PART II – UNITED BY MISSION
Kanina pa magkaharap sina Michael at Gaia pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang gustong umimik sa dalawa at parehong nagpakikiramdaman lang.
"Bakit gusto mo akong makausap?" Si Gaia na ang bumasag ng katahimikan.
Pagkatapos kasi ng meeting nila ay agad na lumapit si Michael kay Gaia at niyaya nito ang huli na mag-usap sila.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Michael. "May importante akong kailangan sabihin sayo." Aniya na nagdesesyon nang sabihin dito ang nalalaman niya.
Alam niyang mahihirapan itong tangapin ang katutuhan pero kailangan niyang sabihin dito.
Pagkatapos niyang masabi kay Gaia ay sa ibang kasamahan naman niya sasabihin ang kanyang nalaman dahil hindi niya pwedeng itago ang katutuhanan.
Napakunot ng noo si Gaia sa tinuran ni Michael. "Huh?"
"Tungkol ito sa—"
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Michael dahil sa biglang pagsulpot ni Harris mula sa kung saan.
"Gaia..." Tawag ni Harris kay Gaia kaya napalingon dito ang huli.
"Bakit?" Agad na tanong naman ni Gaia sa kaibigan.
"Pinatatawag ka ni Mr. Sandoval." Pagbibigay alam ni Harris kaya muling kumunot ang noo ni Gaia at napalingon pa kay Michael.
Agad naman nagkibit ng balikat si Michael para ipahiwatig kay Gaia na hindi niya alam kung bakit ito pinatatawag ng Ama.
Muling ibinalik ni Gaia ang tingin kay Harris.
"Bakit kaya?" Tanong niya dito pagbabakasakaling nabangit dito ni Miguel Sandoval kung bakit siya nito hinahanap.
Kibit-balikat din ang isinagot ni Harris sa kanya kaya hindi niya maiwasan na mapanguso sabay hinga ng malalim at muling lumingon kay Michael.
"Maya na lang tayo magusap ulit." Aniya dito kaya agad naman na tumango si Michael.
Saka mabilis na silang naglakad ni Harris papunta kung nasaan si Miguel Sandoval.
Pagdating nila sa patio kung saan nakaupo si Miguel ay iniwan na ni Harris si Gaia doon.
Agad naman na lumapit si Gaia kay Miguel.
"Sir." Agaw niya sa atensyon nito kaya't agad itong napalingon sa kanya,
"O, Gaia.. have a seat." Alok nito sa kanya kaya agad naman siyang naupo sa bakanting upuan na nasa harap nito.
"Gusto niyo daw po akong makausap." Ani Gaia pagkaupo.
"Yeah. Gusto ko lang kasi malaman kung bakit? Bakit kinakalaban mo ang sarili mong ama?" Tanong ni Miguel sa ilang araw nang gumugulo sa isip niya.
Hindi naman agad nakaimik si Gaia at napaiwas pa ng tingin kay Miguel.
Oo alam naman niya na darating ang oras na ito na kailangan niyang sabihin ang katotohanan.
Isang malalim na buntong hininga muna na ang pinakawalan ni Gaia bago muling ibinalik ang tingin kay Miguel. "Hindi po ako ang totoong anak ni Albert Aguas." Pagbubunyag niya sa katotohanan.
Gulat na gulat naman si Miguel dahil na narinig. Napako ang tingin niya kay Gaia habang pilit na pinaprocess sa isip niya ang mga sinabi nito.
Nang malaman niyang kinakalaban ni Gaia ang sarili nitong ama ay hindi siya makapaniwala at mas lalong pa ngayon sa ibinunyag nito, hindi rin siya makapaniwala.
Hindi niya alam kung ano iisipin. Pinaglalaruan lang ba sila ni Gaia?
"Hi..hindi i..ikaw?"
Mabilis na tumango-tango si Gaia.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Action"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...
