TINAKPAN ko ng unan ang ulo ko, pero ang kulit talaga ng kumakatok. God, it's past 10 in the evening, at hanggang ngayon ay walang humpay ang ulan simula pa kaninang hapon. And now, here's someone na ayaw tantanan ang pinto ko. Hindi naman sa inaantok na ako or what, gusto ko lang sana mag-isip, magpahinga, at hayaan ang utak kong i-proseso lahat ng kaganapan kanina.
Of course, Im Astralla Revera kaya pagkatapos ng nangyareng pagta tapang-tapangan momentum ko kanina sa canteen, tumakbo lang naman ako pabalik sa dorm at sermonan ang sarili. Pakshet, sabi ko na ngang iiwasan ko ang dapat iwasan—so what the hell happened back there?
Napapikit ako ng mariin at nagpagulong-gulong sa kama sa sobrang inis. Paano na ako makakatulog ng matiwasay ngayon?
I almost screamed when someone jumped onto my bed. Naitapon ko ang unan na nasa aking ulo at daliang napa balikwas ng bangon. I quickly turned the lampshade on at bumungad ang nakaka lokong ngiti sa mukha ni Donna. With her sandals in my bed?! Aba, somosobra na ata tong babae nato.
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? At pwede ba! Alisin mo yang sandals mo sa kama ko!" galit kong sabi habang titig na titig sa mukha niya.
"Ang aga mo namang matulog, Astra," sagot niya, na parang wala lang. Ni hindi man lang nag-abalang alisin ang sandals. Kumportable pa sa higaan na parang kanya. "Labas tayo!"
"Donna Agrella. Tanggalin mo yang sandals mo, o ikaw ang ilalabas ko ngayon." I asked calmly.
Napakamot siya sa ulo at dahan-dahang tinanggal ang sandals. "Dali na kasi, Astra! Andaming nagtitinda ngayon sa sentro—first day ng pasok kaya pinayagan tayo ng Academy na gumala ngayong gabi!" Ngayong gabi lang talaga dahil bukas na bukas ay pagbabawalan na kaming lumabas ng alas diyes ng gabi.
"A. Y. O. K. O." Diretso at walang arte kong sagot habang pinulot ang nahulog kong unan. Nang makuha ay humarap ako dito at nakita kong mangiyak-ngiyak itong naka tingin sa akin.
She bit her lower lip. " Sige na kasi Astra.." Halos mauna pang tumulo ang uhog nito keysa sa luha niya.
Nilagay ko ang unan sa higaan ko at inayos. "Ayoko nga-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang magsailta.
"Sige.. Wag nalang, libre ko pa naman sana.." Nakayukong sabi nito at tatayo na sana sa kama ngunit agad ko siyang hinila papaupo.
Napa buga ako ng hangin. Kung hindi lang talaga ako nag titipid, nagugutom at nangangailangan ngayon ay talagang hindi ako kakagat. "S-sige nanga! Mapilit ka e" wika ko dito.
Donna looked at me and checked if Im telling the truth. Nanlaki ang mata nitong nakatitig sa akin at bahagya pang naka nga-nga. Pero cross my heart, gusto ko din talaga na lumabas para kahit papaanoy makalimutan ko ang mga nangyare kanina and hey!—libre is libre.
Napatingin ako sa kanya, deadpan. "Lumabas ka muna, para makapagbihis ako."
•••
Im wearing a black jacket and a black long skirt. Gabi narin at maginaw ang klima dito sa Emperium kaya naisipan kong ito nalang ang suotin.
As I open the door, bumungad ang ang nakangiting si Donna. Alam niyang sumakses siya sa buhay dahil napasama niya ako kaya talagang malaki ang ngiti nitong halos umabot na sa tenga.
"TARA NA!" Sigaw nito at daliang hinawakan ang kamay ko para tumakbo. Hindi naman siguro halatang excited siya ano?
Hindi nag tagal ay naka labas din kami sa Emperium Academy. Ngayon ay andito na kami sa sentro ng Emperium kung saan dito naka pwesto ang mga nag titinda ng mga pagkain, gamit, damit at et cetera.
YOU ARE READING
Crimson Dawn
VampireAstralla was introduced to the harsh reality of her world at a young age- a vampire world in which those who did not belong to the Imperium Noctis were considered criminals or, worse, terrifying monsters. Determined to change her fate, she vowed tha...
