Chapter 2

394 23 2
                                    

Year 2017, 1st Year High School

▶️: Spring Snow - 10cm
I love you 3000 - Stephanie Poetri






"Jema!" Theo Bea Bonafe, their setter, shouted, "Palo!"

Jema ran from behind. She focused on the ball, jumped at the right time, and smashed the ball.

"Nice one!" Everyone on her team celebrated. Kahit si Kyla na nasa opposing team ngayon pumalakpak dahil sa pinakita niya. Nag-wacky siya sa kaibigan dahil sa kanila ang puntos. Inirapan naman siya nito.

Kagabi, tinapos ni Jema lahat ng assignments at pending activities na pinayagan siyang iuwi dahil nga wala na siyang time para maka-attend pa sa klase nila. Mas lalo lang tuloy lumayo ang loob ng mga kaklase niya na ayon sa chismis na kinakalat nila, masyadong privileged ang mga student-atlethe na katulad nila.

But Jema can't blame them tho. Totoo naman kasing maluwag ang university sa mga student-athlete na katulad nila pagdating sa academic workloads.

Natapos ang isang set ng laro nila na may limang puntos na lamang sila Jema. Kaagad naman silang nagsama ni Kyla para sabay na mag-water break.

"Saan na 'yung seniors na sinasabi mo? Akala ko ba mago-observe sila ngayon?" Hinahapong tanong ni Jema kay Kyla. Inabot muna ni Kyla ang pink na tumbler ni Jema sa kaniya bago niya kunin ang kaniya.

Kyla shrugged her shoulders, "ay te, sinabi ko lang naman kahapon kung ano 'yung narinig ko kay Coach, 'no? Malay ko ba kung dadating talaga!"

Jema also shrugged her shoulders. "Sayang, 'di nila nakita kung ga'no ako kagaling. Mapapa-wow talaga sila."

Pabiro siyang binangga ni Kyla at umarte siyang bubugahan niya ng tubig ang kaibigan. Tumakbo naman si Jema kay Bea para magtago sa likod niya. Natawa na lang si Bonafe sa dalawa.

"Okay, okay! Gather up, everyone!" Coach Ramil whistled. Everyone gathered around him kahit 'yung ibang magbibihis pa sana.

"As I said yesterday, bibisitahin kayo ng seniors niyo ngayon." Kyla slightly bumped Jema and mouthed, "Sabi sa 'yo eh."

Nagpatuloy si Coach, "Pero hindi pa ata tapos 'yung practice nila sa kabilang gymnasium so don't expect them to come early. Baka around 3 pa sila dumating." Jema glanced at the huge clock on the wall. Alas dos na.

"Are we clear?"

Everyone shouted yes.

"I'm giving you 15 more minutes. Make sure na nakapag-bathroom break, water break, or snacks na kayo. Go back to your position after. Are we clear, everyone?"

Everyone shouted yes again.

15 minutes passed and they began another set again. With Bea as a setter, Jema seemed to have a great chemistry with her. Mas napansin niyang mas madali sa kaniya ang pumalo kapag si Bea ang setter niya.

Patuloy lang ang maganda at sunod-sunod na puntos nila dahil sa set ni Bea at spike ni Jema. Habang ang kabila ay nabubuhat ni Kyla dahil sa magandang digs at receives niya.

Sa sobrang focus ng lahat sa laro, hindi nila namalayan ang pagpasok ng anim na manlalaro.

It's them. It's their seniors.

Less of Me, More of YouWhere stories live. Discover now