II : Hide and Seek

28 2 20
                                    

Russel Pov

Itinahak ko ang exit ng Sinagtala HQ tumambad sa'kin ang maingay at magulong tanawin sa labas sanhi ng tagapag-lahad na kahit anumang oras ay sisirain ang gate para lang pumasok sa loob at hingiin ang panig namin sa kumakalat na balita.

Is this the prize of my great aspiration for years as a local artist to be just called impostor?

"Not there, Reo. Nasisiraan ka na ba ng bait at d'yan mo pa gustong dumaan?" untag ni Neo sabay hila sa'kin pabalik sa loob. "Hintayin na muna natin lumamig ang tensyon sa pagitan natin at ng media bago tayo lumabas, mamayang gabi ay pwede na dahil mapapagod din ang mga 'yan." pagpatuloy niya,

"Bakit ba bahag ang buntot niyo? Wala naman tayong atraso lahat ng 'yon ay pawang akusasyon lang ng kung sinong ponsyo pilato na gustong dungisan pangalan natin!" bulyaw ko,

"We are not cowards, we are just protecting you from danger sa dami ng banta sayo ng buong media at mainit din ang mata ng mga iilang taga-suporta natin kaya kumalma ka," pag-entra ni Zamistro at humakbang patungo sa'kin pero umatras ako,

Tiningnan ko sila isa-isa at pilit na binabasa ang kanilang mga mukha bago ako muling nagsalita, "Sino ang huling pumasok ng studio room?" marahan kong tanong sa kanila,

Justine immediately raised his hand with calm and serious expression plasters on his face. "I went to studio room earlier to find my earphones." he stated,

My gaze landed at Neo's direction then I spit an intrusive thoughts of mine. "I remembered that we had a fight before our debut, is this some kind of your revenge to me, Eumoirous?" I accuse and his eyebrows knots together glancing at me with disbelief drawn on his face.

"Are you telling me that I betrayed you and I'm the reason why we are in our own downfall?" he fired back curving his lips into sarcastic smile,

"I am not certain about that I'm just asking because there is a possibility that one of us shared an information to someone who's trying to put an end for the success we have been working for years," I responded with all of my thoughts running in my head,

"Ikaw Zamistro? Hindi ba inutusan kitang ayusin ang script paper ng kantang isinulat ko?" Zamistro nodded his head giving me a puzzled expression, "Saan ang mga script ngayon?" I added and marched at the studio with creasing forehead.

"Dude, medyo insulto na ang dating sa'min ng kilos at pananalita mo." diretsahang sambit sa akin ni Justine ngunit hindi ko ibinaling ang atensyon ko roon at hinanap ang script sa bawat sulok ng studio room.

"It's ridiculous to hear from you about that, Reo. Bakit namin gagawin 'yon kung alam nating lahat na sabay nating pinangarap 'to?" tanong ni Justine na may halong poot sa kanyang tono at naramdaman ko ang pag-sunod nito sa'kin,

"Una sa lahat walang ibang nakakaalam sa script na yon kung hindi tayo lang, sa tingin niyo may multo bang papasok dito para halubugin 'tong studio?" bwelta ko ulit rito na puno ng sarkasmo habang abala pa rin sa paghanap ng script, "Ang 'di ko matanggap ay kumalat pa sa buong lungsod na isa tayong magnanakaw," dagdag ko,

Umabot na ako sa iilang sulok ng buong silid ngunit hindi ko pa rin mahanap pati sila ay tumulong na rin sa paghanap sa'kin, ang ekspresyon ni Zamistro ay naguguluhan dahil wala sa lugar kung saan nya huling iniwan 'yon. Tiningnan na rin namin ang camera surveillance pero wala kaming nakita na kakaiba sa kilos ng bawat isa.

"Ikaw ang huling pumasok, Justine. Sigurado ka bang wala kang nakitang papel kanina?" tanong ni Neo ng mahinahon ngunit mahihimigan mo ang desperadong tono nito dahil sa mga nangyayari,

Tanging iling lang ang natanggap namin na sagot mula rito, napaupo ako sa isang silya at napahilamos sa mukha dahil kahit ako hindi ko alam ang gagawin.

Against The OddsWhere stories live. Discover now