Kabanta 3

74 0 0
                                    

Desperate

Iritado akong tinignan ni Shia sa aking harapan, nagtagpo na naman ang landas naming dalawa, mabuti nalang at sanay itong tenga ko sa bunganga niyang machine gun!

"Ano masaya kana?" Pagalit niyang tanong sa akin.

" Hayaan mo nalang siya Shia... Alam niya ang ginagawa niya okay?" Mahinahong sabi ni Chantyl sa kaibigan namin.

"Kaya lumalaki ulo eh! Hinahayaan nyo lang!"

"Pag masaktan edi masaktan ganon lang yon" sabi ko sa tatlo.

"Masasaktan kami kapag nasaktan ka, Coll kaya ko lang naman ginagawa ito, ang pagsabihan ka.
"

" Thank you sa bagay na iyan, but I know. Don't worry I can handle my self alright?" Ngumiti ako sa tatlo, malungkot na ngiti  lang ang ginawa nila sa akin.

Lumapit si Shia sa akin, at binigyan ako nang mahigpit na yakap, I hugged her back. Ramdam na ramdam na ramdam  ko ang pagmamahal nila sa akin. I love them so much too.

"Here." Inabot sa akin ni Shia ang sout niyang leather jacket.

"T-thank you..." I whispered.

"Wag kang mag paulan ulit."

"Sorry.... Bati na tayo?" Tanong ko sa kayakap kung hindi ko alam kung yakap pa ba ito o sakal na.

"Oo." Sabay hampas niya sa pwetan ko, narinig kung tumawa ang dalawa matapos kung umangal sa hampas niya napalakas!

"Pano ba yan, mauuna na ako ha? May part time pa ako eh! See you mamaya Coll!" Kumaway kami sa papaalis na si Chantyl, its already 5:30 now may part time job pa siya mamaya kung saan ay don din ako nagtatrabaho.

"Mauna kana may tatapusin lang ako."

"Sege, ingat!"

"Yong sinabi ko please lang. Paalala ni Shia sa akin, bago hinila si Gaia palabas nang University. Kinawayan ko ang dalawa, nang nakalabas na ay nag antay ako nang taxi, uuwi muna ako bago dumiretso sa gig, I need to change my clothes first mabilis lang naman ang byahe.

Papara na sana ako sa papalapit na taxi nang huminto sa harapan ko ang pamilyar na sasakyan, humalikipkip ako at hinintay lumabas ang nasa loob.

I stared at the woman in front of me blankly, ano sa tingin nang babaeng ito ang ginagawa niya? Saan siya kumuha nang lakas nang loob para puntahan ako sa Unibersidad kung saan ako nag aaral. Matapos nang lahat nang ginawa niya kay Mama noon!

" Hi Collet..'' Nagawa niya pang ngumiti sa akin na siyang kinairita ko! Sira na nga ang araw ko may dadagdag pa talaga! Hindi ko na siya binati pabalik, I crossed my arms and looked at  her coldly.

'' Pinapa sundo ka nang Papa mo, since busy ang mga kasambahay sa bahay, I insisted na ako nalang.''

Hindi parin ako nagsalita, because I don't think she's worth of my time. Hinding hindi ko mapapatawad ang pag t-traydor niya kay Mama, bata palang sila ni Mama ay matalik na silang mag kaibigan si Mama ang laging kasama nya noon pa from grade school to college.

Alam na alam nang babaeng ito na mahal na mahal ni Mama ang walang kwenta kung Ama, pero anong ginawa niya? Nilandi niya at inagaw kay Mama! Papa choose her over us! That's why ganito ako sa kanya ngayon. Galit na galit ako sa kanilang dalawa, kahit na ilang beses akong sinabihan ni Mama na pinapatawad niya ang dalawa, kung si Mama kaya niyang magpatawad pwes ako hindi!

Heartless Sweetheart (Celebrity Series 3)Where stories live. Discover now