“ hinaharangan ng Black Mask ang organisasyon natin. ” saad nito
“ black mask? Who's that black mask? ”
I am sure na ito ang grupo na sinasabi ni dad na humaharang sa oraganisasyon namin, Hindi pamilyar ang black mask na ito
Nagkibit balikat ito habang nakatutok lamang sa kanyang computer. “ inaalam ko pa, 'yun lang ang nasabi sa'kin ng mga Capos, Hindi rin nila kilala ang Grupo na 'yan, Kaya ngayon ay inaalam ko palang. ”
He's Yuel, He's also a mafia. Siya ang pinagkakatawalaan ko rito sa Campo
“ hey, Lalim ng iniisip ah. ” hindi ko ito pinansin at nag focus saaking ginagawa
“ anyway, Kamusta 'yung anak ni boss? 'Yung batang palihim mong Pinoprotektahan. ”
“ she's fine. ”
“ Balita ko marami raw nanliligaw don ah, Iba talaga 'yung anak ni Boss. ” saglit akong napatigil at tinignan ito “ kailan ka pa naging chismoso? ”
“ ngayon lang. ”
“ Coffee mo ba 'to? Akin na ah. ” aniya nang makita ang mug ko rito sa table
“ kahit kailan ka talaga. ”
“ Astrid. ” lumapit ito sa'kin
“ bakit ba wala ka pang girlfriend? Nakapag tapos kana, Sa edad mong 24 successful kana, you're the underboss, so mean you're the second-in-command in the family and 'heir' to the throne- ”
“ Gusto mo bang lagyan ko ng plastic tape 'yang bibig mo nang manahimik ka naman? ” pagputol ko sa mga sinasabi nito. Ang dami niyang sinasabi, Pinoproblema niya na naman lovelife ko as if naman may oras ako para don.
“ si Apple, bagay naman kayo. ”
“ shut up, Magkaibigan lang kame. ”
“ ha? Magkaibigan? Talaga ba boy? Sa ganda niyang 'yon hindi kapa nahulog. ”
Hindi ko alam kung bakit pero biglang sumagi sa isip ko ang babaeng nakasama ko kagabi, Si Akhira, mas maganda siya sa malapitan, kahit hindi masyadong maliwanag pero kitang-kita pa rin ang kagandahan niya. once you stare at her parang mapapako na ang tingin mo sakanya, Buti nalang at napipigilan ko ang sarili ko kagabi
Akhira akhira
Bat puro nalang akhira
Napailing-iling ako At tumutok na sa aking loptop
“ wala akong panahon para dyan. ”
Tinulak nito ang swivel chair pabalik sa kabilang table, “ boy naman, baka tumanda kang binata niyan ah. ”
“ bakit di mo nalang problemahin kung sino ang black mask na 'yan instead of me. ”
Ngumisi naman ito, “ nalaman kona. ”
Ito ang pinakamalaking ambag nito, Ang malaman sa ilang minuto lang ang gusto mong malaman.
“ anong ganap? ” bungad ni Apple, Umupo ito sa sofa
“ Itong Astrid na 'to, puro trabaho ang iniisip, di na inaalala ang lovelife niya. ”
“ shut up. ”
“ pansin ko nga rin 'yon, ” bumaling ito sa'kin “ ano na astrid? Galaw-galaw rin, baka tumanda kang binata niyan. ”
“ kita mona. ”
“ tumigil kayo. ”
“ Pano kung ayaw namin? ”
Matalim na tinignan ko ito, “ kidding, titigil talaga kame, Ikli ng pasensya nito. ”
YOU ARE READING
𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗔𝗙𝗜𝗔 𝗕𝗢𝗦𝗦 𝗗𝗔𝗨𝗚𝗛𝗧𝗘𝗥
ActionA man assigned to protect the Daughter of the mafia boss. he is the man adopted by the father of the woman he secretly loves. But what if he finds out something na hindi niya inaasahan na magagawa ng kinikilala niyang ama? Ang ama rin ng babaeng mah...