ALAS DOSE na ng gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog, nakatitig lamang ako sa puting kisame dito sa aking kwarto.
Hindi pa rin ako pinapatulog ng mga nangyari kanina. May mga aftershock pa ring nagaganap pagkatapos ng laban namin ni Delvon.
Bumuntong-hininga ako at bumaling sa lamesa sa gilid ng aking higaan. Inabot ko ang isang gintong logo ng uniporme sa Imperium Kingdom.
"Paano ko sasabihin sa kanila na bukas na bukas ay aalis na ako para mag-aral sa Imperium?" wala sa sariling napatanong ako.
Nag-aalala ako sa magiging reaksyon nila, lalo na ni Tiya Rosalie. Baka isipin niya na ipinagpalit ko ang kaluluwa ko sa kasamaan para makapasok sa Imperium.
Napangiti ako nang titigan ko ito. The logo of the uniform in the Imperium Kingdom is an intricate and elegant design. Ang gitnang bahagi nito ay nagpapakita ng isang korona na may mga detalyadong ukit ng mga dahon ng laurel na sumisimbolo ng karangalan at tagumpay. Sa likod ng korona, mayroong isang krus na naka-krus sa isang espada, representing the strength and justice of the kingdom. Ang bawat sulok ng logo ay may mga maliit na hiyas, and the entire emblem is encircled by a ring etched with patterns of ancient Imperium symbols, suggesting a rich history and tradition.
Dahan-dahan ko itong nilapag sa lamesa. Dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok, naisipan kong bumaba at lumabas ng bahay para magpahangin.
Binuksan ko ang pinto at dahan-dahan akong naglakad pababa sa hagdan.
Paglabas ko, malamig na hangin agad ang bumungad sa akin. Naka-puting bistida lamang ako kaya natural na giginawin talaga ako. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at muling bumaling sa harapan. Maganda ang tanawin kahit na gabi na, pero mas maganda pa ito kapag sumikat ang araw.
Humampas muli ang malamig at mapayapang hangin sa paligid, ang mga dahon ng kahoy ay nagsasayawan.
The moon was my only companion in the dark, so I could still find my way around. I never expected this forest to have such hidden beauty. Before entering the forest, I passed some dilapidated houses. They were clearly very ancient. May mga tanim na rosas ngunit patay na ang mga ito, marahil dahil wala nang nag-aalaga.
Tanging ang aking mga paa lamang at tuyong dahon ang gumagawa ng ingay dito. Wala akong sapin sa paa dahil ayokong marinig ni Tiya ang yabag ng aking mga paa pababa.
I entered the towering trees while hugging myself because of the cold. I should have brought my cloak, pero nalimutan ko.
Patuloy lang ako sa paglalakad nang mapasigaw ako ng wala sa oras dahil sa sakit na aking naramdaman. Bumaba ang tingin ko sa aking paa at nanlumo ako nang makitang nakaapak ako ng matalim na pako.
"Takte, kung minamalas ka nga naman oh."
Parang ulan kung bumuhos ang pulang likido galing sa aking paa. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paa mula sa pagkakabaon sa pako. Agad akong napadaing dahil sa kirot nitong dala.
Hinintay kong maghilom ang sugat pero mas sumakit lang ang paa ko. Perhaps the nail was poisoned, as hunters use it to capture animals. Walanghiya talaga.
Tumingin ako sa unahan at napagdesisyunang bumalik. Paika-ika akong naglakad papaliko nang may marinig akong mga kaluskos sa di kalayuan. Para itong mga paang naglalakad. Imposibleng sa akin iyon dahil huminto ako nang marinig iyon.
Habang patagal ng patagal ay papalapit ng papalapit ang mga tunog na iyon, tila ba papunta ito sa kinaroroonan ko. Kahit paika-ika ako, binilisan ko pa rin ang paglalakad.
Ang tunog ng mga paang iyon ay mas lalong naging malapit kaya sa pagkakataong ito ay paika-ika na akong tumatakbo, hindi alintana ang sugat at hilo na natamo. Lumihis ako ng daanan, hindi ko na alam kung saan pa ang daan pabalik sa bahay. Basta ang alam ko lang ay tumatakbo ako.
YOU ARE READING
Crimson Dawn
VampireAstralla was introduced to the harsh reality of her world at a young age- a vampire world in which those who did not belong to the Imperium Noctis were considered criminals or, worse, terrifying monsters. Determined to change her fate, she vowed tha...
