CODE: Ace's chosen Auxiliary
"Hindi ka titigilan ng mga ulupong ng lalaking yun, hangga't hindi ka nagpapakita sakanya."iling na wika ni Uranus
"Bakit ba tinataguan mo yun?"takang tanong naman ni Earth
"Nakalimutan niyo na ba yung ginawa niya? Bakit naman gugustuhin na magpakita ni, Ury sakanya."sabat ni Saturn
Tinapunan ko lang sila ng tingin saglit bago bumalik sa pagkakatitig sa kawalan
Ilang araw na rin kasing may nga student na panay ang sunod sa'kin, minsan pa nga ay sinisira nila ang gamit ko or kahit ano para lang siguro pansinin ko sila
"Huwag mong hintaying pati ang kapatid mo maisipan niyang idamay dito."nag-angat ako ng tingin kay Venus ng marinig ang sinabi nito
She really likes a queen, the way she sits and the way she looks at you
"Hindi malabong gawin nga niya yun."Sangayon ni Saturn sakanya
"If our hunch are right, it's gonna be a goodnews for you. It's like you gain power and authority."nakangising sambit nito
Hindi ko alam kung bakit tila pakiramdam ko hindi siya natutuwa sa isiping yun
"It could be your play card,"imik ni Jupiter "May advantage ang pagiging Auxiliary mo."dagdag nito
"Nagkataon lang na maling officer ang pumili sayo."natatawang sabat ni Pluto, what's funny?
"Talk about this with your sister,"masuyong wika ni Neptune habang may magaang ngiti sa labi "She seems like your advicer."
"Oo nga noh? speaking. Bakit wala si, Mars at Planet?"nagtatakang tanong ni Pluto
"Nakita kong magkasama silang umalis eh, pero hindi naman sinabi kung saan pupunta."turan ni Earth
Umalis si Mars?Akala ko nasa likod siya ng Dorm House namin dahil nandun naman siya madalas tumambay
Wala rin siyang sinabing may pupuntahan siya at kailan pa sila naging malapit ni New Planet?Bakit parang hindi ko naman napansing nag-uusap sila?
"Aba ayos! Mga hindi marunong magpaalam."iiling-iling na sambit ni Uranus
Hindi ko maiwasang mag-alala, Hindi ako sanay na umaalis si Mars ng Hindi ko alam ng hindi siya nagpapaalam
Pano kung may mangyari sakanya?Bakit ba hindi niya sinabi sa'kin kung saan siya pupunta?
" She's gonna be okay,"tatayo na sana ako para hanapin siya ng marinig ang sinabi ni Pluto
" She's safe and she can take care of herself. You worry too much, Ury."napatitig lang ako rito, Hindi alam kung bibilib ba ako sakanya dahil parang nababasa niya nararamdam ko o maiinis dahil pinapakialaman niya ako
" Saka for sure naman hindi siya pababayaan ni, Planet."malaki ang ngiting wika nito habang naka peace sign pa
He's so gay and loud
"Tsk."inirapan ko na lang ito saka tumayo, pero instead na lumabas para hanapin si Mars ay nagtungo na lang ako sa kwarto namin
Baka may makita akong notes dun na iniwan niya at hindi ko lang napansin kanina
"Gusto mo bang samahan kita papunta sa office niya Ate?"nag-aalalang tanong nito "Sa tingin ko naman ay wala siyang balak na masama eh, saka malay mo narealize na niya yung mali niya."dagdag nito
"Hindi ko alam, M pero sa oras na puntahan ko siya wala na akong ibang pagpipilian kung hindi tanggapin na magiging taga sunod niya ako."pag-amin ko rito

YOU ARE READING
CODE University(🥀)
Mistério / SuspenseSampung kabataan ng hahanap ng hustisiya para sa kanya kanyang magulang Tanging isang papel na nag lalaman ng kung ano ang tanging nag bibigay ng clue kung ano ba talaga ang totoo sa likod ng pag kakapatay ng kanilang magulang Sampung kabataan na ii...