“ Nasa iisang Bahay na tayo ngayon, tinuring ka nang anak ni papa kaya siguro mas mabuti kung kuya nalang ang itawag ko sa'yo. ” saad ko
“ Silly, we're not even a real siblings. ”
“ Kahit na, Mas nakakatanda ka parin sa'kin, dapat lang na respetuhin din kita. ” tila nag-iba ang timpla ng mukha nito. Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko
“ uy? ” tawag ko nang talikuran ako nito bigla. Nangunot naman ang aking noo
“ anong problema non. ”
“ Girlfriend kaba ni Sir Astrid? ” napalingon ako sa kasambahay na lumapit sa'kin, May dala pa itong mop.
iiling na sana ako bilang sagot ngunit agad itong nagsalita. “ Nako, hindi namin inaasahan na may lowkey girlfriend 'yang si Sir Astrid. Alam moba, 'yung chismis e Parang allergic 'yan sa mga babae, Maliban nalang sa kaibigan nilang si ma'am Apple. Ang akala nga namin ay.. ” luminga-luminga pa ito at lumapit sa'kin at bumulong “ bakla 'yang si Sir. ”
nanlaki ang mata ko sa sinabi nito
si Astrid? Bakla?
“ pero akala lang namin 'yon ma'am ha, 'wag mong sasabihin kay Sir, Nako paniguradong pag nalaman non ay tanggal agad ako sa trabaho. ”
Ito siguro ang bago nilang kasambahay kaya hindi niya pa alam na anak ako ni papa. Ang akala tuloy nito ay girlfriend ako ni Astrid
Magsasalita na sana ako upang sabihin sakanya na hindi ako girlfriend ni Astrid ngunit isang boses ang nagpatigil sa'kin
“ You know me well huh. ”
“ aba oo nama- ” natigil ito at nakita ko pa ang ilang beses na paglunok nito ng sariling laway nang mapagtanto kung kaninong boses 'yon
nako lagot.
Tila nakakita ito ng multo, Unti-unti itong napalingon “ s-sir Astrid.. ”
“ yes? ”
naka sandal ito habang naka crossed arm. Nakikinig lang siguro ito saamin mula pa kanina
bumaling sa'kin si Astrid at tinaasan ako ng isang kilay. Napailing-iling naman ako haang naka tikom ang bibig. Sa tingin niyang 'yon ay parang sinasabi niya na kasama ako sa pakikipag chismis sakanya
nagsimula itong maglakad habang naka crossed arm parin. Nakatingin lamang ito sa kasambahay na kasama ko ngayon
napalunok ako at dahan-dahang tumalikod
“ your fired. ” natigilan ako nang marinig 'yon, Agad naman akong humarap muli
“ teka teka, fired agad? ”
Tumaas muli ang kilay nito, bat ang sungit nito lagi. “ what do you want then? ”
“ pasensya na po sir.. ” nakayukong wika ng babae
“ Napagkamalan ka lang ng- ”
“ ng ano? ” agad na pagputol nito sa sinasabi ko. Napalunok naman ako, Hindi naman ako kakainin ng buhay nito 'diba.
“ ng.. Ah basta, 'wag mo naman siyang Tanggalin agad sa trabaho. ”
“ nakikipag chismisan siya, At sa oras pa ng trabaho. ”
“ edi pagpasensyahan mona. ” lumalakas talaga ang loob ko kapag sa ganito e. Pinaglalaban ko lang naman itong si Ate dahil alam kong nagpapakahirap rin siyang magtrabaho rito para sa pamilya niya
pinanliitan naman ako nito ng mata. Ano na naman kaya ang iniisip nito hanggang sa napailing-iling nalang ito at tinalikuran kame
“ ma'am, Pasensya na po, Nakasagutan niyo pa tuloy ang Boyfriend niyo, Salamat po, Aalis na ako. ” napatigil naman ako ng banggitin nito na Boyfriend ko si Astrid. Pati si Astrid ay ganon rin ang naging reaksyon
YOU ARE READING
𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗔𝗙𝗜𝗔 𝗕𝗢𝗦𝗦 𝗗𝗔𝗨𝗚𝗛𝗧𝗘𝗥
ActionA man assigned to protect the Daughter of the mafia boss. he is the man adopted by the father of the woman he secretly loves. But what if he finds out something na hindi niya inaasahan na magagawa ng kinikilala niyang ama? Ang ama rin ng babaeng mah...