Hindi makapaniwala ang lahat nang malaman din nila ang koneksyon ni Marcus Ferrer kay Gaia. Lalong-lalo na sina Maxine at Jacob.
"Hindi ako makapaniwala na maliban kay Marcus ay ibang anak pa pala si Francisco Ferrer." Ani Maxine kay Jacob.
"At ang masama pa ay si Gaia pa." Saad naman ni Jacob.
Napailing-iling na lang tuloy si Maxine sabay tanaw kay Gaia na nasa labas at nakaupo sa isang sulok.
Alam nilang mahihirapan itong tangapin ang katotohan. Hindi rin nila ngayon alam kung ano ang magiging desesyon nitong gagawin pagkatapos nitong malaman na kapatid pala nito si Marcus na kalaban naman nila.
Aatras kaya ito o itutuloy ang laban?
"Paano kaya na naging anak ni Francisco Ferrer si Gaia? Sino ang kanyang ina?" Wala sa sarili na tanong ni Maxine habang nakatingin pa rin kay Gaia.
Kumunot naman ang noo ni Jacob. "Yan ang malaking tanong. Sa tingin ko ay hindi iisa ang ina nina Gaia at Marcus." Sagot niya.
"Yan din ang hula ko." Sang-ayon naman ni Maxine saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
Minsan talaga ay mapaglaro ang tadhana at may mga pangyayari sa buhay ng tao na hindi inaasahan, may mga sekreto at koneksyon na mahirap paniwalaan tulad na lang ng nangyari ngayon kay Gaia, Marcus at Francisco Ferrer kaya naman hindi na nakakapagtaka kung sakaling sa mga susunod na araw ay mga sikreto pang mabunyag tungkol sa ugnayan ng mga taong nasa paligid.
"Sa tingin mo kaya ay alam din ni Marcus na may kapatid siya?" Biglang tanong ni Jacob kaya napalingon sa kanya si Maxine na agad na napakibit ng balikat.
"Hindi ko alam." Sagot ni Maxine saka sabay pa sila ni Jacob na muling napatingin kay Gaia.
* * * *
"So ano na ngayon ang plano mo?" Tanong ni Harris kay Gaia ng lapitan ng nito ang kaibigan.
Isang mapaklang ngiti ang agad na iginawad ni Gaia dito. "Syempre tuloy ang laban." Sagot niya. "
"Paano na ang pagiging magkapatid niyo ni Marcus?"
"Wala naman problema iyon, hindi naman namin kilala ang isa't-isa at isa pa magkaiba kami ng landas na tinatahak. Hindi naman pareho ang prinsipsyong pinaglalaban naming dalawa." Sagot ni Gaia sabay muling ngumiti ng tipid. "Oo kung sa dugo magkapatid kami pero hindi hadlang ng pagiging magkapatid namin ang pinaglalaban natin na tama." Dagdag pa niya.
"Tama." Bigla silang napalingon sa biglang nagsalita si Miguel Sandoval na nasa likod na pala nila Harris at Gaia. "Tama ang mga sinabi mo Gaia." Dagdag pa nito sabay ngiti. "Ngayon ko lang napagtanto na ibang-iba ka pala sa naiisip kong pagkatao mo." Anito pa ng tuluyan nang nakalapit.
Isang tipid na ngiti naman ang isinagot ni Gaia sa mga tinuran ni Miguel Sandoval.
"Buti na lang at hindi ka napatay noon ni Michael dahil kung naisakatuparan pala niya ang plano namin ay nakakahinyang, dahil ang isang katulad mong tao ay bibihira na lang sa mundo, na mas pinipili ang nakakabuti at makakatulong sa iba." Dugtong pa ni Miguel
"Dahil iyon po ang tama." Sagot ni Gaia.
Napangiti pa ng malapad si Miguel dahil sa sinagot ng dalaga sabay napatango-tango pa ito. "Sana kung ano mang naging masamang pagtingin ko sayo noon ay mapatawad mo ako." Paghingi ng tawad ni Miguel dahil sa hindi magandang simula nila sa nakaraan.
Hindi iyon inaasahan ni Gaia kaya medyo natigilan ito.
"Ok lang po iyon." Maya-mayang sagot ni Gaia ng makabawi. "Hindi mo naman po alam ang totoo." Dagdag pa niya.
"Salamat." Ani Miguel sabay ngiti ng malapad dahil sa pagkakaresolba ng hindi nila pagkakaintindihan ng dalaga.
Mas magaan kasi ang buhay kung wala kasamaang loob na kasamahan.
* * * *
Dahil sa naging desesyon ni Gaia na hindi siya uurong ay muling magkakaroon sila ng meeting para mapagplanuhan na nila kung ano ang gagawin.
"Okay ka lang?" Tanong ni Michael kay Gaia ng lumapit siya dito habang hinihintay nila ang iba pang dumating para sa meeting nila.
Agad na tumango si Gaia. "Oo naman." Nakangiting sagot niya.
Hindi agad inalis ni Michael ang tingin kay Gaia at pinagmasdan ito ng mariin at pilit na binabasa ang iniisip nito pero sadyang mailap ito sa pagpapakita kung ano man ang nararamdaman nito kaya naman walang napala si Michael at tanging blankong emosyon lang ang nababasa niya sa mukha ni Gaia.
"Ah Okay, good." Sagot na lang ni Michael sabay napatango-tango pa.
At duamating na rin ang iba pa nilang kasamahan kaya inalis na rin ni Michael ang tingin sa dalaga at nagpasyang mamaya na lang ito kakausapin.
Nang kompleto na sila ay inumpisahan na nga nila ang paglalatag ng kanilang mga plano.
Lahat ng mga impormasyon na nalalaman nina Gaia at Harris ay sinabi nila sa mga kasamahan para makatulong sa planong gagawin nila.
Maging sina Maxine at Jacob din ay lahat ng mga impormasyon na hawak nila ay ibinigay na rin nila.
Naniniwala sila na sa pagtutulungan nila ay mapipigilan nila ang mga masasamang plano nina Albert Aguas at Marcus Ferrer.
Mapipigilan nila ang pagsira ng mga ito sa buhay ng mga kabataan sa ginagawa ng mga itong pagbebenta ng droga at mapipigilan din nila ang pagtulong ng mga ito sa mga terorista sa paghahasik ng takot sa mga mamamayan.
* * * *
"Gaia, pwede ba tayong mag-usap." Sabi ni Michael kay Gaia pagkatapos ng meeting nila.
Hindi naman agad na nakasagot ang dalaga at napalingon pa kay Harris na nasa tabi niya at tinanguan naman siya.
"Ok sige." Sang-ayon ni Gaia.
"Tara doon tayo." Aning yakag ni Michael kaya sumunod naman dito ang dalaga papunta sa lugar na tinutukoy nito.
"Bakit?" Agad na tanong ni Gaia kay Michael ng huminto na sila.
Huminga muna ng malalim si Michael bago nagsalita.
"Alam ko na nagpakasal tayo na walang pagmamahal sa isa't-isa..." Umpisa ni Michael sa sasabihin niya kay Gaia. "Nag-umpisa man ang relasyon natin na gusto nating patayin ang isa't-isa pero—" Pagpapatuloy pa niya. "Nauwi naman tayo sa pagiging magkakampi at nadiskubre na iisa lang pala ang pinaglalaban at kalaban natin, well, ang gusto ko lang naman sabihin is—lagi mong tandaan na andito lang ako, pwede mo akong hingian ng tuloy—mag-asawa pa rin tayo kaya sana wag kang mahihiya na lumapit sa akin kung may problema ka o kung gusto mo ng kausap handa akong makinig." Dugtong pa niya.
Sinasabi ni Michael ito kay Gaia dahil gusto niyang iparamdam dito na kahit anong manyari andito lang siya at handang damayan ito at handang makinig sa kahit ano man problema nito.
Samantala ay hindi naman inaasahan ni Gaia ang mga sinabi ni Michael kaya napatitig lang siya dito, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya pero naappriciate naman niya ang mga sinabi nito at ramdam din naman niya ang senseredad sa mga sinabi nito.
"Salamat." Maya-maya'y sagot ni Gaia na may kasama pang ngiti para ipakita ang pakakaappriciate niya sa sinabi nito.
Napangiti din si Michael sa naging tugon ni Gaia.
"Sana kapag natapos ito at naging maayos ang lahat at pwede tayong mag-umpisa na may magandang relasyon." Sabi pa ni Michael habang nakangiti pa rin.
Muling napatitig si Gaia kay Michael dahil sa mga sinabi pa nito. "Sure..." Medyo nag-aalangan na sagot niya pero iyon din naman ang gusto niya—ang maayos ang lahat at magkaroon silang lahat ng mapayapa at maayos na relasyon.
"At tungkol naman pala sa kasal natin—" Sasabihin pa sana ni Michael na pinutol naman agad ni Gaia.
"Don't worry kapag natapos na ang problema natin we can start the process of annulment." Putol na sabi ni Gaia.
Natigilan naman si Michael dahil sa sinabi ni Gaia dahil hindi naman iyon ang gusto pa niyang sabihin pero— "Ok." Sagot na sang-ayon na lang niya kahit na labag man sa kalooban niya.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Ação"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...
