Trust and Love

8 0 0
                                    


Paano kung hinintay mo siya ng maraming taon. Ngunit, iba ang kaniyang hinihintay?

...

It's not easy for me to love and trust someone. Minsan kasi, 'yung pagtitiwala na binibigay mo sa isang tao ay siyang inaabuso pa nila.

Sometimes when you love someone so much, kahit anong gawin niyang masakit sayo ay patatawadin mo. In the end... makakalimutan mo na ang sarili mo. Masisira ka unti-unti.

Hindi ko masasabi sa sarili iyon, because I'm very careful about the people I give my trust and love to.

But Luis join the picture.

Nakilala ko siya sa dating app. Pinasubok lang ng mga kaibigan ko sa akin na gumamit non. Na baka dito ko makilala ang taong para sa akin. Sila pa ang mas nag-aalala sa love life ko.

Mga isang taon kaming puro usap, hindi pa namin nakikita ang isa't isa. Parehas kasi kaming lowkey sa Facebook. Naging okay naman kami sa ganon lang. Akala ko magiging trial pero hindi.

Luis:
Malapit na akong grumaduate.

Violette:
Congratulations!


Gusto ko siyang puntahan kaso hindi ko alam kung paano. Tanging alam ko lang kung saang lugar siya nakatira pero hindi ang exact ng bahay nila.

Luis:
Sa wakas, mapupuntahan na rin kita. Magkikita na tayo.

Violette:
Ano?

Luis:
Pangako ko 'yon, diba, pupuntahan kita.

Violette:
Ang pangako mo, kapag nakagraduate na ako saka mo ako pupuntahan pero hindi pa naman ako graduate.

Luis:
Oo nga 'no, pasensya na tumatanda na, eh.

Kahit ganito lang, masaya ako, kami. Oo, friends lang kami. Nung una, wala akong nararamdaman na kakaiba sa kaniya ngunit habang tumatagal, nadedevelop na ang feelings ko para sa kaniya.

Hindi niya alam 'yon at wala akong balak na sabihin sa kaniya 'yon. Ayokong magbago ang lahat. Ayokong mawala siya.

Violette:
Loko ka talaga. Anyway, may favor ako sayo.

Luis:
Kahit ano pa 'yan, gagawin ko. Ano ba 'yon?

Violette:
Sa araw ng graduation niyo. Pwedeng magvideo call tayo?

Luis:
Para saan?

Violette:
Gusto kita magreet sa personal pero malayo tayo sa isa't isa kaya sana kahit video call ay magreet kita. Okay lang naman kung hindi ka payag, 'di kita pipilitin.

Luis:
Okay.

Violette:
Okay?

Luis:
Payag ako, gusto na din kita makita. Ang tagal na din nating magkausap. Maybe, this is the perfect time for us to level up.

...

Dumating ang araw na graduation niya. Pero hindi pa siya tumatawag sa akin. Kaya napag-isip isip ko na bakit hindi ko na lang siya puntahan sa kanila.

Mahaba-haba ang byahe papunta sa Cavite. Nakausap ko na ang kaibigan niya at tinanong kung saan ang exact address ng bahay nila Luis. Hindi ko sinabi na pupuntahan ko si Luis, at sure naman ako na hindi niya iyon maiisip.

Pagdating ko sa baranggay nila. Maghahapon na rin nung nakapunta ako rito. First time ko makapunta rito lalo na't mag-isa ako. Nagtanong-tanong ako sa mga nakikita kong tao.

One Shot StoryWhere stories live. Discover now