Wala ka bang balak sabihin sa kanya ang totoo?" Tanong ni Harris kay Gaia ng makaalis na si Michael.
Nakausap na nila ng maigi si Michael, naipaliwanag na rin nila ng maigi dito ang lahat at mukhang naniwala naman ito at nangako na tutulong sa kanila.
Sinabi nila ang lahat maliban sa totoo niyang pagkatao—at sa totoong pagkatao ng girlfriend nito.
Alam niya na dapat sinabi na rin niya dito ang tungkol doon pero hindi niya alam kung bakit hindi niya sinabi.
Siguro dahil gusto niyang ito mismo ang makadiskubre tungkol sa totoong pagkatao ni Diane, since namulat na ang mata nito sa other self ng girlfriend nito.
"Mayron." Mahinang sagot niya sabay buntong hininga.
"E bakit hindi mo pa sinabi kanina?" Patuloy na pangungusisa ni Harris.
"Dahil sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang lahat." Sagot ni Gaia.
"So kailan mo sa kanya sasabihin?" Patuloy na pangungusisa pa ni Harris.
"Basta darating din ang tamang oras na iyon." Sagot pa ni Gaia sabay tingin sa malayo.
Nang biglang pareho silang makarinig ng mahihinang kaluskos mula sa labas.
Nagkatinginan sina Harris at Gaia sabay mabilis na kinuha ang kani-kanilang mga baril at saka pinatay ang ilaw, para kung sakaling mayron mang kalaban ay hindi sila makita mula dito sa loob.
Pareho silang naghanap ng kani-kanilang pwesto na pagtataguan.
Si Harris ay dumeretso sa gilid ng pader na malapit sa bintana, samantalang si Gaia naman ay likod ng pinto naman ang pinuwestuhan.
Nang makapuwesto ay dahan-dahan na sumilip si Gaia sa maliit na butas sa pinto. Inilibot niya ang kanyang paningin sa labas.
Wala siyang makitang kakaiba ng biglang makarinig ulit siya ng kaluskus kaya agad siyang napadapa at gumulong papunta sa may isang malaking kabinet. Isiniksik niya ang kayang sarili sa gilid bago siya lumingon kay Harris.
Nakayuko si Harris habang nagiging alerto sa paligid.
Sinitsitan ni Gaia si Harris kaya napatingin ang huli, sininyasan niya ito na pumunta sa may kabilang bintana at doon magbantay.
Agad na tumalima si Harris at dahan-dahan na nakayukong lumipat sa kabilang bintana. Samantalang si Gaia ay maingat na rin kumilos para lumipat ng pwesto.
Dahan-dahan siyang lumipat sa dating pwesto ni Harris. Nang maiayos na ang sarili doon ay muli siyang tumingin kay Harris at muling suminyas na sisilip siya at babantayan nito kung sakaling may biglang sumulpot.
Tumango lang si Harris.
Pagkatango ni Harris ay dahan-dahan nang sumilip si Gaia sa bintana. Mabilis ang mga matang inilibot ang kanyang paningin ng paulit-ulit.
Pero wala pa rin siyang makitang kahina-hinala sa paligid.
Muli siyang nagtago muna at muling lumingon kay Harris sabay iling-iling pagpapahiwatig na wala naman kakaiba sa paligid kaya pareho silang nagdesesyon na tumayo at inisip na baka mga hayop lang na gumagala-gala.
Nang nakatayo na sila pareho ay doon biglang may lumabas ng dalawang bulto ng tao mula sa kung saan. Pareho itong nakasuot ng itim na maskara at parehong may dalang baril.
Agad silang napatutok ng baril dito at gayon din ang mga ito sa kanila.
"Sino kayo!?" Matapang na tanong ni Gaia sa dalawa habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa baril na nakatutok sa mga ito.
Hindi nila agad pinaputukan ang mga ito dahil hindi rin naman ang mga ito nagpaputok, dahil kung gusto talaga sila ng mga ito saktan ay kanina pa ito nagpaulan ng bala sa kanila.
"Hindi kami kalaban!" Agad na pahayag ng isa na boses babae.
Nagkatinginan sina Harris at Gaia pero sandalian lang dahil hindi pwedeng mawala ang atensyon nila sa dawala.
"Sino kayo!?" Matigas na ulit na tanong ni Gaia.
"Andito kami para makipag-usap sa inyo." Sabi ulit ng babae embes na sagutin nito ang tanong niya.
Pero hindi kombinsido sina Gaia at Harris sa sinabi nito dahil hindi naman nila kilala ang mga ito at hindi rin nila alam kung ano nga ba ang pakay ng mga ito sa kanila.
Nang biglang nagulat ang dalawa ng ibinaba ng mga ito ang kani-kanilang baril kaya nagkatinginan pa silang dalawa ni Harris.
"Hindi namin intensyon ang saktan kayo o makipaglaban sa inyo." Sabi naman ng isa ng maibaba na ng mga ito ang baril, boses lalaki naman ito.
Muling nagkatinginan sina Gaia at Harris.
"Ako si Maxine.." Pagpapakilala ng babae habang tinatangal nito ang maskara.
"Ako naman si Jacob." Pakilala din ng lalaki habang tinangal din nito ang maskara.
At tumambad nga kina Gaia at Harris ang pamilyar na mukha nina Maxine at Jacob.
Nang makilala nina Gaia at Harris ang mga ito ay agad nilang ibinababa ang kanilang mga baril.
Sino ba naman kasi ang hindi nakakakilala kina Maxine at Jacob.
Kilala nilang dalawa ang mga ito dahil bilib na bilib sila sa mga ito dahil sa ginawa ng mga ito noon na pagpapabagsak sa isa sa malaking grupo ng mga sindikato.
Pero ang pinagtataka nina Gaia at Harris ay ang alam nila ay patay na ang mga ito.
"Hindi pa kayo patay?" Takang-taka na nakakunot ang noo na usisa ni Gaia.
Nakatinginan naman sina Maxine at Jacob.
"Well, as you can see buhay na buhay kami." Sagot ni Maxine. "At andito nga kami para makipagusap sa inyo." Agad na dugtong pa nito.
Sina Harris at Gaia naman ang nagkatinginan dahil sa tinuran ni Maxine.
"Paano niyo nalaman itong lugar na ito at pano niyo kami nakilala?" Pagtatakang usisa ni Harris.
Ngumiti si Maxine at nag-umpisang naglakad palapit kina Gaia at Harris, at kasunod niya si Jacob.
"Well, matagal na namin kayong sinusubaybayan." Sagot ni Maxine habang naglalakad. "We accidentally encounter you sa isang misyon namin laban sa isang drug lord, we supposed to make a move against them pero nakita namin kayo na nauna sa lugar na iyon na ginagawa na ang dapat gagawin namin kaya naman mula ng araw na iyon ay sinubaybayan na namin kayo, at inalam namin kung ano ang ginagawa niyo and we discovered na tulad nga namin, tinutugis niyo din ang mga kriminal na salot sa lipunan. " Pagpapatuloy na paliwanag ni Maxine.
"Alam din namin na anak ka ng lider ng isa sa mga malaking grupo ng sindikato dito sa Cavite at maging ikaw din mismo ay tinutugis mo rin ang sarili mong Ama." Dagdag naman ni Jacob na nakatingin kay Gaia.
"At dahil doon ay andito kami para makipagtulungan sainyo -" Si Maxine.
"I am sorry pero nabunyag na ang katauhan ko kaya hindi na ako makakalapit kina Papa, at kung iyon ang inaasahan niyo sa akin kaya gusto niyong makipagtulungan sa amin ay sorry pero hindi ko na magagawa ang inaasahan niyo." Putol ni Gaia.
Nagtinginan naman si Maxine at Jacob dahil sa pinahayag ni Gaia.
Hindi kasi nila inaasahan ang bagay na iyon. Oo tama si Gaia iyon nga naman talagang dahilan kung bakit gusto nilang makipasanib pwersa sa mga ito dahil gusto nila ng tao mula sa loob na mabibigay sa kanila ng mga impormasyon sa mga galaw ng mga kalaban.
Pero dahil sa mga sinabi ni Gaia ay napaisip pareho ng malalim sila Maxine at Jacob samantalanga sina Gaia at Harris naman ay nakatingin lang sa dalawa at inoobserbahan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Acción"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...
