<44|>73|2 I.L
[ New Planet POV ]
Nakaharap ako body mirror dito sa kwarto ko habang tinutupi ang sleeve ng Uniform namin hanggang sa siko
A baby blue sleeve na pinatungan ng dark blue Jewel sleeveless na may nakalagay na CODE sa bandang dibdib and a dark blue skirt above the knees pair with high heels ankle
Pero kada Monday lang isusuot ang School Uniform sa next day kanya kanyang taste of fashion na
Nang matapos na akong mag-ayos ay kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto, at nag-tungo sa kitchen table for breakfast
"Good morning, Bago."malaki ang ngiting bati sa'kin ni Pluto hindi ko mapigilan ang sariling irapan ito ng maalalang ang aga-aga niya akong ginising
"Walang good sa morning kung boses mo naman ang unang maririnig ko."walang ganang tugon ko rito saka naupo sa tabi ni Venus
"Enjoy your breakfast."nakangiting wika ni Neptune saka nilapag sa gitna ng mesa ang ulam
"Angas mo talaga, Neptune marunong kang magluto."nginitian lang ni Neptune si Uranus
"Jupiter, also help me to prepare our food."nakangiting wika nito, nagkibit balikat naman si Jupiter
"Salamat po sa breakfast."nakangiting wika ni Mars magkaibang magkaiba talaga sila ng ugali ng kakambal nitong si Mercury dahil hindi ito pala salita at hindi pala ngiti
"Anong Division Folk kayo?" tanong ni Pluto habang nasa kalagitnaan sa pagkain
"D. F Yankee ako, Ikaw ba?"balik tanong ni Earth dito
"D.F Foxtrot."wala sa oras na nasamid ako ng marinig ang sagot nito. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Jupiter
"Grabe ka naman makareact."tila nasasaktang wika ni Pluto naikinangiwi ko na lang
"Division Folk Tango,"nakangiting sabat ni Saturn
" I'm done, mauuna na ako. Thank you sa breakfast."turan ni Venus saka tumayo at umalis na
"Mauuna na rin po kami,"nakangiting paalam ni Mars habang ang kapatid naman nitong si Mercury ay basta na lang umalis
"Ingat kayo."nakangiting wika ni Neptune sakanila
Binilisan ko na ang pagkain dahil bukod sa ako na lang ang naiwang babae ay ayaw ko ding makasabay sa pagpasok ang kutong lupang Pluto na yan na walang ibang ginawa kung hindi bwisitin ako
"Dahan dahan baka masamid ka ulit."may ngiting kalmadong wika ni Jupiter hindi ko tuloy maiwasang mapalingon rito
Napakunot ang noo ko ng mapansing nakatitig ito sa'kin
"Hoy! Baka matunaw yan!"natatawang sita ni Pluto sakanya dahilan para mag-iwas ito ng tingin sa'kin
"Selos ka lang eh,"natatawang wika ni Uranus rito pigil ko ang matawa ng masamid ito
Deserve
"Namo!"pagmumura niya rito pagkatapos uminom ng tubig na inabot ni Saturn sakanya
"Una na ako. Salamat sa pagkain."turan ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin nila basta na lang akong tumayo at kinuha ang bag ko saka dirediretsong lumabas ng Dorm namin
Palingon lingon ako sa paligid habang nag-lalakad papunta sa right wings dahil nandun ang Division Folk ko
No wonder bakit ang mahal ng tuition fee na binabayaran rito dahil sagot na nila lahat. Mahal pero isang beses ka lang gagastos. Oh saan kapa diba

YOU ARE READING
CODE University(🥀)
Mystery / ThrillerSampung kabataan ng hahanap ng hustisiya para sa kanya kanyang magulang Tanging isang papel na nag lalaman ng kung ano ang tanging nag bibigay ng clue kung ano ba talaga ang totoo sa likod ng pag kakapatay ng kanilang magulang Sampung kabataan na ii...