They Truly Exist

2 0 0
                                    


Oo, hindi ako naniniwala sa mga bagay na hindi kapanipaniwala. Sirena, Ghost, Superheroes, Zombies, Monsters, Fairies at lalo na sa mga Vampira.

Hindi ako maniniwala hangga't hindi nakikita ng aking dalawang mata. Marami ang naniniwala doon, lalo na ang mga laki sa probinsya. Hindi ko gusto ang mga may ganon na theme sa movies or dramas. I hate that kind of movies. Call me weird but this is me!

Isang araw, naaksidente ang parents ko. Salamat at buhay sila, nagtamo lang sila ng onting sugat. Inilahad nila ang mga nangyari nung gabing naaksidente sila.

"Papunta kami ng dito dahil nagkaroon ng maraming emergency at kailangan nandito kami. Pag-aari din naman kasi ito at doctor kami dito. Habang nasa daan kami, mabilis ang pagpapatakbo ng kotse ng aking asawa. Biglang may sumulpot na isang lalaki sa daan, nataranta ang asawa ko kaya ibinangga na lang niya ito sa poste. Nahihilo ako non pero pinilit kong subukan na lumabas ng kotse para tingnan kung nabangga namin ang lalaki but..." napahinto si mom sa pagkwekwento.

Kinakabahan ako at nagsitaasan ang mga balahibo ko. Nababasa ko sa itsura ni mom na...

"Wala akong nakitang tao doon, kundi kami lang. Wala din dumadaan ng mga sasakyan. Pumasok sa utak ko na...baka kaya ang nakita naming lalaki ay isang MULTO." wika ni mom.

"Mom... hindi totoo ang mga 'yon, minsan pagod kayo kaya baka kung anu-ano na nakikita nyo o baka namamalikmata lang kayo. Nahihilo ka non mom, kaya baka hindi mo na napansin masyado 'yung lalaki." pagkontra ko agad.

Kahit mga magulang ko ay hindi ko pinapaniwalaan sa mga nakikita nilang hindi kapanipaniwala.

Makalipas ang ilang linggo. Sobrang daming activities sa school namin. May lumapit sa aking lalaki. Hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. Transfer?

Maputi siya at kakaiba ang itsura. Korean? American? Thai? Italian? Whatever.

"You? Mia Macneal, right?" wika nito. Feeling close naman 'to agad.

"Yes, why? you know me?"

Hindi ito kumibo at umalis sa harapan ko. Sa dami kong pinoproblema ngayon, dadagdag pa talaga siya. What's wrong with him? Argh! Never mind.

Dahil sa activities in our school, marami akong nakilala, isa na doon ang lalaking lumapit sa akin noon. Mas lalo ko siyang nakilala. Naging close kami sa isa't isa.

Pure Pilipino siya, ganon lang talaga ang itsura niya. Minsan kapag nahahawakan ko ang alin sa bahagi ng katawan niya ay sobrang lamig. Wala naman kami sa ibang bansa? Hindi ko na lang pinansin ang mga bagay na iyon dahil baka normal iyon sa ibang tao.

Araw-araw kaming magkasama dahil same group and same major ang kinuha namin. Habang naglalakad kami papauwi, may biglang tumawag sa akin.

'Unknown number'

"Hello, who's this?" wika ko.

[Hindi mo kailangan pang malaman. Pumunta ka sa lumang bahay malapit sa hospital na pinapasukan ng parents mo. Kapag wala ka pa rito in 5 minutes, say goodbye to your parents] tumawa pa bago niya ito binaba.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Tumawag agad ako ng taxi at pumunta sa sinabi ng lalaki sa telepono. Binalot kami ng takot at kaba. Hindi akk papayag na may mangyari sa magulang ko.

Pumasok kami sa bahay na iyon. Naghiwalay kami ni Anwyll para mabilis ang paghahanap. Pumunta ako sa third floor at nakita kong umiiyak si Mom. May mga sugat naman si Dad sa kaniyang mukha at mukhang nanghihina na ito.

Lalapitan ko na sana sila Mom ng... "Sakto ang dating mo, Ms. Mia Macneal." Nabosesan ko siya agad. Siya ang nagsasalita sa telepono kanina.

"What do you need? Just say it! please don't hurt my mom and dad. Ako na lang ang saktan mo." umiiyak na wika ko.

"Ohhw, hello Anwyll! Tamang-tama nandito ka. Gusto ko sana na ikaw na ang magsabi kung ano talaga ang balak natin sa kanila." wika nito.

"Magkakilala kayo? so that means magkasabwat kayo, am I right?"

"No, Mia. But yes, I know him. He's my dad. Hindi ko alam na gagawin niya talaga ito." -Anwyll.

"Kinaibigan mo ako just because for this. Ang tanga ko dahil nagpaloko ako sa katulad mo."

"Magsasagutan lang ba kayo diyan? Okay ako na magsasabi. Just give me a human blood. Pagmamay-ari nyo ang hospital, sure ako madali lang para sainyo na mabigay ang gusto ko."

"Are you insane? Why would I do that! Anong gagawin nyo doon?"

"Dad! please stop! hindi ka naman ganito dati, diba? Kaya mo ngang mabuhay ng hindi kumakain ng dugo ng tao, diba?" -Anwyll.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Ano bang ibigsabihin nila? "What?" gulat na wika ko.

"Shut up your mouth! kung hindi mo maibibigay ang hinihingi ko, alam mo na ang mangyayari sa magulang mo." wika nito.

Tinutukan niya ito ng baril. Nanginginig na ako sa takot at kaba. Hindi ko alam na ang gagawin!

"Anak, Mia. Alam mo ang tama at mali. 'Wag na 'wag mong piliin ang maling gawain. Juat do the right thing." -mom.

"Please, just leave them. Ako na lang ang saktan nyo."

Nakaramdaman ako na may tumusok sa bandang puso ko. Hinawakan ko iyon at nakita ko sa aking kamay ang dugo.

Tumingin ako kila mom sabay ngiti. Bumagsak na lang ako at parang nararamdaman ko na katapusan ko na. Rinig ko na umiiyak sila mom and dad.

"Mia, dadalhin kita sa hospital. Don't worry, mabubuhay ka. 'Wag kang matutulog, ah." -Anwyll.

"A-anwyll, a-ano ka ba t-talaga?" tanong ko.

"Mia, hindi ayan ang tamang oras para diyan." -Anwyll.

"J-just answer m-me, p-please?"

"Hindi ka naniniwala sa mga characters ng fantasy, diba? In real life, ganon din...but they truly exist! Yes, I'm not a human. I'm a Vampire."

Ngumiti ako. "S-save my parents, p-please."

"I'll save them and you too. Okay, don't worry."

Hindi ko na kaya na tiisin ang sakit kaya tuluyang ipinikit ko ang aking mga mata.

...

Nagising ako na uhaw na uhaw. Inabutan agad ako ng tubig ni Mom. Biglang nag-iba ang timpla ng aking panlasa at ang mga mata ko.

Hindi ko alam ang nangyayari. Uhaw na uhaw ako ngunit ang gusto ko ay DUGO. Dugo ng tao.

Lumapit si Anwyll at inilahad ang mga nangyari ng mawalan ako ng buhay. Ngayon, isa na akong ganap na...

VAMPIRA...

Ilang taon ang nakalipas. Naging mapayapa at maayos ang pamumuhay ko, kasama si Anwyll. Hindi naging madali ang buhay namin pero patuloy na nilalabanan namin ng magkasama iyon.

Oo, ngayon naniniwala na ako sa mga hindi kapanipaniwalanh bagay dahil hindi lamang ang mata ko ang nakakita kundi pati mismo ang buong katawan ko ang nakaranas.

Hindi masama ang maniwala sa mga bagay-bagay, ang masama ay ang gumawa ng hindi maganda sa kapwa.

One Shot StoryWhere stories live. Discover now