Code Case 1: Mercury Ability

11 0 0
                                    

CodeCase 1: Poisoned Friend

"Ito namang si, Ven lagi na lang magkasalubong ang kilay, masyado mo namang pinapakitang ayaw mo kaming kasabay."reklamo ni Pluto rito

Nasa Cafeteria 3 sila ngayon, ang Cafeteria malapit sa Building Block nila Earth

"Who wouldn't be?"masungit na pinan-ikutan ito ng mata ni Venus "Kayo na kaharap ko every breakfast and dinner tapos kayo pa rin sa lunch."dagdag nito

"Okay 'to, para mas masanay tayo sa isa't Isa."taas babang nakangiting wika ni Uranus

"Agree po,"malaki ang ngiting wika ni Mars kabaliktaran sa kapatid nitong si Mercury na mahahalatang labang sa loob na pakisamahan ang mga kasama niya pero wala siyang choice dahil nandito ang kapatid niya

"Pero pansin niyo ba? iba ang tinging binibigay sa'tin ng ibang estudyante."nakangusong sambit ni Uranus

"Sampu ba naman tayong magkakasama,"iling na sagot ni Earth dito

"Masanay na kayong pinagtitinginan pag kasama ako,"nakangising pagyayabang ni Pluto

" Baka ang sabihin mo dahil nandito si, Neptune at Jupiter kasi ang alam ko madami sa klase at ibang klase ang nagkakagusto sakanila, idagdag mo pa 'tong si, Earth na good boy."rebunt ni Uranus rito

" Nahiya ka pa, isama mo na sarili mo."masungit na wika ni Ury dito

"Burned."natatawang wika ni Pluto

"Ingay."natigil sa pang-aasar si Pluto ng umimik si New Planet. Halata sa mukha nitong hindi ito natutuwa dahil sa kadaldalan nila

"Ako na naman nakita mo,"nakangising wika ni Pluto at mukhang handa ng maasar ng bigla itong umayos dahil sa tinging pinukol ni Planet sakanya

" Tiklop."pigil ang tawang wika ni Uranus ng makita kung pano naging maamong tupa si Pluto dahil lang sa tingin ni Planet sakanya

" Ayos ka lang ba?Wala ka ata sa mood, Planet?"nag-aalalang tanong ni Neptune rito

" I'm eating."simpleng sagot nito, napatango-tango naman si Neptune ng makuha ang nais mangyari ni Planet

" Lesson learned; Huwag kakausapin at mag-iingay pag si, New Planet ay Kumakain."pabirong wika ni Pluto

"Kalalaking tao ang ingay ingay kumain."singhal ni Mercury rito

" Kumain kana lang kasi, tatlo na silang bumara sayo, oh."pigil ang tawang wika ni, Earth dito

Halos hindi maipinta ang mukha ni Pluto habang Kumakain lalo na't hindi ito sanay sa tahimik na mesa

Napataas ang kilay at nakatingin lang si Pluto kay Jupiter ng lagyan nito ng pagkain ang plato ni New Planet

Wala ba talaga siyang gusto kay, Planet? Tanong nito sa isip habang pinagmamasdan kung paano asikasuhin ni Jupiter si Planet

"Selos ka?"mabilis itong lumingon kay Uranus dahil sa binulong nito sakanya

"Gago!"mura nito, ngunit agad ding napaayos ng upo at inosenteng ngumiti ng mapatingin sila sakanya dahil sa biglang pagmumura nito

"Don't swear in front of the food."turan ni Neptune rito

"Sorry, ito kasi eh kung ano anong sinabi."paninisi nito kay Uranus

"Luh?Bakit ako?"inosenteng tumingin ito, halatang inaasar lang lalo si Pluto

" Tama na yang asaran niyo,"pigil ni Jupiter lalo na't mukhang balak rumebunt ni Pluto rito

Walang ganawa si Pluto kung hindi pagtuunan ang pagkain nito. Namayani ang katahimikan sa table nila habang Kumakain ng mabasag ito

CODE University(🥀)Where stories live. Discover now