𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥: 11

3 0 0
                                    


“  Ihahatid na kita.  ”

“ ha? ” napatigil ako nang sabihin 'yon ni Astrid, Kakatapos lang namin mag breakfast at paalis na sana ako nang magsalita ito

Napa buntong hininga naman ito at nauna nang maglakad, ang bilis talagang mainis nito.

nagmadaling sumunod naman ako sakanya.

“ uh, sigurado ka ba? ” Nag aalinlangan kong tanong.  May meeting itong pupuntahan at kapag hinatid niya pa ako baka malate siya

“ get in the car. ” aniya at binalewala ang tanong ko. Wala na akong sinabi pa Napatango na lamang saka pumasok sa loob

habang nasa byahe ay tumunog naman ang aking cellphone hudyat na may tumatawag. Nangunot ang noo ko nang makitang unknown number ito

“ who's that? ”

napakibit balikat nalang ako bilang sagot. Hindi ko rin naman kilala kung sino ito.

“ hello? ” bungad ko nang sagutin ko ang tawag

[“ finally, hi Akhira, It's me Cider.  ”]

“ ah, Cider, Ikaw pala ” tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako kay Astrid. Diretso lang ang tingin nito kaya napatingin ako sa harap.

Nalíntikan na, bat ngayon pa nagka traffic.

[“ Nasa bahay kapa ba? Send me your address susunduin kita. ”]

muli akong napatingin kay Astrid, “ ha, ah hindi na, Papunta na rin kasi ako. ”

“ Susunduin kita mamaya so just wait for me. ” malamig na sabi ni Astrid habang diretso lang ang tingin sa kalsada

[“ who's with you?  ”]

“ sigurado kaba? ” imbes na sagutin ang tanong ng nasa kabilang linya ay si Astrid ang kinausap ko

“ yes. ”

[“ hello? Akhira, Are you busy? Did i disturb you? ”]

“ Isn't obvious? We're talking so of course you're disturbing us. ”

Wala sa sariling napalunok ako ng sariling laway. Hindi ko alam kung galit ba siya o baka wala lang talaga siya sa mood ngayon

[“ your boyfriend? ”]

“ n-”

“ none of your business.  ”

Muli akong napalunok nang putulin nito ang dapat na isasagot ko. Why am i feeling that he's jealous? O baka naman guni-guni ko lang. Ah hindi, baka assumera lang talaga ako.

Kailan pa ako naging assumera?

Itigil mo 'yan Akhira, remember that he's your brother.

“ do you want my picture? Parang ginawa mo nang hobby ang paninitig sa'kin. ” after he said that, Tumingin na ito sa'kin kaya agad akong natauhan at nag-iwas ng tingin

Masasàmpal kona talaga ang sarili sa kagàgahan ko.

[“ let's talk later akhira.  ”] nawala tuloy sa isip ko na may kausap pa ako mula sa kabilang linya

“ a-ah, Oo, sige. ” matapos non ay agad ko nang inend ang call at tumingin sa labas ng bintana. Tahimik na ang naging byahe hanggang sa nakarating na ako sa University na pinapasukan ko.

“ salamat sa pag hatid.  ” wika ko at binuksan ang pinto ng kotse, palabas na sana ako nang bigla itong magsalita

“ iwasan mo si Cider. ” tila babala na aniya

𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗔𝗙𝗜𝗔 𝗕𝗢𝗦𝗦 𝗗𝗔𝗨𝗚𝗛𝗧𝗘𝗥Where stories live. Discover now