" Taste Me Buddy " ( FINAL CHAPTER ) Dormitory Series #2

4 1 0
                                    

DORMITORY SERIES: Taste Me Buddy
— THE TRUTH HURTS — [ FINAL CHAPTER ]

nasa hospital na ngayon si qeria at nagsisidatingan na ang kaniyang mga kaibigan. maya maya ay lumabas na ang doctor. “ doc? okay na po ba siya? ” tanong ni kelly. “ wala naman po sigurong nangyaring malala sa  kaniya. hindi po ba? ” usal ni jelisha.

“ i’m really sorry‚ wala na yung baby sa sinapupunan niya‚ masyadong malakas ang pagkatama niya sa sasakyan at pagkalaglag matapos ng pangyayari.” sabi ng doctor. '“ ms. qeria sciedre‚ also have amnesia‚ mga past lang yung maaalala niya‚ wala na sya masyadong maaalala sa mga currently memories niya. i’m sorry. excuse me. ” dagdag pa ng doctor.

“ ano? girls hindi pwede...” usal ni jelisha. “ wag kang mag-alala jeli‚ maaalala niya pa tayo. ” pagpapatahan ni kelly. “ pwede na po bakaming pumasok? ” tanong ni gwen sa nurse na kakalabas lang galingsa loob. “ yes po ma'am!” sagot naman ng nurse kaya agad naman silang pumasok sa loob para makita ang kanilang kaibigan.
___________

leonel’s pov.

“ nagka-amnesia po siya? ” tanong ko kay tito‚ pano? bakit? bakit di niya sinabi sa ’kin? “ oo... kase... nasagasaan siya‚ sa pagkakaalam ko ’heaven’ daw yung pangalan ng nakabunggo sa kaniya dati. ”  sabi ni tito at umupo sa aking tabi. “ according to her friends lang ’to ah‚ i’m not sure. ” dagdag pa ni tito.

napaisip nalang ako kung nandoon sana ako nung mga panahon na yon‚ siguro... kilala pa niya ako ngayon.  “ salamat po sa pagsabi tito. ” pagpapasalamat ko kay tito. “ oh sya‚ halikana‚ ihanda mo nang mga gamit mo para makaalis na tayo‚ ” sabi ni tito.

habang inaayos ko ang mga damit ko may nakita nalang akong isang larawan‚ at ang larawan na ’yon ay kaming dalawa ni qeria na masayang masayang magkasama nung panahon na okay pa. “ ako ba at ikaw ’yan? ” nabigla nalang ako nang may nagsalita sa likod ko kaya naman napa lingon at tumayo ako.

“ ah... oo‚ ” sagot ko sa kaniya. “ may nakaraan pala talaga tayo? ” tanong niya sa ’kin sa mahinang boses lamang. “ kung naaalala mo lang. ” tanging nasabi ko. “ ganiyan ba tayo kasaya dati? ” tanong niya sa ’kin. ang sakit lang isipin na yung taong minahal at inalagaan mo ay bigla nalang dadating sa punto na di kana niya maalala ng bigla bigla.

“ oo... kaso nag-iba ’yon dahil... nakita mong hinalikan ako ni heaven nun. ” pagsisimula ko ulit mag-kwento habang naiiyak na. “ ’ wag kang umiyak‚ pwede mo naman akong tulungan sa pagbalik ng mga nawala kong alaala‚ kwentuhan mo lang ako... para may maalala na ako kahit hindi lahat. ” sabi niya sa ’kin habang umiiyak pa din ako.

“ ... ” hindi na ako nagsalita dahil alam kong malabo paring magbalik  ang mga alaala niya‚ pero hindi ko siya susukuan. habang umiiyak ako sa harap niya ay niyakap niya nalang ako “ tahan na... maaalala din kita‚ ” sabi niya at tinapik tapik ang aking likuran habang ako’y umiiyak pa din.
_________

leonel’s pov.

nasa sasakyan na kami‚ sa kalagitnaan ng pagbabyahe namin ay bigla nalang naubusan ng gas si tito. kaya naman huminto muna kami sa may gas station para magpa-gas. lumabas muna kami sa sasakyan at pumunta muna sa malapit na seven eleven si tita para bumili ng yelo sa ginawa namin gulaman. ako nalang at si qeria ang natira sa loob‚ ngunit maya maya ay lumabas din siya dahil naboboring daw siya.

“ saan ka pupunta anak? ” tanong ni tito kay qeria. “ jan lang po‚ ” sagot naman ni qeria. habang naglalakad siya ay may nakita siyang isang bata sa kabilang kalsada‚ umiiyak ang bata kaya nilapitan niya ito‚ bago pa siya nakalapit sa bata ay napahinto siya sa gitna nang makita niya ang sasakyan na ambilis magpatakbo ng sasakyan.

“ QERIAA! ” tumakbo ako at itinulak ko siya papunta sa kabilang kalsada kaya ako ang nasagasaan ng sasakyan‚ hindi siya nasagasaan ngunit napalakas ang tulak ko sa kaniya kaya nabagok ang ulo niya sa may poste at dumudugo ito.

“ qeria... ” tanging nasabi ko at nahihirapan pang tumayo‚ nakita ko ang babaeng nagmamaneho sa sasakyang nakabangga sa ’kin‚ ’yun ay si heaven ang ex-girlfriend kong hanggang ngayon ay hindi parin ako tinatantanan.
___________

Originally written by: thepenofljba

୨•୧—ljba’s note:
                  grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.

d – i – s – c – l – a – i – m – e – r – s :

✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author’s imagination‚ or use in fictitious manner.  any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.

" Taste Me Buddy " Dormitory Series #2Where stories live. Discover now