasaan ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya nang nanatili itong tahimik at pinutol ang tawag. An unexplainable feeling suddenly rushed into me. Hindi ko maintindihan pero alam kong may nangyaring hindi maganda sa kanya.

Nagmamadaling lumabas na ako ng bahay at nilakad ang daan patungo sa bus stop. Tinawagan ko na rin si Soft at si Denzo, tinatanong kung tumawag ba sa kanila si Creane. Kaso mukhang ako lang ang tinawagan niya kanina kaya sinubukan ko muling tawagan siya.

Sumagot ka please.

Sasakay na sana ako ng bus patungo sa kabilang train station nang may natanggap akong mensahe. Nasa timog-silangang bahagi pa kasi ng Isla ang bayan ng Candelaria kung saan pansamantalang umuuwi si Creane. Dalawang station mula sa Fleria na bayan namin.

From: Creane

I'm okay lang beh. Medyo nagpanic lang kanina kaya na-misscall kita. Si kuya Carillo dapat i-call ko. Dinala kasi ng ER si mama, mild heart attack. Then, si papa naman nagkulong sa room nila. Maybe trying to calm himself. Nalaman na kasi nila yung secret ni ate Cariama. Anw, see you soon. I'll try pumasok ng school 'pag lielow na everything.

To: Creane

Keep safe and take care, Cree. Get well soonest kay Tita.

Nakahinga ako ng maluwag nang masigurong malayo sa peligro ang kaibigan pero nag-aalala naman ako sa lagay ng pamilya nila lalo na kay Tita Carilla. Siguradong seryoso ang sikretong nabunyag ng panganay nilang anak base na rin sa tono ng chat ni Creane. She called her with her first name and not the typical "ate Aria".

From: Creane

Ps. Kia, please save my butt from the Queen's wrath. Take my post today sa Red Cross Society as a volunteer. Libre kita sa cafe when I get back.

Nakasakay na ako ng bus pa-Fordeno nang tumunog muli ang phone ko.

To: Creane

Sigee.

Natawa ako sa condisyon niya. Para namang hi-hindi-an ko ang pakiusap niya. What are friends are for

"Lintik ka, Creane Liz Jacinto Carter!"

Eluding His Purple Scent (Rossio Hall #1)Where stories live. Discover now