Suzette Pov
Pumasok ako sa susunod na subject ko na wala sa hulog nanatili pa rin akong napalibutan sa aking isipan mula sa mga narinig kagabi saka sumakto pa sa araw ng quiz sa developmental psychology, isa-isang tinawag ang aming pangalan para kunin ang resulta.
"Te, ayos ka lang ba? Tingnan mo yung score mo sa quiz parang presyo ng biscuit na tinitinda sa'min," litanya ni Rose nang makabalik sa aking tabi matapos kunin ang aking resulta,
Mataman kong binalingan ng tingin ang papel at hindi ko maiwasang magulantang sa markang nakuha ko kaya matunog akong huminga ng malalim habang himas ang aking palad sa inis, nanatiling nakadungaw sa labas ng bintana para panoorin ang BSMT students na magmartsa sa matirik na panahon.
"Bakit niya ba ko papakasalan wala naman namamagitan sa'min noon pa man? Baka naman kasi manhid ako diba?" pag-kausap ko sa aking sarili nagulumihanang boses.
"Class, all eyes here I have announcement," tawag atensyon ng aming professor. "Malapit na ang buwan ng wika, we were going have competition and each one of should participate this even will give you plus points including your attendance specially to those who have low marks on the prelims that would be all, class dismissed." aniya ng aming professor bago umalis na siyang dahilan para muling umugong ang ingay sa silid.
"Susan galaw-galaw baka pumanaw, kanina ka pa tulala saka pansin ko mga titig mo sa labas may problema ka ba o baka naman may crush ka d'yan sa nagmamartsa?" hinalang bungad muli ni Rose sa'kin sabay nguso sa bintana.
"Wala ah? Namroblema lang," tugon ko at inis kong dinaklot ang binder ko saka ballpen sa aking bag. "Tara na, iwan mo lang ako sa labas yung sa may canteen. Gutom ako eh." tuloy kong saad at 'di na hinayaan pang makapag salita ito.
"Alright, are you sure na magpapaiwan ka lang sa kabilang daan? Hindi ka ba susunduin ni Erich?" panigurado ni Rose sa'kin.
"Yes, don't worry about me, mamaya pa yon sasabay sa'kin saka may klase pa naman tayo mamaya, chat na lang kita so you can fetch me later." tugon ko kaya agad na itong tumayo at inalalayan na kong maupo muli sa aking wheelchair katulong ang iba naming kaklase ni Rose.
"Salamat guys, mauuna na kami." pag-pasalamat ko sa aming kaklase at si Roy ang nag-salita sabay no'n ang pag kindat niya.
"No worries Suzette, for you I will." aniya ni Roy na nginisihan ko lang at di na binigyan atensiyon ang pang-aasar ng iba naming kaklase.
"Tara na Rose, wag mo ng pansinin yan halatang nalipasan na naman ng gutom." anyaya ko kay Rose kaya natawa na lamang siya habang nilampasan namin si Roy palabas ng silid.
Inilibot pa namin ang campus ng dalawang beses ang daan papuntang bukana ng campus at iilang hakbang pa ang ginawa ni Rose hanggang sa marating namin ang kabilang daan na malapit sa paborito kong canteen.
"Mauuna na ko 'te, sigurado ka bang dito ka na lang?" tanong niya ng marahan sa'kin ng maipwesto niya na ko sa gilid.
"Yes, chat na lang kita ulit para sabay na tayong papasok mamaya." maikling tugon ko rito.
"Sige, see you later, chat kita maya for heads up, alam mo naman ako mabagal kumilos saka laging may sinisipat na pogi sa tabi-tabi," sabay kaming natawa saka ko hinila ng pabiro ang iilang hibla ng kanyang buhok,
"Aray ko te!" pihit niya kaya binitawan ko saka siya mas tumawa muli ng mas malakas,
Nang umalis na si Rose ay naiwan ako sa gilid tinitingnan muna ang bawat sasakyan na daraan bago ko pa tuluyang tahakin ang canteen paloob ay humahangos ng takbo si Russel palapit sa'kin pag lingon ko.
"I got you!" sigaw niya, "Gusto mo bang sumabay?" tanong niya at napalunok ako ng konti noong pag-tagpo ng mga paningin namin.
Ang matang minsang kinuha ako sa sariling bitag ko ay muli akong dinala sa alapaap noong una ko siyang nakita sa kanilang pag-tanghal, ang boses na nais kong marinig muli.
Wake up Suzette, it's just eyes and nothing is special on it.
"How about the strawberry cake and ice cream sa Cakes and Life that's my favorite?" I got lost with his eyes and all I could he ar is my heart galloped like a wild stallion and in one blink of an eye I found myself in one table with him eating his favorite dessert.
Kaswal lang naman kaming nag-usap tungkol sa kaganapan sa school ngunit para akong maihi na sa upuan ko sa tuwing ngumingiti ito at kapagkuway tumatawa ng marahan. Napatitig ako pababa sa kanyang adams apple maging ang matipuno niyang katawan ay pinasadahan ko rin ng tingin kaya napakapit ako sa tinidor na aking hawak.
"Well I also don't like my program but my mom wants me to take it because for her;I'm her token, ako ang tutuloy ng pangarap niya as web developer," patuloy niya samantalang ako ay nalulula na sa aking temptasyon; huminga ako sandali upang kumuha ng hangin dahil anumang oras ay unti-unti akong lulukubin ng pantasya ko kaya pumikit ako at sinubukang magpaalam sana pero huli na dahil nang ibinuklat ko ang talukap ng aking mata ay siniil niya ako ng mapusok na halik.
Ang halik na 'yon ay binigyan hudyat ang huwarang kong isipan dahil hinayaan ko lamang siyang gumalaw sa mapusok ngunit puno ng pag iingat sa bawat dampi ng kanyang labi para sa akin.
Ang kaninang pag-daldal ko ay napalitan ng gulat at naitulak ko siya ng marahas nang matauhan ako sa aming ginawa.
"Bakit mo ako hinalikan sanggano ka?" agarang tanong ko at habol ang hininga ko nang bumitaw ako sa kanya,
"Look, l-let me explain.. I didn't mean-" natigilan man ay sinusubukan niyang magpaliwanag ngunit nangapa ito sasabihin niya,
"Ano? Kayo talagang mga lalake laging may kapalit ang mga ginagawa niyo no?" nakangisi ngunit nauuyam kong supalpal.
"Suzette, hey, can you calm down?" may sumamo sa kanyang tinig.
Ngunit imbes na makinig ay hinablot ko ang cellphone at nagchat kay Rose upang magpasundo dahil malapit na rin ang sunod na klase namin saka di na pinansin ang sanggano na nasa harap ko
Wala pang ilang minuto ay dumating kaya tinitigan ko muna si Russel parang gusto humarang pero hindi magawa dahil nagtatagisan ang bagang ko sa gigil.
-
Nang dumating kami ay tipikal lang ang ganap ng aming kaklase tila ay wala na naman ang professor para sa sunod na klase.
"Okay, class listen since walang klase ngayon, please let me have attention for a moment." tawag atensyon ng presidente namin bago tumuloy sa kanyang sasabihin.
"Please choose your desire competition that you want to join because we are going to start our practice next week," anang niya at itinaas ang bond paper na hawak niya. "This paper contain about the available competition that you can join, pakisulat sa column ang pangalan niyo sa mismong gusto niyong salihan." tuloy niya at dumako ang tingin sa'kin.
Kumunot ang noo ko at lumapit ito sa'kin sabay sabing, "Ikaw Susan, sali ka writing contest please? I know we have a big chance to win pag ikaw ang representative namin," humugot muna ako ng pag hinga
I knew it, ako na naman? This is my escape, my battle ground so I won't let it slide.
Kinuha ko ang ballpen at isinulat ang pangalan ko saka sinalubong siya ng maikling ngiti.
"Thank you! I know you can do this love!" masayahin at tumitili niyang tugon.
Naging mabilis ang oras kaya nang matapos ang klase ay nagpaabang na agad ako kay Erich kanina sa labas ng department namin.
Kaharap ko ang aking laptop habang sinusuri ang bawat parte ng research namin saka ko minasahe ang aking ulunan.
"May ambag ba ang thesis sa experience pagdating sa work field?" pasiring kong sabi kahit ang mga daliri ko ay walang tigil sa pag-tipa.
Nang biglang tumunog ang notification ko at mula ito sa school kaya nagising ang ulirat ko nang mabasa ko ito.
Russel Leonard Velgarra spotted eating at Cakes and Life with someone. Who's the lucky girl?
To be continued...
Author's Note: Good day people of the earth! I have been tempting to update then here we are, finally. I'm excited to see much more about how will they develop their connection. Suzette's reaction is too hilarious to handle.
YOU ARE READING
Against The Odds
General FictionA connection between notes and ink where the two souls met in the middle of labyrinth they had endured in life and found the solace in each other's presence. Suzette is an aspiring writer who aims to be known through her masterpiece despite the disa...