“ po? Bakit hindi ka kasama ma? ” pinaliwanag nito sa'kin na gusto ni papa na sa bahay tumira pero hindi kasama si Mama
“ 'diba matagal mo nang pangarap na magkaroon ng ama? Eto na 'yun Akhira. ”
“ ma.. ”
“ hindi ako pwedeng sumama. ”
“ pero ma- ”
Hinawakan nito ang aking kamay, “ bibisita pa rin naman ako, anak. ”
Ipinatong ko ang aking palad sa kamay nito “ kung hindi naman po kita makakasama ay 'wag nalang, Siguro naman po maiintindihan ni papa 'yon. ” saad ko
“ anak, pangako lagi pa rin kitang bibisitahin roon. ”
umiling-iling ako “ kahit ano pong sabihin niyo ay hindi ako sasama kung hindi rin naman kayo kasama. ”
buong buhay ko ay si mama na ang nakasama ko, Si mama na nag alaga sa'kin, Si mama na hindi napagod sa'kin, Si mama na inintindi ako lagi. Kaya hindi ko siya kayang iwan ng ganon-ganon na lang.y
“ Napapagod na akong alagaan ka. ” tila nagproseso pa sa utak ko ang sinabi ni mama, Tama ba ang narinig ko?
Kunot noong pinagmasdan ko si mama “ p-po? ”
umiwas ito ng tingin “ napapagod na akong alagaan ka kaya sumama kana sa papa mo. ” dala ng sakit na nararamdaman nang ulitin nito ang kanyang Sinabi ay mabilis na umagos ang aking luha
pakiramdam ko ay hindi si mama ang kausap. Hindi kayang sabihin sa'kin 'yon ni mama
hindi ako agad na nakasalita, Nakatitig lamang ako sa kanya habang paulit-ulit na tinatanong sa aking isip na kung bakit?
Bakit sinasabi ito ni mama sa'kin?
Totoo bang napapagod na siya sa'kin?
“ ma, Nagbibiro ka lang po hindi ba? ” hilaw akong natawa habang ang luha ko'y walang tigil sa pag-agos
“ umalis kana Akhira. ” ni hindi ako nito tinapunan ng tingin at tumayo.
Pinahid ko ang luha ko at hinawakan ang kamay ko. Naka angat ang tingin ko kay mama ngayon habang naka talikod siya sa'kin
“ hindi ka naman po napapagod sa'kin diba? ”
Inantay ko ang magiging sagot ngunit tahimik lamang ito
“ ma.. ”
may biglang kumatok kaya binitawan nito ang aking kamay at pinagbuksan ang taong kumatok
“ Paki bitbit nalang ng mga gamit niya. ” saad ni mama sa mga kalalakihan na panigurado'y tauhan ni papa
hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Nakatitig lamang ako kay mama
sana nga hindi totoo ang sinabi ni mama
kung totoo man, Pasensya na ma..
“ sa kotse na po namin kayo hihintayin. ” magalang na sabi ng lalaki at yumuko saka umalis
“ ma.. ” tawag ko pero hindi ako nito pinansin
“ ma sorry po.. ”
nakatalikod ito sa'kin kaya hindi ko man lang ito makausap ng harapan.
“ sorry po kung ilang taon rin kayong napagod kakaalaga sa'kin.. ” pinahid kong muli ang aking pisngi n nabasa ng luha
“ pero ma, pangako, Mag-aaral ako ng mabuti para masuklian lahat ng pagod niyo, Sisikapin kong makatapos at hindi aasa lang sa perang mayroon si Papa. ”
YOU ARE READING
𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗔𝗙𝗜𝗔 𝗕𝗢𝗦𝗦 𝗗𝗔𝗨𝗚𝗛𝗧𝗘𝗥
ActionA man assigned to protect the Daughter of the mafia boss. he is the man adopted by the father of the woman he secretly loves. But what if he finds out something na hindi niya inaasahan na magagawa ng kinikilala niyang ama? Ang ama rin ng babaeng mah...