ang pov po ni brian ay yung bumisita si ms. shane :")
chapter 13
nanunuod ako ng tv. nakakbugnot dito sa kwarto ko, nakahiga lang at walang mapanuod. parang babasagin ng katahimikan ang buong pagkatao ko, korni ba?
wala, namimiss ko lang boses ng asawa ko, mehehe, asawa ko talaga? ehh basta!! nami-miss ko yung boses nya, sana di na lang sya pumasok T______T
naputol yung pag iisip ko ng may kumatok at lumabas sa pinto ko si manang, "sir brian, may bisita oh kayo"
"sino po?" bumango ako sa pagkakahiga ko.
binuksan ni manang ng malaki yung pinto. sumungaw ang isang babaeng naka-dress ng red at nakita ko si shane..
anong ginagawa nya dito?
"hi brian!!" tawag nya sa akin tsaka sya lumapit sa akin, napansin ko naman ang brown bag na dala nya..
umupo sya sa tabi ko sa kama, "hi shane, anong ginagawa mo dito?"
"ah dinadalaw ka!! may nakapagsabi kasi sa akin na nilalagnat ka daw kaya kagad akong pumunta dito pagkatapos ng shift ko" ngiti nya..
nakakapagtaka lang, paano nya nalaman na may lagnat ako? kanina tinawagan ko sya para mag-subtitue sa akin, sinabi ko may pinuntahan akong importante, pero paano nya nalaman yung totoo?
at paano nya nalaman kung san ako nakatira?