Prologue

121 7 0
                                    

PROLOGUE

"Sigurado kana ba sa gagawin natin?" may pag-aalalang tanong ng kakambal nito sakanya

"Pano kung mali pala tayo?"dagdag nito

"Sila, Mama na din ang nag-sabing pumunta tayo sa Unibersidad na yun kung gusto nating malaman kung sino ang pumatay sakanila." seryosong wika nito habang hindi inaalis ang tingin sa laptop nito na kasalukuyang nag eenroll sa CODE University

"Wala silang sinabing pumasok tayo sa Unibersidad na yun, Ate! Pano na ang mga kaibigan natin dito? Masyadong malayo yang CODE University Ate saka hindi nga natin alam kung safe tayo dyan eh." lintaya nito

"Hindi ka ba nag-tataka kung bakit ang gaganda ng offer? Seriously?Saka ang mahal pa ng enrollment fee."dagdag nito

"Sagot naman na ng Unibersidad ang tutuluyan at libre na lahat ng kailangan natin, M."malumanay na sambit nito

" Kung sa'kin lang gusto kong ako lang ang mag-aaral dun pero hindi kita pwedeng iwan, saka tayong dalawa na nga lang magkakahiwalay pa tayo diba? "

" Saka gagawin natin toh para makuha natin ang hustisiya para sa magulang natin. Kahit sa ganitong paraan na lang nating maipakita ang pag-mamahal natin sakanila."dagdag nito saka masuyong hinawakan ang kamay ng kapatid

Napa buntong na lang ang kakambal nito at walang nagawa kung hindi pumayag sa gusto nito lalo na't alam nilang pareho na yun lang paraan para malaman nila kung ano ba talaga ang Totoong nangyari sa magulang nila

43-68-61-72-6C-65-73 4F-72-6C-61-6E-64-6F  44
45-76-65-72-67-72-65-6E

"Sigurado kana ba sa desisyon mo, NP?"may pag-aalalang tanong ng Tita nito ang kapatid ng Ina nito na siyang nag alaga sakanya ng kunin sakanya ang kanyang magulang

"Opo, Tita huwag po kayong mag-alala dahil hindi ko naman po pababayaan ang sarili ko." naka ngiting tugon nito

"Hindi ko maiwasang mag-alala sayo lalo na't mapapalayo ka sa'kin."may lungkot na wika ng Tita nito

Naka-ngiting niyakap ito ng dalaga napa mahal na rin ito sakanyang Tita ayaw man nitong iwan ito ay Hindi pwede lalo na't tanging ito lang ang paraan upang malaman at mabigyan ng hustisiya sa nangyari sakanyang magulang

"Salamat sa lahat, Tita huwag kayong mag-alala sa oras na natapos ko na ang kailangan kong gawin babalik agad ako. Babalikan ko po kayo." naka ngiting wika nito

" Mangako kang hindi mo pababayaan ang sarili mo."seryosong wika ng Tita nito sakanya " Lagi kang kumain sa tamang oras. Huwag kang maging clumsy ruon dahil wala ako duon para gamutin ang mga galos at sugat mo."halatang nag-pipigil lang ang Tita nitong huwag umiyak

" Kayo rin, Tita huwag kayong mag-papabaya rito. Alagaan niyo po ang sarili niyo."naka ngiting wika ni, NP rito at sa huling pagkakataon muling niyakap nito ang Ginang bago sumakay sa  service nitong kanina pa nag-hihintay sakanya...

"Sino sino kaya ang makakasama ko dito?" mahinang tanong nito sa sarili habang tinatahak ang daan patungo sa dormitory nito o mas magandang sabihing magiging bahay nito habang nag-aaral ito sa CODE University

Ayun sa sabi ng babae sakanya na siyang namamahala dito sa Unibersidad ay sampung studyante daw bawat Dormitory o bawat bahay

"Mukhang hindi pa dumadating ang kahit Isa sa mga kasama." sambit nito ng makarating ito sa tapat ng tutuluyan niya

Hindi siya ganun kaliit at hindi din ganun kalaki sakto lang talaga para sa sampung tao

Pag-pasok nito sa loob ng bahay ay matatanaw na agad nito ang hagdan sa mismong gitna habang sa kanan ay ang salas habang sa kaliwa nito ay sa tingin niya daan papuntang kusina

"Hindi na masama." mahinang wika nito saka nag dire diretso sa pangalawang palapag at ang unang kwarto ang napili nitong buksan at pinasok lahat ng gamit duon

Nag-simula na nitong ayusin ang kanyang gamit sa susunod na linggo na mag-sisimula ang Klase dito sa CODE University kaya may ilang araw na itong libutin ang Unibersidad at mapag-aral

Nag babaka sakali rin itong may makitang makakatulong sakanya para alamin at malaman ang totoong nangyari sa magulang nito at kung sino ang nasa likod nito...

"Ahmm... Excuse me!" tawag pansin nito sa tatlong lalaking naka tayo sa harapan ng bahay

"Bakit, Miss?" takang tanong sakanya ng lalaking naka suot ng salamin

"Dito ba ang Dormitory Sierra?"

"Oo, bakit? Dito ka din ba? edi ibig sabihin housemate tayong apat!" bibong turan ng Isa pa

Napipilitang ngumiti na lang ito at piping hiniling na sana hindi puro lalaki ang makakasama nito

"Tara na sa loob mukhang may nauna na sa'tin." pag-imik naman nung isa

Tumango na lang ito saka tahimik na sumunod sa tatlo Papasok sa bahay

Naka-hinga ito ng maluwag ng makita ang tatlong babae na mukhang kagaya niya ay bagong dating lang dahil nasa salas pa ang mga bagahe ng mga toh

"Uyy, kompleto na tayong lahat."naka-ngiting wika ng  Isa

"Halikayo dito para maka pag pakilala na tayong lahat sa isa't isa."pag-aaya nito

"Ano na ang mauuna dahil ako naman ang naunang dumating dito."naka ngiting wika nung lalaking nag-sabi kanina na kompleto na kami

" Ako si, Uranus San Diego."halatang nahihiya ito

"Oo na alam kong ang weird ng pangalan ko pero wala na akong magagawa Yun ang ipinangalan ng magulang ko sa'kin eh." naka-ngiting wika nito

"Anong weird?Cool nga eh. btw I'm Pluto Sandoval hehehe."

"Planet ka din?" gulat na sambit ni, Uranus

"Neptune Chavez, "

"Jupiter Floridan,"

"Earth Martinez."  hindi ko maiwasang matuwa akala ko lang ay Ako lang ang naiiba ang pangalan

"I'm, Saturn Gozon." may kiming ngiting wika nito

Bakas sa mga mata nila ang hindi makapaniwala at pag-ka mangha

"Venus Salidad, you can call me, Ven." halata ang pagiging masungit sa itsura nito

"I'm, Mercury and this is my twin, Mars." sambit nito, kaya naman pala mag kahawig na mag kahawig sila

"Hello po sainyo,"nakangiting wika nito halata sa mukha niya ang pagiging masiyahin. Hindi katulad ng kapatid nitong may pagkamasungit ang mukha

"Wow kompleto ang 9 planets." natatawang wika ni, Pluto "Ikaw, Miss Anong name mo? "tukoy nito sa Isa pang babaeng hindi pa nag-papakilala

" New Planet,"

" Anong new planet? may bagong planet na ba? "halatang naguguluhang tanong ni, Mars

"New Planet ang pangalan ko as in, New Planet Sanz." pag-lilinaw nito

"Seryoso ka? "hindi naniniwalang tanong ni, Pluto rito " Sinong magulang naman ang mag papangalan sa anak nila ng , New Planet."

" Magulang ko. Pangalan ko na nga diba? Saka ano bang problema mo sa pangalan ko? Bakit pinakialaman ko ba yang name mo hah?Huwag mong inaano yung pangalan ko baka bigla ka na lang sumabog yang mukha mong, Pluto ka."halatang asar na wika nito

"Chill! Masyado ka namang hot, Ms New Planet."

" Just call me, NP."masungit na sambit nito saka inirapan si, Pluto

"Nice to meet you all po." magiliw na sambit ni, Mars

"Ay tawagin niyo na lang pala akong, M para kasing kaibigan mo lang na uutang yung, Mars eh hahaha tapos itong Ate ko, Ury na lang ang itawag niyo sakanya." naka ngiting wika nito mukhang nasiyahan siya hindi tulad ng kakambal nitong seryoso

"Ayos lang sa'kin kahit anong gusto niyong itawag sa'kin." sambit ni, Uranus na sinang-ayunan ng boys

Nang matapos  magpakilala sa isa't isa ay pinag-usapan nila kung saan kanya kanya nilang kwarto

Ang kambal mag kasama sa iisang kwarto na may pinaka malaking space Ika nga nila Master bedroom at ayos lang naman sa'min yun...

Sana ay maging maayos at maging close kaming lahat...

CODE University(🥀)Where stories live. Discover now