CodeCase 1: The Manipulator
"Thank you for coming and Welcome to Mystery Detective Club."nakangiting panimula nito habang sa harapan nito ay mahabang mesa na may tig limang upuan bawat side
Sa kaliwa ang mga babae habang sa kanan naman naupo ang mga lalaki
"Kayo lang ba ang member ng MDC kaya mo kami nirecuite?"kunot-noong tanong ni Venus rito
"Yes. The former members quit for some reason."sagot nito "Kaya gusto kong malaman kung talagang gusto niyong mapabilang sa MDC, dahil maliban sa ganitong kaso may mas matindi pa na pwede niyong masaksihan."kalmadong wika nito saka niya Isa isai tinignan ang mga ito
" Hindi lang mga ganap sa loob ng University ang hawak natin kung hindi pati sa labas."turan nito
" What do you mean?"takang tanong ni Neptune rito
" Paminsan minsan ay nakakatanggap ng case ang MDC mula sa labas ng Unibersidad. Mga kasong hindi na nila kayang hawakan o di kaya ay wala silang maitalagang hahawak sa kaso o galing sa mismong pamilya ng biktima ang hihingi ng tulong sa MDC."paliwanag nito
" They actually trust students to solve certain cases?"Hindi makapaniwalang wika ni Pluto
" Siguro nuong una ay madaming nagdududa sa kakayahan ng MDC pero hindi nagtagal dahil na din sa talagang pinagbutihan ng lahat. Unti-unting may mga nagtitiwala na sa MDC, lalo na't ang madalas na kasong nahahawakan ng MDC ay nalulutas."tugon nito
" Mostly sa mga cases na nahahawakan ng Club ay ang President ang naka resulba."sabat ni Heidi habang inaayos ang suot nitong eyeglasses
"Kung mahina ang loob niyo ay mabuting habang maaga palang ay sumuko na kayo."dagdag nito
"I already decided. I'll join this group."nakangiting wika ni Planet rito saka sinalubong ang tingin ni Keato
"Kung anong desisyon ng Isa, ay desisyon ng lahat."kalmadong tugon ni Neptune rito
"That's great!"nakangiting wika ni Keato " And as a welcome gift," may kinuha itong piraso ng papel sana nilapag sa tapat ni Planet
"Here. It's can give you clue regarding sa iniimbestigahan niyo,"nakangiting wika nito
Bumaba ang tingin ni Planet sa pirasong papel na nilagay ni Keato sa harapan niya at kinuha ito
"Anong klaseng lugar 'to?"kunot-noong turan nito
"Of course. CODE University is the widest University in this world. You just need to explore."nakangiting sagot nito
"Just try to think like you're the manipulator."tila makahulugang wika nito
"I'll go ahead. Si, Heidi na ang magsasabi ng iba pa niyong kailangang malaman."turan nito
Nakasunod lang ang tingin ng mga ito hanggang sa makalabas ito ng Office. Tumingin sila kay Heidi ng ito ang pumalit sa kinatatayuan kanina ni Keato
"Tungkol pala sa Card na binigay ko. Ang kayang iaccess lang niyan ay ang 10th floor kaya huwag kayong magtataka dahil sa likod ng pinto ay isang elevator at dahil sa Card na nilagay niyo nalaman nito kung saan kayo pupunta."panimula nito
"Tanging ang Card mula sa School Officer lang ang kayang buksan ang mga pinto sa iba pang floor at mga private place ng Unibersidad."dagdag nito
" Bakit ganun, pare-pareho lang naman tayong estudyante rito eh, bakit may special treatment na nangyayari?"nagtatakang tanong ni Earth dito
"I don't know and I never planned to know."sagot nito
"Wala ka na bang ibang sasabihin? Kasi kung wala na aalis na kami."sambit ni Planet dahil gusto na nitong puntahan ang lugar na nakalagay sa papel
YOU ARE READING
CODE University(🥀)
Mystery / ThrillerSampung kabataan ng hahanap ng hustisiya para sa kanya kanyang magulang Tanging isang papel na nag lalaman ng kung ano ang tanging nag bibigay ng clue kung ano ba talaga ang totoo sa likod ng pag kakapatay ng kanilang magulang Sampung kabataan na ii...