Chapter 4

34 12 0
                                    

Habang bumibili ako ng groceries dito sa SM diko naman maiiwasang hindi mag-alala kay mama. Si Ella lang ang kasama niya ngayun sa bahay at masakit daw ang kanyang ulo.

"Yomi pakidala nga nito" inabot ko naman sa kanya ang aking mga pinamili bago kami pumunta sa counter para magbayad.

"bilisan natin yomi iba kasi yung pakiramdam ko ngayun, baka may mangyayaring masama kay mama" sabi ko sa kanya

"Teka muna sandali"

We immediately go to Tristan's car to put our groceries.

"Teka lang yomi tumawag si Ella sasagutin ko lang" sabi ko habang ipinakita sa kanya ang cellphone kung nagri-ring.

"Gosh Ayesha si tita! nasan na ba kayo" bungad niya sa akin.

"Why? What happened to my mother, Ella?" Natatarantang sabi ko

"Inapoy siya ng lagnat Ayesha at nawalan siya ng malay kanina"

Diko naman alam kung anong gagawin dahil sa pagmamadaling pumasok sa loob ng sasakyan.

"Teka we are on our way, just wait dadalhin natin si mama sa doctor kung malala ang kanyang lagnat" sabi ko.

" Yomi make it faster, I am already scared" medyo nanginginig kong sabi sa kanya dahil sa kaba na lumukob sa aking puso.

"Just calm yomi magiging ok din si tita" sabi niya sa akin.

" Sana nga, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may masamang mangyayari sakanya"

Agad-agad akong bumaba sa loob ng sasakyan ng makarating kami sa bahay

Pumanhik agad ako sa kuwarto ni mama at nakita ko naman siyang inaalagaan ni Ella. Agaran akong lumapit at hinipo ang kanyang ulo.

"Oh my Ella, ang init ni mama"

"Medyo maayos na siya Ayesha, wag kanang mag-alala dahil napa-inom ko na siya ng gamot." sabi nito sa akin.

" ma pagaling kana po jan, wag mo po akong iiwan ha, hindi ko pa kaya" sabi ko sa kanya kahit hindi niya naman naririnig.

Hinawakan naman ni yomi ang isa ko pang kamay para pagaanin ang aking loob. Araw ng sabado ngayun kaya wala kaming klase. Sakto naman na gumala si Ella sa bahay kaya iniwan ko na muna si mama sa kanya dahil bumili kami ng groceries ni Tristan sa SM.

"Bumaba na ang lagnat ni tita kaya wag kanang kabahan jan yomi"

" Pero hindi pa siya tuluyang gumaling kaya hindi mawala-wala ang kaba ko Yomi" sabi ko sa kanya sa may halong inis na boses

Kahapon pa sinabi ni mama na masakit ang kanyang ulo kaya hindi ko mapigilang hindi mag-alala at ngayun nga ay may lagnat na siya.

Agad akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo at pumanhik sa kusina upang lutuan si mama ng lugaw.

Nang matapos akong magluto, tinulungan naman ako ni Tristan na dalhin ang mga kailangan kong gamitin sa loob ng kuwarto ni mama.

My Greatest Sun (On-going)Where stories live. Discover now