Time skip*** Sunday
*'Wait where am i?'* tanong ko sa aking sarili.
Ang daming tao rito, pinagmamasdan at bumibili ng mga larawang pininta. May mga nagtratrabaho na inaabot ang mga larawan na nasa pinaka itaas na pader at may mga tao naman na tinutulungan at inaalalayan siya.
Sa bagay, ang gaganda ng pininta ng mga taong ito at ngayon ay pinagkakaguluhan na ng mga tao.
Lumabas muna ako dahil sa dami ng mga tao. Sa aking paglabas, nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng pormal na kasuotan. Nang ako ay kaniyang nakita, lumapit siya.
"Napaka-ganda ng iyong mga gawa, mahal. Nakita mo? Madaming tao ang bumibili nito." Masayang sabi ng lalaki at niyakap niya ako.
Sa sobra kong pagtataka sa kung anong nangyayari ngayon, hindi ko na siya masagot.
"Ah pagod kana ba, mahal? Halina't tayo ay umuwi na. Ang mga empleyado na natin ang bahala sa ibang gagawin." Sagot niya at binuhat ako.
Hindi ko na alam kung ano nangyayari pero kakaiba 'tong panaginip na ito. At bakit niya akong tinatawag na 'mahal?' ih, kadiri. Sino ba kasi ang lalaking ito?
Habang buhat niya ako ay biglang naisip ko na *'nananaginip lang pala ako pero paano ako magigising?'*
Dinala niya at sumakay kami sa isang kalesa. Nang kami ay nakasakay na, ay umandar na ang kalesa sabay ng biglang paganbon.
Buti nalang ay may bubong ang kalesang ito. Pasimpleng tumingin ako sa lalaking kasama ko. At mukhang may itsura nga siya, sayang panaginip lang ito.
Bumalik ang tingin ko sa harapan at nakitang dumaan kami sa palengke. Nakita ko na may karamihang tao na bumibili ngayon kahit unti-unting lumalakas ang ulan.
Ilang minuto na ang lumipas, nakapatong ang ulo ko sa aking kamao na ang aking siko ay nakapatong sa may bintana.
Pipikit na sana ako nang naramdaman namin na biglang tumigil ang kalesa. Sumilip ako kung ano ang nangyari at dahan-dahang tumayo, nang biglang may tumalong pusa sa aking mukha.
Alertong hinarangan ng lalaki ang pusa at hindi ako nadumihan o kaya ay nasugatan pero yung lalaki...
Tumilapon ang pusa at hindi na nakagalaw sa sahig, mapapansing may kasama siyang isda na hindi pa luto pero hindi na buhay. Baka tumakbo siya galing sa isang tindahan at ninakaw ito.
"Ayos ka lamang ba?" Tanong sa akin nung lalaki.
Inalis ko ang aking tingin sa kawawang pusa at tumingin sa kaniya at sumagot ng, "oo ayos lamang ako. Ngunit ikaw? Umuwi na tayo at gagamutin ko yang sugat mo." Agarang sagot ko.
BINABASA MO ANG
Drawn Into You
RomanceThis story is about a girl who loves to draw and read stories. She is like an ordinary girl na naghihintay lang din na nahanap ang the one niya. As the story continues marami siyang malalaman about her, about her past life at may naghahanap at naghi...