“ happy birthday sa nag iisang prinsesa ko. ” nagising ako sa isang halik ni mama sa aking pisngi.
napa ngiti ako at iminulat ang aking mga mata. Bumungad ang naka ngiting pinaka maganda kong mama habang may hawak na Cake
“ thank you mama. ” bumangon ako at tinatadtad ng halik ang buong mukha nito, napa ngiti naman ito, “ maligo kana, Nang maayusan kana ni Mia, M-make up-an kapa niya, saka nakahanda na rin 'yung susuotin mo. ” ngiting wika nito
Hindi ko napigilang mapangiti, Ang swerte ko kay mama. “ ma, ” tawag ko at hinawakan ang kamay nito
“ bakit anak? ”
“ salamat po. ”
“ Basta para sa'yo, lahat gagawin ko. ”
Lalong lumawak ang ngiti sa aking labi nang marinig ang malambing na salitang 'yon mula sakanya, Niyakap kona lamang ito ng sobrang higpit habang naka ngiti
“ bakit po ba ang swerte ko sa'yo. Wala akong papa pero hindi ka naman nagkulang sa'kin. ” wika ko habang yakap-yakap parin siya
“ mas swerte naman ako dahil biniyayaan ako ng pagkabait-bait na anak, at higit sa lahat magandang-maganda. ” kumalas ako sa pagkakayakap
“ syempre mana po ito sa'yo e. ”
Sa bahay lang din mismo gaganapin ang selebrasyon ng birthday ko, simple lang rin naman ito, bukod sa mga kaibigan ko at isang kaibigan ni mama Ay wala na rin naman kameng ibang kakilala pa.
May biglang kumatok kaya lumabas muna ito ng kwarto upang pagbuksan ang taong kumakatok
“ Galing raw po ba galing ito? ” rinig kong tanong ni mama, sa kuryusidad ay lumabas ako ng kwarto upang tignan kung sino ito
nagkasalubong ang aking mga kilay sa pagtatakha nang may mga kalalakihan na pumasok habang may dalang malaking cake, Isang malaking box na kulay puti at nilapag yon sa sofa
“ teka po, mga kuya, Ano po iyan? ” takhang tanong ko, kung titignan si mama ay makikita mong hindi siya ang nag order ng mga ito kaya sino naman ang magpapadala nito
“ para sainyo ho iyan ma'am. ” saad ng isang lalaki
“ po? Saakin? Kanino po galing? ”
“ pasensya na po, hindi rin po namin kilala, Basta ito ang binigay niyang address para ipadala ang mga ito. ” napatingin ako kay mama, Paniguradong pareho kame ng iniisip kung sino ang nagpadala ng mga ito
“ sige po, aalis na kame. ” paalam ng mga ito
“ sige po, Pwede po bang pakisabi salamat. ”
Tumango na lamang ang mga ito.
“ ni pangalan ay hindi natin alam tungkol sakanya. ” wika ni mama
𝐵𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑎𝑦𝑎𝑤 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑘𝑖𝑙𝑎𝑙𝑎? Ilang taon niya nang ginagawa 'to at hanggang ngayon ay wala kameng alam tungkol sa pagkatao niya
𝘐 𝘸𝘰𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘸𝘩𝘰'𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘨𝘶𝘺 𝘪𝘴.
𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢
lumipad ang tingin ko sa isang box, Lumapit ako roon at naupo sa sofa kung saan nakalapag ang box na iyon.
Dahan-dahan kong binuksan ang box na 'yon. Nang mabukas ay lumantad sakin ang isang dress na kulay pula
napaka simple lang non kung tignan pero makikita mong mamahalin ito, kinuha ko ito mula sa box
“ Ang ganda. ” bulong ko habang pinagmamasdan ang dress
YOU ARE READING
𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗔𝗙𝗜𝗔 𝗕𝗢𝗦𝗦 𝗗𝗔𝗨𝗚𝗛𝗧𝗘𝗥
ActionA man assigned to protect the Daughter of the mafia boss. he is the man adopted by the father of the woman he secretly loves. But what if he finds out something na hindi niya inaasahan na magagawa ng kinikilala niyang ama? Ang ama rin ng babaeng mah...