CODE: Meritorious 3

19 1 0
                                    

CODE: He's the Genius

"Pinagpuyat tayo at pinahirapan para lang sabihin na pumunta tayo ng office, pwede namang sinabi na niya lang diba?"reklamo ni Pluto, kasalukuyan nilang tinatahak ang daan papunta sa building

"It's a challenge, did you forget what he said?"irap ni Venus dito, kanina pa kasi ito naririnding ang panay reklamo nito

"Bakit ang aga nating pumunta? Inaantok pa ako."nakasimangot na turan ni Saturn

"Pwede ba manahimik kayo? Ang aga-aga pero ang ingay niyo na."kunot na kunot ang noong turan ni Mercury, halatang kulang sa tulog dahilan para madaling mairita

"Huwag ka ng makipag-asar, pare-parehong kulang tayo sa tulog."pigil ni Jupiter dito ng mapansing balak rumebunt nito

"Matino ang isip ko pero ako'y sabog na,"nagtatakang lumingon sila kay Pluto ng kumanta ito

"Alam ko ang tama't mali pero ako'y sabog na,"tuloy nito, nagtatakang sinundan nito ang tinitignan niya lalo na pag kinakanta nito ang Sabog na

"Ako ay natutuliro, alam mo ba?"napailing na lamang si Neptune ng mapagtantong inaasar nito si New Planet na kanina pa tahimik at parang wala sa sariling nakasunod lang sakanila dahil sa kakulangan ng tulog

"Kasi ako'y sabog na, ako'y sabog na, ako'y sabog n—"napailing at napabuntong hininga na lang ito ng bago pa matapos ni Pluto ang kinakanta nito ay nasa harapan na nito si New Planet at walang sabi sabing sinubo ang papel na hawak nito sa bunganga ni Pluto

"Masarap?"nagpipigil ng tawang tanong ni Uranus dito

"Ayan asar pa more."natatawang turan naman ni Saturn dito

"Isang ingay mo pa, hindi na lang papel ang ipapakain ko sayo."seryosong babala ni New Planet rito

"Asarin mo na kasi lahat, huwag lang yung kulang sa tulog."iiling-iling na wika ni Earth dito. Ngumisi lang si Pluto sakanila

"Where's the card key?"tanong ni Venus habang nakalahad ang kamay halatang hinihintay na ibigay ito sakanya

" Here."nakangiting binigay ni Neptune ang card key dito at agad namang swipe ni Venus ito sa may parang screen lock

"Hindi ba kayo nagtataka bakit tayo pinapapunta rito sa office? Hindi lang yun, ang mismong Joker pa ang nagpapapunta sa'tin rito."sambit ni Jupiter, habang nasa elevator sila

"Wala akong maisip na pwedeng dahilan, maliban na lang dun sa sinabi ni, Keato na gusto tayong subukin ng Joker." Tugon ni Neptune rito

" Hindi kaya makikipagkita sa'tin ang Joker?"haka-hakang sambit ni Earth

" Sa anong dahilan? Hindi basta basta nagpapakita ang Joker sa kahit sino, saka kung sakali man bakit niya tayo gustong makita?"taas kilay na sambit ni Venus rito

"Pero isipin niyo yun, ang daming nangyari simula ng lumipat tayo rito."sambit ni Uranus

" It seems normal to them, They act like nothing happens."sambit ni Mercury "Like no one died at all."dagdag nito

"Kaya nga po, parang sanay na sanay na po silang may nangyayaring ganito."sangayon ni Mars dito "Yung iba nga po parang wala ng pakialam eh,"dagdag nito

" We're transferees and this University is full of mystery, a secret, a sinner and so on."Venus, mumble

"Parang lahat ng student dito ay may kanya kanyang tinatagong sekreto, kaya hangga't maaari ay piliin niyo ang pagkakatiwalaan niyo."sambit ni Jupiter

" Or more like, don't trust anyone."sabat ni Saturn

"Makisama na lang tayo sa mga student dito para wala tayong problema."sambit ni Uranus "Mas maganda kung may maging kaibigan ka na matagal ng nag-aaral dito, yung maraming alam tungkol sa University natin."dagdag nito

CODE University(🥀)Where stories live. Discover now