" Taste Me Buddy " ( SPECIAL CHAPTER ) Dormitory Series #2

2 1 0
                                    

DORMITORY SERIES: Taste Me Buddy
— HAPPY ENDING DOES EXIST — [ SPECIAL CHAPTER ]

“ leon? bakit mo ginawa ’yon? ” mangiyak ngiyak na sabi ni heaven at lumapit sa akin. “ ano bang problema mo? gusto mo ba talaga siyang mamatay? ” nanggigil na sabi ko sa kaniya

“ ’wag mo ’kong hahawakan‚ ” dagdag ko. “ ayoko lang naman kasing mawala ka sa ’kin eh‚ bumalik kanalang  kasi sa ’kin leon‚ please...” pagmamakaawa niya sa ’kin. “ sa tingin mo matitiis ko pa ang ugali mong ’yan‚ ni hindi ka nga natatakot makapatay eh! pangalawang beses mo nang ginawa ’to sa kaniya‚ diba!? ” sumbat ko sa kaniya

“ a-anong ibig mong sabihin? h-how? ” mangutal ngutal niyang sabi at dahan dahang tumayo at aakmang aalis na sana siya nang nagsidatingan na ang mga pulis para hulihin siya. “ ikaw po ba si ms. heaven? you're under arrest sa pagkakasalang pagtangkang pagpatay kay ms. qeria. you have the right to remain silent. anything you say can and will be used against you in a court of law. you have a right to an attorney. ” sabi ng isang pulis at inaresto si heaven.

“ leon! leon... ” sigaw ni heaven. nang makatayo ako ay nakita ko nalang si qeria na naluluha habang nakatayo at tinitingnan ako. “ qeria... ” sambit ko sa pangalan niya. “ ... leon... ” tawag niya sa ’kin at umiiyak‚ kaya nilapitan ko siya at niyakap. “ ... leon‚ ” paulit ulit na sambit niya sa pangalan ko. “ oo kie‚ nandito lang ako‚ ” tanging nasabi ko. “ ’wag mo na ulit akong iiwan‚ ” umiiyak na sabi niya. “ naaalala mo naba ako? ” tanong ko sa kaniya at tiningnan siya sa mga mata. “ oo‚ naaalala ko na ang lahat. ” sagot niya sa ’kin kaya napaiyak nalang ako at niyakap siya ulit.

“ nakakaalala na siya pa‚ ” sabi ni tita. “ masaya ako para sa kanila‚ ” sabi naman ni tito. “ ma‚ pa‚ nakakaalala na ako‚ ” sabi niya at niyakap ang mga magulang niya.
__________

leonel’s pov.

nasa griego park kami ngayon ni qeria at naglalakad lakad lang. “ so... bakit mo nga ako iniwan nun? ” tanong niya sa ’kin at pinagpatuloy ang paglalakad. “ kaya kasi ako pumunta sa dorm mo nun... para sabihin sa ’yo na pupunta ako sa australia‚ gusto kong magpaalam sa ’yo kaso sinundan ako ni heaven‚ at ayon nagtalo kami... hindi ko naman inaasahang hahalikan niya ako‚ at sa harap mi pa talaga. kaya i’m sorry. ” pagpapaliwanag ko sa kaniya.

“ kaya pala... eh bakit di mo siya binalikan? syaka bakit kailangan mo pang magpaalam eh... wala namang tayo nun‚ ” tanong niya sa ’kin. “ kasi hindi ko siya gusto‚ naka-chat ko lang siya sa chat-gram... baliw lang talaga siya sa ’kin. ” pagbibiro ko sa kaniya. “ nararamdaman kong genuine ’yung feelings niya para sa ’yo. ” seryosong sabi niya.

“ ano kaba‚ bakit pinipilit mo siya sa ’kin. ” sabi ko sabay ngiti. “ pinipilit ba kita? sorry ah. ” pangiinis niya sa ’kin. “ sya nga pala‚ ito...” sabi ko sabay bigay sa kaniya ang kwintas na may nakasulat na ‘ KieLeo ’ pinaghalong pangalan ko at nickname niya.

“ ano ’to? ” tanong niya sa ’kin. “ para sa ’yo‚ pag hindi mo ’to tinanggap... magtatampo ako‚ ” paglalambing ko sa kaniya. “ sige‚ isuot mo sa ’kin. ” sabi niya kaya naman isinuot ko sa kaniya ang kwintas na aking binigay sa kaniya. “ bagay ba sa ’kin? ” tanong niya at pomose-pose pa. “ sa tingin ko... mas bagay tayo‚ ” sabi ko sabay ngiti sa kaniya. “ sira! ” tumawa na lamang siya.
__________

matapos nang nangyari ay naging sila at naging maganda ang pagsasama nila. lumipas ang limang taon‚ nakapag-tapos na si qeria sa koleheyo‚ at ngayon ay isa na syang ganap na guro. natupad na ang pangarap niya at nagsisimula na nang bagong masayang buhay.

ngayon ay July 3‚ 2023 at ikinasal na siya kay leonel at masayang namumuhay ng magkasama ng walang pangangamba.

The End.
____________

୨•୧—ljba’s note:
                  grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.

d – i – s – c – l – a – i – m – e – r – s :

✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author’s imagination‚ or use in fictitious manner.  any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

" Taste Me Buddy " Dormitory Series #2Where stories live. Discover now