Suzette Zamein Pov
"Dahan-dahan, mama. Ano ba? Masakit!" asik ko kay mama dahil masiyadong magaspang ang galaw ng kamay niya habang inaayusan ako saka ang paningin ko ay nasa salamin at nakapatong ang mga kamay sa vanity table.
"Ang likot mo naman kasi ayusan para kang batang may bulate sa katawan, sinabi ng 'wag magalaw Susan," nayayamot niyang sabi,
Simula kagabi ay abala na si mama kung paano siya maghahanda para sa pinaka-unang book signing event ko at tinatanong niya rin ako kung anong damit ang susuotin ko para roon kaya naman ay hindi ko rin kayang itago ang tuwa, isa ito sa mga pangarap ko dapat lang na handa akong humarap sa lahat.
"I almost could not recognize you, Susan. You look exquisite in that dress." bungad ni Erich pinuri ang porma ko ng makarating sa aming kwarto.
I wear a burgundy short sleeve top and a long skirt where my navel is exposed with my long wavy ponytail a little bit curly from the bottom hairstyle that screams elegance and a light vibrant aura, a definition of innocence but not so close that could not do anything heinous crime because of how my mother did my looks today for the event and a simple white-bow doll shoes.
"Thank you Erich," tugon ko ng lumingon ako sa kinaroroonan niya at ibinalik ang paningin sa salamin para bigyan ng isang magaan na ngiti ang aking sarili,
"Ready ka na ba? Tilt your chin, anak. I'm sure you're one of the prettiest there, proud si mama sayo." dagdag ni mama kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko tila paru-parong gumagapang sa aking tyan,
"Ano? Tara na?" aya sa'kin ni Erich na marahan kong tinanguan matapos kong masuot ang puti kong
Lumabas kami ng kwarto at sinamahan ni mama hanggang sakayan saka siya pumara ng taxi papuntang SM Dasmariñas dahil roon ang lokasyon ng fan greeting saka book signing para sa lahat ng new rising writers sa loob ng pamamahala ng Sweet House Publishing Company.
"Mag-iingat kayo ha?" huling habilin ni mama nang sa wakas ay naisakay na nila ako at umupo sa tabi ko si Erich,
Tumagal ang byahe namin patungong SM Dasmariñas at bumungad sa amin ang poster na tungkol sa fan greeting at book signing nang makarating kami ng National Book Store matapos ng ilang kilometrong paglalakad at pagsakay sa elevator kanina; magulo ang senaryo sa entrada nito at bigla akong nakaramdam ng ngimi sa'king katawan dahil sa dami ng tao.
"Excuse me, excuse me! Patabi po, give us space!" hiyaw ni Erich kaya naman napayuko ako ng konti dahil sa hiya,
Hindi talaga nawala ang pagiging palengkera na ugali, haynako!
"Miss? Kasama ko po kasi kaibigan ko, isa siya sa mga writer na kasali sa fan greeting at book signing para sa kanyang book, saan po ang pwesto niya?" tanong ni Erich sa isang babaeng sakto lang ang tangkad at maikli lang ang buhok nito na may magarbong bestida na suot,
"What's her name ma'am?" tanong pabalik ng babae sakanya,
"Suzette po, also known as 'Amorosa' po ang pen name niya," mabilis na tugon ni Erich rito,
Napunta sa'kin ang mga tingin nito tila kinikilatis ang buong pagkatao ko bago pa man niya itinuro pwesto ko.
"Dito po ma'am, the other table vacant po na may pangalan ng pen name ni Ma'am Suzette, congratulations po ma'am on having your first book signing and fan greeting! We are looking forward to work with you more in the future and to published amazing stories that you will create someday, masayang bati niya sa'kin na nginitian ko ng matamis habang nakasunod siya sa tabi namin ni Erich papuntang pwesto ko,
Isa-isang dumating ang mga sumusuporta sa'kin iilan sa kanila ay hindi maitago ang saya at kilig sa mga mukha.
"Sa wakas nakita na kita ng personal, congratulations Miss Amor!" bungisngis na sabi ng isa sa kanila,
YOU ARE READING
Against The Odds
General FictionA connection between notes and ink where the two souls met in the middle of labyrinth they had endured in life and found the solace in each other's presence. Suzette is an aspiring writer who aims to be known through her masterpiece despite the disa...