" Taste Me Buddy " ( CHAPTER ONE ) Dormitory Series #2

3 1 0
                                    

DORMITORY SERIES: Taste Me Buddy
— SEM BREAK — [ CHAPTER ONE ]

               isang magandang umaga ang bumungad kay qeria marahil ngayon ay nasa probinsya siya at kasama ang mga magulang niya dahil sem break ngayon. habang kumakain sila sa hapag ay napag-usapan ng pamilya nila na gusto nilang ilibot si qeria sa laguna marahil matagal tagal na din itong hindi nakabalik sa laguna.

“ ma? pano kung ipasyal natin ’to si kie dito sa laguna? matagal tagal na din nung huli niyang makapasyal dito. ” tanong ni andrie na papa ni qeria. “ ikaw bahala pa‚ eh ikaw kie? baka gusto mo? total wala padin akong trabaho hanggang sa makalawa. ” sabi naman ni shara na mama ni qeria.

“ kayo po bahala‚ alam niyo naman na palagi akong G. ” saad ni qeria sabay ngiti. “ sa hidden valley anak? fave place mo ’yon nung bata ka. ” saad ni andrie. “ sige po, papa. ” pagsang-ayon naman ni qeria. “ oh sya‚ bilisan niyo nang kumain para makapaghanda pa tayo. ” usal naman ng mama ni qeria. “ ikaw din po ma. ” sabi ni qeria sabay tawa.
_____________

qeria’s pov.

“ hala‚ nasaan na yung mga gamit ko dito? ay teka? ahh... ang tanga tanga mo talaga qeria‚ bakit ko ba iniwan ’yon? ano nang isusuot ko nito? ” sumbat ko marahil maling maleta pala yung nadala ko kaya wala akong kadamit-damit ngayon.

“ handa kana‚ nak? ” tanong sa ’kin ni mama. “ eh... kasi ma... na-naiwan ko yung mga gamit ko. ibang maleta po yung nadala ko. ” mangutal-ngutal kong sabi kay mama.

“ ha? eh pano na ’yan? ” pag-aalala ni mama. “ ’wag nalang po kaya tayong tumuloy ma? ” sabi ko kay mama. “ ano? hindi p'wede anak‚ manghiram ka nalang muna sa mga damit ko. ” sabi ni mama.

“ talaga ma? sige po. ” pagpapasalamat ko kay mama at sumama papuntang kwarto niya para maghanap ng damit na kakasya sa ’kin.

ilang oras na ang lumipas ay wala parin akong mahanap na damit ni mama. bakit ba ayaw magkasya sa ’kin ’to? “ mama‚ pano na ’yan walang nagkakasya sa ’kin... ” sabi ko sabay simangot. “ ’wag kang mag-alala‚ nak. ” sabi ni papa habang may dalang mga damit.

“ papa? ” mahinahong sabi ko. “ oh ito‚ hiniram ko kay leo. ” saad ni papa. “ leo? sino po ’yon? syaka bakit may mga pambabae siyang mga damit? ” tanong ko kay papa habang tinitignan ang mga damit kung may kakasya ba sa ’kin.

“ privacy nalang nak. ” sabi ni papa. “ okay po... ” pagintindi ko. “ nakauwi nadin pala si leo, pa? ” tanong ni mama kay papa. “ ah... oo‚ kagabi lang din. buti nga pinahiram niya ’tong mga damit niya eh. ” sagot naman ni papa. “ sino po ba ’yung leo na ’yan? ” tanong kina mama at papa kung sino ’yon.

“ anak ng tita mikay mo. ” sagot naman ni papa. “ ni tita mikay po? akala ko po ba hin...di na magkakaanak si tita? ”  mahinahong tanong ko kay papa. “ ’yon nga eh‚ adopted son niya si leo. ” sabi ni papa. ah... kaya pala hindi siya pamilyar sa ’kin.

“ ahh... ” tanging nasabi ko at tumango na lamang. “ oh‚ leo? bakit may kailangan ka? ” tanong ni papa kay leo. habang ako ay namimili parin ng damit na aking susuotin. “  may pinabibigay po kasi si mama‚ tito. ” sagot naman ni leo.

“ ay‚ hala paki sabi salamat. nag abala pa kayo. ” pagpapasalamat ni mama. “ wala po ’yon tita. ” sagot niya kay mama sabay tingin sa ’kin. “ ah... leo‚ ito pala si kie‚ nagiisang anak namin. ” pagpapakilala ni papa sa ’kin. “ kie‚ anak‚ ito naman si leonel‚ anak ng tita mikay mo. ” pagpapakilala din ni papa kay leo.

“ ganon po ba‚ nice to meet you. ” pagbati ko sa kaniya sa mahinang boses lamang. “ nice meeting you too. ” sagot niya sabay hand shake sa ’kin. “ oh sya‚ ihahanda ko muna itong mga gamit ko. ” saad ni mama pagkatapos ay iniayos na ang mga dadalhing gamit.

“ dito po muna ako tito‚ ako lang po kasi mag-isa sa bahay‚ kakaalis lang po kasi ni mama. ”' usal ni leonel pagkatapos ay tumingin ulit sa ’kin. “ ano bang problema ng lalakeng ’to? kung makatingin kala mo naman. ” mahinahong sabi ko at inirapan siya. “ may sinasabi ka? ” tanong niya sa ’kin.

“ a-ako? ” pagkukunwari ko. “ ah hindi‚ si kie kausap ko. ” usal niya. ha? ano raw? walang hiyang humor naa ’yan‚ mukhang hindi kami magkakasundo ng lalakeng ’to. “ ikaw lang naman pala mag-isa sa bahay niyo‚ edi sumama ka nalang sa ’min‚ para hindi ka ma bored. ” pag-aaya ni mama kay leonel.

“ talaga po tita? ” tanong ni leonel. “ aba! gusto niya din talaga oh‚ pwede naman siyang mag-stay sa bahay nila eh. galing talagang makisawsaw. ” sumbat ko sa aking isipan. “ oo naman no‚ kunin mo nalang mga gamit mo dun sa inyo. ” sabi ni mama habang nilalagay na sa lagayan ang mga dadalhing naming pag-kain. “ sige po tita. ” saad ni leonel sabay ngiti. “ lake ng ngiti ah... tsk! ” sumbat ko ulit sa aking isipan.

bakit ba pagnakikita ko yung lalakeng ’yon naiinis ako. parang nakita ko na siya dati sa manila eh‚ di ko lang maalala... pero bahala na‚ di naman ako sure eh.
__________

To be continued...

Originally written by: thepenofljba

୨•୧—ljba’s note:
                  grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.

d – i – s – c – l – a – i – m – e – r – s :

✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author’s imagination‚ or use in fictitious manner.  any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.

" Taste Me Buddy " Dormitory Series #2Where stories live. Discover now