I BREATHED a sigh of relief after putting on my uniform for the first day of class. Nakakamangha nga naman talaga ang paaralang ito dahil kumpleto at libre lahat para sa mga estudyante, maliban sa mga nasa labas ng palasyo.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang aking kabuuan sa malaking salamin sa kwarto. This mirror serves not just as a reflection of physical appearance but as a portal to understanding one's inner self.
Bagsak ang hanggang likod kong buhok, habang naka-nguso naman ang aking kulay rosas na labi. The uniform includes a red double-breasted jacket and a gray skirt. The jacket has a collared neck and black buttons down the center for closure. Ang mahabang manggas naman ay may dalawang itim na butones sa bawat dulo.
Napahawak ako sa kwintas na nasa leeg ko. Bata pa lang ako suot-suot ko na ito, bigay daw kasi ito ng mama ko nung mamatay siya habang pinapanganak ako, kaya nga ayokong ipagdiwang nila tiya at Lucio ang birthday ko dahil mas gusto kong pang puntahan nalang ang puntod ni mama.
"Astralla...? Sandali, ang taas ng pangalan mo. Take two," rinig kong tawag ni Donna na para bang kausap nito ang sarili.
"Astra?" pag-uulit nito.
Nilingon ko ang orasan na nasa pader. Ala sais na, maaga daw kasi kaming papasok ngayon para hanapin ang room namin.
Napagitla ako nang biglang bumukas ang pinto, dumungaw si Donna dito habang nakangiti. "Ready ka na? Tara na?" tanong niya.
"Susunod ako... aayusin ko lang yung mga gamit ko."
Ngumiti itong muli bago tumango at sinara ulit ang pinto. Napabuga ako ng hangin at inayos ang mga gamit ko sa bag. Kinuha ko ang isang papel na kulay ginto na naglalaman ng room kung saan ako napabilang.
"Room E," basa ko dito.
Pagkalabas ko ay naabutan ko si Donna na kumakain na naman ng lollipop habang tinitignan nito ang kanyang relo. Nang marinig niya ang pagsarado ng pintuan ay bumaling ito sa akin at ngumiti nang napakalaki. Kagaya ko, naka-uniform din siya, ang buhok nito na naka-pigtails at ang mukha nitong naka-makeup.
Nang makalabas kami sa dorm ay agad itong tumigil sa paglalakad at tinignan ako. "Anong room ka, Astra? Baka classmates tayo!" tanong nito habang nagniningning ang mga mata.
Oh god, kahit doon na lang po sa room ay huwag n'yo na kami isama... I just want a peaceful life!
"Room E," tipid na sagot ko dito at nagsimulang maglakad.
Nanlaki ang mata nito at ngumiti na nakalabas ang ngipin. "YEHEY! CLASSMATES TAYO!" sigaw nito na ikinatigil ko.
Anak ng tipaklong!
Binalewala ko na lang ang sinabi nito at naglakad ulit. Narinig ko ang pagtakbo nito sa gilid ko at naglakad.
Nakasimangot lang ako habang naglalakad at palihim na sinusulyapan si Donna na kumakain ng lollipop niya habang dumadaldal na naman. May mga estudyante din kaming nakakasabay sa paglalakad papunta sa kani-kanilang mga room.
Maya-maya ay tumambad sa amin ang napakalaki at napakalawak na espasyo. Isang open field kung saan dito ginaganap ang mga aktibidad ng mga estudyante.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa isang room na may tatak sa taas na 'ROOM E'.
Huminga ako ng malalim at bubuksan na sana ang pinto nang maunahan ako ni Donna. "HI CLASSMATES!" sigaw nito nang makapasok.
Sumunod akong pumasok sa loob at nadatnan ko ang mga kaklase kong walang pakialam sa bati ni Donna. Pati siguro sila ay walang lakas na sumagot dahil sa lakas ng boses ng babaeng 'to.
YOU ARE READING
Crimson Dawn
VampiroAstralla was introduced to the harsh reality of her world at a young age- a vampire world in which those who did not belong to the Imperium Noctis were considered criminals or, worse, terrifying monsters. Determined to change her fate, she vowed tha...
