CHAPTER 6: DETENTION

24 4 2
                                        




MABILIS kong tinakpan ang alarm clock gamit ang unan at sabay napabalikwas ng bangon. Pero huli na.

"Shit—ano'ng oras na?!"

Huli akong nagising ngayong araw dahil matagal akong nakatulog kagabi dahil sa nangyare. Tumalon ako mula sa kama at napatingin sa orasan.

9:47 AM.

Those red numbers glared back at me like the eyes of a demon sent to ruin my GPA. My Science class—yes, THE Science class with terror prof Ms. Estrada—starts at 9:30 sharp. At sa academy na to? Late ka na kung hindi ka 5 minutes early, well yun ang sabi ni Donna.

Tanga, Astralla.

Donna, the ever-lively, always-earlier-than-the-sun roommate already left the dormitory kaya ngayon mag isa na lamang ako, at wala narin akong oras para kausapin siya sa nangyare kagabi.

Napakagat ako sa labi habang nagbibihis ng parang sinasapian. My chest pounded like it was trying to escape my ribcage—kaba? hiya? gutom? All of the above? No time to care. Wala na akong panahon mag-ayos. I looked like a walking horror movie extra.

Lumabas akong tila may hinahabol, paika-ikang suot ang sapatos habang hawak ang natuyong suklay. Ang uniform ko, gusot. Ang buhok ko, buhol-buhol. Pero ang pinaka-ayaw ko? Ang pakiramdam na parang ako na agad ang talk of the academy—and not in a good way. Nakakailang ang mga titig na ipinupukol nila sa akin, kakalabas ko palang sa dorm at lumakad sa hallway papunta sa klase ko pero parang gusto ko nang bumalik.

May iilan pa akong nadaanang grupo ng mga estudyante at nang makita nila ako ay bigla nalang silang nagbulong-bulungan which is weird? Pero bahala na, basta ako? I will smile all day para naman maging maganda ang buong araw ko–

Biglang may tumamang malagkit, something cold, wet, and foul exploded against my back. Napayuko ako. Sa puting tela ng uniporme ko, unti-unting lumalawa ang dilaw na likido ng itlog. Dahan-dahan akong lumingon, at bago ko pa man maibuka ang bibig ko—

SPLAT. SPLAT. SPLAT.

My smile disappeared. Tatlong itlog. Apat. Lima. Isa sa batok. Isa sa balikat. Isa sa buhok ko mismo, nadurog doon, at gumuhit pababa sa leeg ko. Nilingon ko ang grupo ng mga estudyante na nasa likuran ko at hinanap kung sino sa kanila ang nambato.

Tumingin ako sa likod at..

and there they were.

Yung mga babaeng nasa canteen noong mangyare ang nakakadiring ginawa ni Vladimir sa leeg ko. Mga babaeng nakatitig noon na para bang kakainin na ako ng buhay at isa lamang akong trapo sa sapatos sa manok na 'yon.

"Oops," sabi ng isa sa kanila, blonde, may pink ribbon clips sa buhok, her fake smile sharper than her eyeliner. "Sorry, thought you were trash."

I laughed.

Actually laughed.

"You thought?" I repeated, projecting my sweetest smile again. "Sweetheart, that requires thinking. Try again next time."

Natahimik sila. For a moment, I thought they'd just walk away with their brittle pride. But pride is a fragile thing, lalo na sa mga taong nabubuhay sa taas ng status nila. And I had just bruised theirs.

"Anong sabi mo?" tanong ng isa, ang boses niya matinis pero puno ng galit.

"I said—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may sumabunot sa buhok ko mula sa likod.

Napaatras ako. Naramdaman ko ang matalim na paghila sa buhok ko, ang pagkakabig ng anit ko na parang gustong tanggalin mula sa ulo ko. I winced, not from pain—I've felt worse—but from the sting of humiliation.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crimson DawnStories to obsess over. Discover now