Huling Sandali

0 0 0
                                    


Mahirap mabuhay ng puro what if pero mas mahirap yata na pinipilit mo na mabuhay.

Mag tatatlong taon na, pero bakit nandito pa rin ang sakit? Bakit hindi maalis, o kahit gumaan paunti-unti? Baka nga ganito na lang ang purpose ng buhay ko?! MASAKTAN hanggang sa huling araw ko.

Nakakarecover naman ako sa mga past relationship ko, pero iba ang isang 'to. Napakalakas ng impact niya sa akin. Hindi ko masabi ang dahilan. Basta't alam ko, siya lang ang minahal ko ng ganito. Minahal ng todo ngunit nasaktan din ng malala.

"Mick!" Nagulat agad ako ng tawagin ng kaibigan ko siya. Pahamak talaga ang isang 'to.

Hindi naman sa ano, oo affected pa rin ako. Sino ba naman ang mabilis makakalimot sa 4 years na pinagsamahan nyo? Syempre, siya.

Hindi ko nga siya maintindihan sa bagay na 'to, eh. Bakit ganon na lang kadali sa kaniyang kalimutan ang lahat lahat. Parang wala na sa kaniya, ako.

Minahal din naman niya ako sa onting panahon, ha? Bakit...

Bakit hindi ka nagtiwala sa akin?...

Bakit sa iba ka pa naniwala...

Bakit kailangan mong gawin iyon...

Kailangan ko ng maliwanag ng explanation galing sayo...

Sorry, Mick...

Umalis muna ako sa classroom. Mapang-asar din kasi yung dalawa na 'yun. Ayoko ng naririnig ang pangalan niya. Ayoko na rin siya nakikita pero anong magagawa ko? Nasa iisa lang kami ng lugar na ginagalawan, malapit pa sa akin.

Gusto ko na siyang kalimut--. Hindi, hindi ko kaya... Hindi ko yata kakayanin. Gusto ko na muna siguraduhin na maging masaya siya sa iba, bago ko gawin iyon. Gusto ko na matagpuan niya ang isang tao na hindi magbibigay sa kaniya ng sakit sa ulo. In short, hinding hindi na maaaring ako pa 'yun.

Hindi ko pa rin naman tanggap ang lahat, kaso mas okay na yung magkunwari na oo. Para maluwag sa loob niya.

Nasa bahay kami ng mga kaibigan ko.

"Chaelin, nabalitaan mo na?..." Wika ni Jona.

Dapat ba akong malungkot, maexcite o matuwa sa tono ng pagkakasabi niya na 'yun? Ano pa ba ang dapat kong malaman?

"Chaelin..." paulit-ulit na tawag nila sa akin.

Dahil lumilipad ang isip ko, nakalimutan ko na may sinasabi si Jona sa akin. Kung ano ano kasi ang naiisip na hindi dapat isipin. "Bakit? Ano 'yon?"

"Lilipat na raw si Mick ng ibang school."

Kahit ayaw kong lumipat siya, wala naman na ako magagawa pa ron. Buhay na niya 'yun kaya 'di dapat makialam.

Ayoko na please, ayoko ng marinig ang pangalan niya. Hindi ko maunawaan kung bakit ako nasasaktan kapag nababanggit ang pangalan niya.

"Hindi mo ba siya pupuntahan para sabihin?"

Kailangan ba? Kailangan ba niyang malaman pa ang bagay na 'yon? Hindi na siguro... mas mabuting hindi. Na baka kahit sabihin ko ay iparamdam niya lang na wala siyang pake roon.

Pero kahit naman papaano may pinagsamahan kami para magkapake siya sa akin, diba? Arghh ayoko na!

"Ano ka ba, Jo! Hindi rin naman mababago, eh. Kahit sabihin niya ng ilang billion ang 'mahal pa rin kita'. Kung ayaw na ng tao, ayaw na. Kaya 'wag nang pilitin." Wika ni Aki.

"Ay ewan ko na lang diyan." Jayz..

Tama naman siya, 'wag nang pinipilit ang isang tao sa ganong bagay. Hindi ko na uulitin pa 'yan. Ayoko na. Ayoko nang magpakatanga. Ayoko na rin umasa, kasi wala naman na talagang pag-asa. Feeling ko nga yung 0.01% eh mawawala na rin.

Pero, hindi iyon ang gusto kong sabihin sa kaniya. Oo, si Jona at Arby lang ang may alam tungkol sa gusto kong sabihin kay M. Tahimik lang sila kapag nagsasabi ako tungkol sa sarili ko. Hindi sa wala akong tiwala sa dalawa ko pang kaibigan, wala kasing preno ang mga bibig nila. At panigurado na hindi nila seseryosohin iyon.

Gusto kong ako ang magsabi sa kaniya non, ako mismo. Kaso nakakatakot din...

Matatapos na ang school yr. Onti nalang, hindi ko na siya makikita. Onti na lang din, pupunta na ako sa malayo.

"Chaelin..." yung boses na 'yun ang kahinaan ko. Sa bawat maririnig ko na tawagin niya ako sa pangalan ko ay kahit anong oras ay lalambot ang puso ko, na parang magheheal ito pagkatapos mawawasak ulit, ngunit mas malala ang wasak.

Ayokong lingunin siya... Hindi ako PAKIPOT, OA, o MAARTE. Kung kayo lang ang nasa posisyon ko, hindi nyo kakayanin. Ang sakit, sobra.

"Chaelin..." tawag niya ulit sa pangalan ko.

Ngayon, hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Nilingon ko siya at biglang napayakap sa kaniya. Bakit?? Teka... bakit ko ginagawa na naman ito. Bakit ang bilis kong lumambot sa kaniya?

ANG RUPOK KO, GAGO!!!

Bakit naging ganito ako sayo? Hindi naman ako ganito dati. Mas matigas pa sa bato ang puso ko non!! Bakit!!

"Chaelin... Okay ka lang?" Hindi na ako natutuwa sayo! Gusto kitang suntukin alam mo ba 'yun? Bakit ka ganyan!!

Umiiyak na pala ako, ni hindi ko namalayan iyon. Shit! Mali ito. Nahihiya ako. Ayokong makita niya akong ganito. Hindi ganito ang Chaelin na nakilala niya.

Hihiwalay na sana ako sa pagkayakap ko sa kaniya nang bigla na lang din niya akong yakapin pabalik. Yakap na sobrang higpit.

Bakit niya ginagawa ito? Pinahihirapan niya ba ako sa paglimot sa kaniya? O gusto niyang mahalin ko pa siya ng higit sa higit.. please lang, Mick. Baka kapag nangyari iyon ay wala ng matira sa sakin. Baka hindi ko na kayanin pang magmahal ng iba, kahit sarili ko.

Ito ang ayaw ko sa pagmamahal!! Yung ibuhos ang lahat-lahat. Oo nga, tanga nga ako! Dapat naging alam ko ang limitation ko, dapat nagtira ako para sa sarili para hindi ako naging ganito.

Pero...

Ito na ba ang gusto ko? Ang maliliwanagan na ako sa lahat? At matatauhan din, syempre.

Sabihin mo lang...

'CHAELIN, KALIMUTAN MO NA AKO. MAY MAHAL NA AKONG IBA. 'WAG KA NANG UMASA. 'WAG MO NA AKONG MAHALIN.'

Please, sabihin mo sa akin 'yan Mick! Nang matauhan na ako sa katangahan ko na 'to. Para na tumigil na talaga ako. Para maumpisahan ko ng kalimutan ka.

"Magpapaalam lang ako. At sa paalam ko na 'to, sana maging masaya ka. Patawarin mo ako sa pagbibigay sayo ng sakit. Nagtitiwala ako sayo. Kaso mas mabuti na itigil na natin ang lahat. Kung itutuloy natin, parehas nating masasaktan ang isa't isa." Ang sakit.

Sinasabi ko lang naman na sabihin mo 'yun. Gago, dapat hindi ko na lang narinig 'yun mula sayo. Mas masakit! Sobra. Ayoko na, hindi ko na kaya ang sakit.

Hindi ako nagsalita. Pero patuloy ako sa pag iyak. Gusto ko ng kumawala sa pagkayakap niya. Hindi na ako makahinga, dahil na din sa sobrang sakit ng narinig ko at damdamin ko.

"Chaelin... M-may mahal na akong iba..." mabilis ang pagkasabi niya pero sapat lang para maintindihan ko.

Bakit nagkatotoo ang nasa isip ko lang kanina? Hindi naman lumabas sa bibig ko 'yun, ah. Gago, ang sakit na.

Ramdam na ramdam ko ang mabigat niyang paghinga. Ang bilis din nang tibok ng puso niya. Totoo nga ba ang sinasabi niya? O sinasabi niya lang yon para nga gawin ko nang kalimutan siya?

Namiss ko ang amoy niya.

Gusto ko nang magpahinga. Ito lang naman ang hinihintay ko. Ito ang gusto kong marinig sa kaniya. Ang meron na siyang mahal na iba. Sana lang mahal din siya nun. Maging masaya lang siya ay okay na sa akin, kahit hindi na sa akin 'yun. Dadalhin ko ang memories natin, gang sa huling hininga ko.

Paalam din, mahal ko.

One Shot StoryWhere stories live. Discover now