AGAD kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ang pagtigil ng kalesang sinasakyan ko.
"We're here," rinig kong sabi ng driver sa labas.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang lalaki at kinuha nito ang mga gamit ko. Sumunod naman akong bumaba. Grabe, hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa loob ng biyahe.
My jaw almost dropped upon seeing the academy. I didn't expect na ganito kaganda ito. The black and gold gate alone looked incredibly expensive and grand. At first glance, I knew right away na hindi basta-basta ang lugar na ito. It was the center of power and knowledge.
Tumalikod ako upang magpasalamat sa naghatid sa akin, but all I could see was the carriage speeding away.
Napabuntong-hininga ako at kinuha ang mga gamit ko sa lupa. Hindi ko alam na ihahatid pa pala talaga ako dito sa harapan ng gate ng academy; akala ko'y sa labas lang ng Imperium Kingdom. Sayang, balak ko pa naman sanang maglibot sandali.
I stood in front of the gate, watching a few students approach the entrance. Napahigpit ang hawak ko sa maleta ko. This was my final chance to go back and live peacefully in Aetheviel.
However, it was also my last chance to change not only my life, but the lives of the struggling vampires outside. My last chance to change the law and allow those children to enter Imperium Academy. Huminga ako ng malalim at napagdesisyunang pumasok na.
Agad akong napanganga sa ganda ng interior ng academy. May mga puno sa loob ngunit hindi naman ito parang gubat kung titignan. Napaka-elegante tingnan ng paligid. May mga nakikita pa akong mga estudyanteng kakapasok lang; bukas pa kasi ang simula ng pasukan dahil pinabalik ng Imperium ang mga estudyante sa kani-kanilang kingdom dahil may inayos sila sa academy.
Lakad lang ako ng lakad habang nagdadasal na sana ay makita ko na ang dorm ko. Sa laki ba naman kasi ng academy, paniguradong mawawala talaga ako dito.
May mga nakakasabay din akong ibang estudyanteng naglalakad. Gusto ko sanang magtanong kung alam ba nila kung saan banda ang dorm ko pero nung tatanungin ko na sana ay tinitigan lang ako nito mula ulo hanggang paa at umalis.
Agad akong napatigil sa paglalakad nang mapansing lumalayo na ako sa mga estudyante; ako na lang ang naglalakad dito sa hallway patungo sa isang bench katabi ang isang napakalaking kahoy. Puto! Nawala na ba ako?
Dahil sa pagod ay umupo muna ako sa bench at nilapag ang mga gamit dahil sa sakit ng aking kamay. Hihilutin ko na sana ito nang may maramdaman akong mabilis na paparating sa akin.
Instinctively, I leaped up from the bench, my body moving on its own accord. With a swift motion, I snatched the arrow from the air, my fingers closing around it with precision.
My heart raced as I turned to face the direction it had come from. Agad kong nakita ang lalaki at batang babae na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.
With a furrowed brow, I examined the arrow in my hand, my mind racing with questions. Who would dare to send an arrow at me? Ano ako? Hayop?!
Agad na tumakbo ang batang babae papalapit sa akin, nakasuot ito ng mala-prinsesang damit. Meanwhile, a man around my age followed behind her, dressed in an elegant uniform with gold decorations. It was clearly made of the finest fabric, and the design reflected his high status.
Napatitig ako dito. He was tall, broad-shouldered, and appeared strong. His black hair was neatly styled and appeared unaffected by the wind. His poker face and cold stare sent a strange shiver down my spine, as if his eyes were piercing my soul.
"H-hala.. ayos lang po ba kayo?" tanong ng batang babae nang makalapit ito sa akin, ang kanyang mukha puno ng pagtataka at pag-aalala. Sasagot na sana ako nang magsalita ito ulit.

YOU ARE READING
Crimson Dawn
VampirosAstralla was introduced to the harsh reality of her world at a young age- a vampire world in which those who did not belong to the Imperium Noctis were considered criminals or, worse, terrifying monsters. Determined to change her fate, she vowed tha...