"anong ginagawa mo jan yomi" nakasimangot kong sabi, "kakanta ka pa uy"
Nagmamaktol naman niya akong tiningnan, " yomi ayaw kung kumanta andaming tao"
"Dare is dare yomi, walang atrasan"
Nagtawanan kaming tatlo nina Ella at Harold dahil sa itinuran ni Tristan, nagbalak pa kasing umatras eh, pero hindi yun puwede sa akin.
"Hayss, fine"
Kitang kita sa kanyang mukha na kinakabahan siya pero hindi ko naman iyon ikinakatakot kasi marunong naman siyang kumanta sadyang mahiyain lang talaga siya katulad ko.
Pumunta na siya sa harap ng karaoke at tinipa ang kantang gusto niyang kantahin.
"Sure kana ba talaga niyan Ayesha" kinakabahang usal ni Ella
Napagisip-isip ako sa kanyang sinabi, "bakit naman hindi" sabi ko na may kasamang tawa, kaya niya yan Ella trust me.
"Harold bili tayo ng ice cream mamaya ah" narinig kong sabi ni Ella sa kanyang boylet.
"Sure Ella"
Dumaga na nga yung excitement ko, minsan niya lang akong kantahan kaya naman todo ang ngiti ko ngayun.
Nagsimulang tumugtug ang kantang kanyang pinili. Hold my hand by Lady Gaga, mahilig pala siya sa kanta ni Lady Gaga natatawang sabi ko sa aking isipan.
Tell me you need me
Hold my hand, everything will be okay
I heard from the heavens that clouds have been grey
Pull me close, wrap me in your aching arms
I see that you're hurtin', why'd you take so longGosh ang ganda talaga ng boses niya, ang laki ng ngiti kong nakatingin sa kanya, at hindi maipaliwanag na damdamin ang aking nararamdaman ng tumingin siya sa akin habang kumakanta.
To tell me you need me? I see that you're bleeding
You don't need to show me again
But if you decide to, I'll ride in this life with you
I won't let go 'til the end"Wow Ayesha ang lamig ng boses ng boylet mo" sabay hampas sa balikat ko
"Puwede mo namang sabihin sa akin Ella ng walang kasamang hampas Oa mo" natatawang sabi ko sa kanya
" Tumahimik ka, alam kong kinikilig na yang atay mo jan" nang-aasar na sabi niya sa akin
Inirapan ko naman siya, nang magtama ulit yung mga mata namin ni Tristan hindi ko naman talaga maiwasang hindi kiligin, para kasing ako yung pinapatamaan ng kanta.
So cry tonight
But don't you let go of my hand
You can cry every last tear
I won't leave 'til I understand
Promise me, just hold my handPara sa akin nga siguro talaga yung kanta, hindi ko naman talaga bibitawan yung kanyang kamay eh, mahal ko siya at sinasabi ko din sa kanya yung mga problema ko
Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos siyang kumanta. Libo-libo namang bultahi ang aking nararamdaman dahil sa kanyang tingin sa akin
"Girl,,ikaw na" tili ni Ella sabay hampas sa balikat ko.
Iba talaga pag-kinikilig to si Ella, nanghahampas eh. Kala mo naman talaga hindi masakit
"Aray ko naman Ella" sabi ko sabay inirapan siya, "mas kinikilig kapa sa akin eh"
" Eh kasi nakakakilig naman talaga...aray" masama naman niyang tiningnan si Harold na nginisian lang siya.
Natatawa naman akong napatingin sa kanyang mukha na hindi maipinta dahil sa ginawang pagpitik ni Harold sa kanyang noo.
YOU ARE READING
My Greatest Sun (On-going)
RomanceAyesha Tuazon and Tristan Villafuerte are two great lovers who face various trials in their love lives. Ayesha struggles with depression and contemplates surrendering. The story explores their love and their ability to deal with life's challenges, u...