Chapter 1

15 5 1
                                    

Hiiiii, I am Mahealhia Jeanaia Corpez, I am 17 years old at highschool lang ang aking natapos sa dahilang pinilit na inihinto ng aking mga magulang ang aking pag aaral, and OMG!! 2 months nalng pala at mag e-eighteen na'ko at panigurado akong pagdating ng araw na'yon ay aalis agad ako rito sa impyernong bahay na 'to at...... Nabalik sa realiadad ang aking isip ng may biglang nabasag na plato at nagsitalsikan ang mga laman nito sa harapan ko

"PUTANGINA naman Lhia!! Anong pagkain toh?! Huh?! Parang pagkain ng baboy!!" Bulyaw ni mama, pinagluto kasi nila ako ng chicken curry, hindi naman ako nun marunong magluto kaya nagkanda durog-durog ang ibang manok dahil nasobrahan sa liit at ang ibang patatas naman ay nadurog din dahil sa sobrang kahahalo ko kanina

"Walanghiya Lhia!! Nag-aaksaya kaba ng pagkain?!!!" Sigaw ni papang papalapit sa direks'yon namin ni mama. "Mama, Papa, hindi po kasi ako marunong~" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng bigla akong hambalusin ng kawali at pagsisigawan ni papa "aba't sumasagot kana?! Iyan na nga lang ang gagawin mo hindi mo pa magawa, wala kang kwenta!" Napaiyak ako sa sakit ng mga hampas ni papa saakin "mama" paghingi ko ng tulong sa aking ina habang umiiyak "anong iniiyak iyak mo saakin? Bahala ka sa buhay mo!! Letse hindi mapapalitan ng iyak mo iyang pagkaing sinayang mo!" Sigaw ni mama at tumungo sa kusina na bumalik din pagkaraan  ng isang minuto dala ang kaldero na may lamang mainit na chicken curry na s'yang aking niluto kani-kanina lang. Nang tuluyan ng makalapit si mama ay ibinuhos nya iyon saakin na s'yang nagpatigil kay papa sa paghampas saakin lalo akong umiyak dahil sa dulot na hapdi ng init niyon sa aking balat "AHHHHHH, ma, pa tama na po. Ansakit po mama" ngunit ano pabang aasahan ko, pagkabubo saakin ng laman ng kaldero ay itinapon n'ya yun saakin "hayop kang bata ka! Hugasan mo yan bwisit!!" Bago pa man makalabas si mama ng pinto papalabas ng bahay ay tinadyakan ako ni papa sa t'yan "tarantado ka! Ayan uminit na naman ang ulo ni Elena!" sabay tadyak saakin at sinundan na si mama

Pagkalabas nila ay doon ako umiyak ng umiyak habang kinakain ang tinapong pagkain saakin ni mama dahil sayang naman at isa pa ilang araw nadin akong di kumakain, pagkatapos ay nilinis ko na ang mga iyon ng may sama ng loob

Ito, ito ang dahilan kung bakit gustong gusto ko ng maging legal ang aking edad dahil gusto ko ng makalayo dito, dahil kada araw gan'to ang dinaranas ko, hindi pa man humihilom ang mga pasa at sugat sa bawat parte ng katawan ko ay lagi na iyong nadadagdagan at kahit kailan ay hindi nabawasan

A/N: this is the pronounciation of the FL's name

Mahealhia - Ma-hey-liya
Jeanaia - Jey-nay-yah
Corpez - Kor-pez

Beast on Cage (Obsessive #1)Where stories live. Discover now