Louisa's POV
"Excuse me! Makikiraan!" sigaw ko habang tinatakbo ang hallway.
May iba pa akong nabangga pero wala na akong time para mag-sorry dahil nagmamadali ako. Kahit ang matandang naka-wheelchair ay agad na napapihit paatras nang makita akong paparating.
Paglabas ko ng ospital ay tatawid na sana ako papunta sa terminal ng jeep nang biglang isang kotse ang sumulpot at muntik nang bumangga sa akin, buti na lang at nakapreno ito.
Agad na bumukas ang pinto sa driver's seat nito at lumabas mula roon si Zayn.
"Luis, anong ginagawa mo riyan? Nagpapakamatay ka ba?" inis na tanong niya na halos magdikit na ang kilay.
"Hindi pa. Pero may possibility kung hindi mo ako isasakay ngayon din!"
Naguguluhan man ay sumenyas siya sa akin na sumakay na kaya naman ganun nga ang ginawa ko. Habang nasa byahe ay hindi mapakali ang pwet ko. Wala na bang ibibilis 'tong kotse ni Zayn?
"Wait, bakit ba tarantang-taranta ka? May problema ba?" tanong niya na kanina pa walang alam maliban sa sinabi kong ihatid niya ako sa compound.
"Nalaman ko kay Hazel na ide-demolish na 'yong mga bahay sa compound namin dahil gagawing site para sa amusement park. Kaya hindi ako mapakali kasi anumang oras ngayon baka abo na lang ang matira sa bahay!"
"Don't be so dramatic. Demolishing lang, hindi sunog ang mangyayari," naiiling na wika ni Zayn.
"Hays, basta mag-drive ka na lang!"
Hindi rin nagtagal ay nakarating kami. Paglabas namin ng sasakyan ay tanaw ko na kaagad ang kumpulan ng mga tao sa may sentro.
Nang makalapit ay nakita ko ang isang babaeng mataba na may hawak na pamaypay.
Napupuno ng mga gold na alahas ang braso niya at nang magsalita ito ay nakumpirma kong siya ang kapatid ni Mr. Toyota dahil sa nag-aagwat niyang mga ngipin.
"Mamayang gabi ay magsisimula na kaming mag-demolish ng mga bahay rito kaya simulan niyo na ring maghakot ng mga gamit ninyo!" wika ni Ms. Mercedes.
"Pero matagal na kaming nakatira rito! Hindi n'yo kami p'wedeng palayasin nang basta-basta!" sigaw ng isang residente.
"P'wede, dahil ako na ang may-ari ng lugar na ito kaya may karapatan akong gawin ang gusto ko! Lahat ng nakatirik sa lupa na ito ay pagmamay-ari ko na!" tugon ni Ms. Mercedes at nagpaypay ng sarili.
"Paano kaming mga residente rito? Saan kami titira?" nag-aalalang tanong ni Ate Beng habang yakap si Buboy.
"Aba, hindi ko na problema 'yon. Kung tumira man kayo sa bukid, sa mall, o kahit sa kalsada wala na 'kong pakialam dahil hindi ko naman kayo ikayayaman. Ang magpapayaman sa akin ay ang amusement park na ipapatayo ko rito!"
Pakiramdam ko'y nag-aapoy na ang tainga at ilong ko. Wala man lang siyang awa! Nasaan ba ang utak ng matandang 'to? Nasa bagang?!
"Kaya kung wala na kayong tanong, aalis na ako. Kung ako sa inyo, magsisimula na 'kong maghakot ng gamit at lumayas na kayo rito sa lupain ko!" Tinalikuran kami ni Ms. Mercedes at sumakay sa limousine na nakaparada sa likuran niya.
Wala na kaming nagawa kundi bumalik sa kan'ya-kan'yang bahay. Pagpasok ko sa inuupahan namin ni Levi ay nilibot ko ang paningin sa maliit na sala nito. Hindi man kagandahan ang space rito ay puno naman ito ng alaala at masasayang sandali namin ni Levi.
Ang sala kung saan madalas kaming magkulitan, ang kusina kung saan ako nagluluto, banyo na palaging barado, at kahit mga ipis at daga na housemate namin ay kailangan ko nang lisanin at mag-move on.
Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko. Pinunasan ko ang sipon na muntik pang lumabas sa ilong ko at nagsimula na 'kong humikbi.
"Okay ka lang?" tanong ni Zayn na bigla na lang sumibol sa likuran ko.
Pagharap ko sa kan'ya ay hindi ko alam kung nandidiri siya o naaawa. Niyakap ko siya at sa dibdib niya ay inilabas ko ang luha na hindi ko na mapigilan.
"Shh, 'wag ka nang umiyak. Everything will be alright," bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Saan na kami titira ni Levi? Wala na kaming bahay."
"We will figure it out later. Sa ngayon, tutulungan muna kitang maghakot ng mga gamit n'yo. 'Wag ka nang umiyak."
Sa mga sinabi niyang iyon ay aaminin kong medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sinong mag-aakalang ang taong nagpaiyak sa akin noon ay ang ngayong sumasalo sa mga luha at nakikinig sa bawat hinaing ko?
Pagkatapos ng araw na iyon ay iwinaglit ko na lamang iyon sa isip ko at nag-focus sa trabaho at sa pagpapagaling ni Levi. Ilang Linggo rin siyang na-confine pero heto at lalabas na kami ngayon.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Hazel sa tabi ko habang nakatingin kami kay Levi na kinakausap ng doktor.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. "Hindi ko pa alam. P'wede bang makitira muna kami sa inyo?"
"Gustuhin ko man kayong tulungan, Isa, pero wala na ring space sa bahay, eh. Si mama taon-taon na lang yatang may dalang kapatid para sa amin. Pati 'yong mga kuya ko na may asawa at anak ay sa amin din nakatira. Pasensya ka na, ha."
Tumango na lang ako. Saang singit ko hahagilapin ang titirahan namin ni Levi ngayon?
Pagkatapos kausapin ng doktor si Levi ay pinilit kong ngumiti at sinalubong ko siya. Sabay-sabay na kaming naglakad papalabas ng ospital.
"Kuya Zayn!" magiliw na wika ni Levi at napunta rin ang tingin ko sa direksyon kung saan siya biglang tumakbo.
Nakatayo si Zayn sa labas habang nakasandal sa sasakyan niya. Mukhang kanina pa siya naghihintay rito.
"Hello, Levi pogi. Kamusta ka na, ha? Malakas ka na ba ulit?" Ginulo ni Zayn ang buhok ng kapatid ko.
"Opo! Turuan niyo na po akong mag-basketball!"
"Naku, hindi. Kakagaling mo lang, baka mabinat ka," sabat ko naman sa usapan nila.
Napunta ang tingin sa akin ni Zayn at ngumiti siya.
"Sakay na kayo. Ihahatid ko na kayo," saad ni Zayn na siyang nagpakunot ng noo ko.
"Saan mo naman kami ihahatid? Sa ilalim ng tulay?" biro ko naman.
"Sa bago niyong condo unit."
Natigilan ako sa sinabi ni Zayn. Ayaw kong mag-expect pero tama naman ang dinig ko hindi ba?
"Dalawa ang unit ko, walang gumagamit no'ng isa kaya kayo na muna ang tumira ni Levi," dagdag pa ni Zayn.
Siniko ako ni Hazel dahil tila natuod na ako sa kinatatayuan ko. Nilapitan ko si Zayn at niyakap nang mahigpit. Maging ang mokong ay natigilan din dahil sa ginawa ko.
"Salamat, sobra. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan sa lahat," wika ko.
Naramdaman ko naman na tila ngumiti siya. Pinulupot niya ang mga braso niya sa katawan ko at mas lalo akong hinapit upang yakapin.
"This is enough for your gratitude, Luis. More than enough."
***
"Welcome home," saad ni Zayn pagkabukas niya ng pinto ng condo unit.
"Wow! Ang ganda rito, Ate!" masiglang turan ni Levi at naunang pumasok sa loob.
Sumunod naman ako sa kan'ya at hindi ko rin maiwasang mamangha sa lawak ng unit. Kulay gray and white ang theme nito habang ang sahig ay black tiles.
"May nakausap na pala akong yaya na p'wedeng magbantay kay Levi kapag wala ka. Tawagan mo na lang siya sa number na 'to kapag kailangan mo siya." Inabot ni Zayn ang isang calling card sa akin at tiningnan ko ito.
"Mauna na 'ko."
Akmang aalis na siya ngunit mabilis kong hinawakan ang braso ni Zayn kaya napatingin siya sa akin.
"S-Sandali," saad ko. "Salamat ulit. Hindi mo alam kung gaano mo napasaya si Levi at ako na rin. All I can say is thank you, Zayn."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"You're always welcome. You know that I will do anything for you, I always will."
![](https://img.wattpad.com/cover/350142508-288-k485961.jpg)
BINABASA MO ANG
Bitter Than The 2nd Time Around
RomanceSi Louisa ay masikap at mapagmahal na ate sa kapatid niya. Simula nang maulila sila sa magulang ay siya na ang tumayong nanay at tatay ng nakababatang kapatid. Ngunit sa kakapusan sa pera, hindi siya nakakapagbayad ng renta at pinapalayas na siya sa...